Kabanata 2

384 27 0
                                    

"Oy laro ulit tayo mamaya!" Nasasabik kong aya kay Shrell.

Gusto ko kasing bumawi dahil hindi ako masyadong nakapaglaro kahapon. Bida-bida kasi 'yong isa naming kalaro. Kung makasipa ng bola eh parang wala ng bukas. Ayan tuloy nawala 'yong bola pero mabuti nalang nahanap din nong lalaki.

Nadatnan ko si Shrell na nakapangalumbaba sa mesa at nakatingin lamang sa kawalan. Binalingan ko naman ang tinitingnan niya at natatawa na lamang akong napailing nang mapagtanto kung sino 'yon.

"Crush mo si Joem 'no?"

Inilabas ko naman ang baon ko. Recess time kasi namin kaya nandito kami ngayon sa canteen.

Agad naman siyang nabuhayan at napailing sa narinig mula sa akin.

"Huh? Hindi 'no!" Pagtatanggi niya saka nagsimula na ring kumain.

"Sus, magpapalusot ka pa."

"H-hindi nga."

"Okay okay haha. Ano payag ka? Laro ulit tayo mamaya?" Pag iiba ko ng usapan.

Sandali pa siyang napaisip saka nagsalita.

"Hmm ayoko," maikling sagot niya.

"Huh? Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko.

Parang ngayon lang siya tumanggi sa pag aaya ko. Dati kasi halos siya ang nag aaya para makipaglaro kaya naninibago ako sa pagtanggi niya ngayon.

"Pinagalitan ako ni mommy kagabi," niya sa isang malungkot na boses.

Kaya ba siya malungkot dahil doon? Pinagalitan ba siya dahil nawala niya ang bola niya o pinagalitan siya dahil gabi na siya nakauwi? Katulad ng naranasan ko kahapon.

"Pinagalitan ka ba dahil nawala mo 'yong bola?" Pagkaklaro ko sa kaniya.

"Hindi. Pinagalitan ako dahil late na naman ako umuwi," sagot niya.

"Eh? Pinagalitan din ako ni dad. Parehas pala tayo haha. Pero...kahit na gano'n, eh gusto ko pa ring maglaro. Hindi naman tayo magpapagabi eh." Paliwanag ko naman baka sakaling makumbinsi ko pa siya sumama.

May pagkapasaway din talaga ako. Kapag gustong gusto kong gawin ang isang bagay, eh gagawa talaga ako ng paraan para gawin 'yon. Ewan ko ba normal naman talaga 'to sa isang bata eh.

"Ayoko pa rin tsaka susunduin ako ni mommy dito kaya hindi ako makakapagpalusot at isa pa hindi ko naman dala ang bola ko," paliwanag niya naman.

May susundo pala sa kaniya. Buti pa siya sinusundo. Ako kasi hindi ko matandaan ang huling beses na sinundo ako ni dad dito sa paaralan.

Simula noong mawala si mommy, eh umuuwi na ako mag isa galing sa paaralan. O kaya nama'y minsan nakikisabay ako sa mga kaklase kong pauwi pero madalas si Cedrix ang kasama ko.

"Ganon ba? Sayang naman," saad ko.

"Oo nga eh. Ayain mo nalang si Cedrix. Siguradong papayag naman 'yon," suhestiyon niya.

Si Cedrix ay isa sa matalik naming kaibigan. May pagkapasaway siya pero ngayon eh napapansin ko na parang nababawasan na ang pagkapasaway niya at hindi na tulad no'ng dati. Siguro nagbibinata na siya kaya normal lamang na gano'n na ang mga aksiyon niya.

"Ayoko." Simpleng sagot ko.

Ipinagpatuloy ko naman ang pagkain ko. Masarap talaga magluto si manang kaya madami talaga ang pagkain na binabaon ko.

"Ha? Bakit naman?" Nagtatakang tanong ni Shrell at saka sumubo ng baon niya.

"Ihh basta, ayoko."

Hindi ko masabi sa kaniya ang dahilan baka kasi pagtawanan niya lang ako eh.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now