Kabanata 27

159 12 0
                                    

Sunod-sunod nang nagbagsakan ang mga luha ko nang tuluyan niya nang tanggalin ang pagkakakapit ko sa braso niya. Maluha luha ko siyang tiningnan pero ni hindi niya man lang ako binalingan ng tingin kaya mas lalo lamang akong nadudurog.

Is this true? Is he really letting me...go?

"Alright. Alam ko namang gagawin mo ang tama. You made the right decision, brother. Now, ako nang bahala sa kaniya," ani Dilan.

Pangisi ngisi ito na animo'y may bibiktimahin na naman siya at batid kong ako iyon. Parang mala demonyo na ang tingin nito sa akin at mukhang anytime ay susugurin na ako nito.

Sobrang kaba na ang nararamdaman ko ngayon. Nanginginig na rin ako sa takot at mas lalong nagpahina sa akin ang ideyang sila ang pinili ni Rendon kaysa sa 'kin.

Akala ko, importante ako sa kaniya. Akala ko, hindi niya ako bibitawan at pababayaan pero mukhang nagkakamali ako. Baka hindi pa ganoon kalalim ang pagmamahal niya sa akin kaya ganito na lamang sa kaniya kadali ang lahat.

Wala akong karapatang magreklamo o magsalita man lang. Pamilya niya sila at isang hamak na tao lang ako. Desisyon niya 'yon at hindi akin kaya wala akong karapatang magalit sa kaniya.

Nandoon pa rin ako sa likod niya ngunit hindi na ako nakakapit sa mga braso niya. Nagtataka ako kung bakit nandito pa rin siya gayong nagdesisyon naman na siya.

Hindi ba dapat ay hayaan niya na ako rito mag isa? Hindi ba dapat ay iwanan niya na ako? Pero ano itong ginagawa niya ngayon?

"Rendon." Pagtawag ulit ni Dilan na may bahid ng pagkainis sa tono nito.

"I haven't decided yet," ani naman ni Rendon.

Natigilan ako sa sinabi niya at gayon din si Dilan na nakakunot na ngayon ang kilay sa sinabi ng kaniyang kapatid. Tila ba'y hindi niya inaasahan ang binanggit nito. Base sa kaniyang ekspresiyon ay para itong nadismaya.

At anong hindi pa siya nagdedesisyon? Tinanggal niya na ang pagkakahawak ko sa braso niya, so it means he decided already and that decision is to let go of me. Right?

"Don't, Rendon," pagbabanta pa nito.

"I will choose her," dagdag pa ni Rendon.

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Nanatili pa rin siyang nakatitig ng diretso sa mga mata ni Dilan.

"Rendon..." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Iniisip ko na mawawala ang dapat sa kaniya kapag ako ang pinili niya pero on the other hand, I felt happy na ako ang pinili niya. It means I am important to him even though I am human.

Binalingan ko ang gawi ni Dilan. Naka-crossed arm na siya ngayon at diretsong nakatingin ang mga mata sa akin na parang ako ang kinakausap nito.

Kitang kita ko naman ang inis at galit ni Dilan sa naging desisyon ni Rendon. Nang magsalita ulit siya ay napalitan ang expression niya ng naghahamon.

"So, you are giving up your throne just for a human?"

Nag aalala ako para sa magiging kapakanan ni Rendon kung sakaling kapatid niya ang maging pinuno ng mga pinuno ng bampira lalo pa't ngayon alam niya na rin kung ano ang namamagitan sa aming dalawa ni Rendon. Maaari kaming mapahamak. Maaaring may gawin siyang masama sa 'min pati na rin sa pamilya ko.

"Yes. You can have it, brother. Just don't...hurt her." Madiin ang pagkakasabi ni Rendon ngunit bigla itong lumambot nang banggitin niya ang dalawang huling salita.

Bahagyang natawa si Dilan sa sinabi ng kaniyang kapatid. Nang marinig ko 'yon ay parang dumaloy ang takot ko sa buong katawan. Seriously? He is so evil.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now