Kabanata 28

150 13 0
                                    

Dalawang araw na ang nakalipas simula noong mangyari ang labanang iyon. Sa loob ng dalawang araw na 'yon ay nanatili lang kami sa loob ng kwarto tuwing gabi dahil masyado nang delikado sa labas lalo pa't may mga bampira nang nakakaalam ng tungkol sa 'min.

Hindi na rin kami tumatambay sa labas ng bintana dahil baka may makakita pa sa 'min. Ingat na ingat kami sa bawat kilos naming dalawa lalo na kapag pupunta siya rito. Para bang nalilimitahan na namin ang bawat kilos ng isa't isa at ang kwarto ko ang natitirang lugar na malaya kaming dalawa.

Napansin ko rin ang pagbabago sa katawan ni Rendon simula noong pinayagan ko siyang uminom ng dugo ng mga hayop. Makikita talaga ang epekto kapag sagana sa dugo ang isang bampira. Mas masigla na siya kumilos ngayon hindi tulad ng dati na para bang hirap siya kung minsan.

Nabanggit niya na rin sa 'kin na nakausap niya na si Dilan tungkol sa 'min. Binantaan niya raw ito na papatayin kapag nagsalita siya gayon din si Lamara.

Sa totoo lang, parang mas mapapagkatiwalaan ko pa si Lamara kaysa kay Dilan. Lamara has this aura na kapag nakita mo siya, eh hindi ka makakaramdam nang sobrang takot. Oo, matatakot ka pero hindi sobra katulad ng awra ni Dilan na para bang palaging susugod.

Kasalukuyan akong nagda-drive papunta ngayon sa headquarter dahil nakatanggap ako ng text kanina galing dad. Bihira lang akong makatanggap ng text galing kay dad kaya kinakabahan ako kung ano ang madadatnan ko roon.

Hindi ko alam kung importante ba 'to pero may something sa 'kin na nagsasabing kailangan kong pumunta. Pakiramdam ko kasi may something ngayon akong malalaman o mapagdadaanan.

Inisip ko na ang lahat ng posibleng rason kung bakit ako pinapapunta ni dad doon pero isa lang ang mas nagpapakaba sa 'kin ngayon.

Posible kayang sinabi na ni Cedrix lahat kay dad kaya pinapapunta niya ako roon? Shit! This is not good. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si dad kung ganoon nga. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya.

Gusto ko sanang bumalik sa bahay at magkunwari nalang na masakit ang ulo para hindi ako matuloy dito pero napansin kong nasa tapat na ako ng headquarter at nakapagreply nga pala ako ng 'okay' kay dad.

Pagkapark ko ng sasakyan ay napansin kong ang dami ring nakapark ngayon dito. Halos punuan ang mga space pero mabuti nalang nakahanap pa ako ng space para sa sasakyan ko.

Pagkapasok ko sa loob ay sinalubong ako ng napakaraming tao lalo na sa may open area. May mga nakauniporme at may iilan namang hindi. Ang iba naman lalo na ang mga baguhan ay patingin tingin sa akin pero natigil lang iyon nang salubungin ako ni Tito Rob, Shrell's father. Isa siya sa mga leader ng grupo sa loob ng Vampire Hunter's Community.

"Oh iha, ikaw pala! a
Are you looking for your dad?" Tanong niya.

"Yes po, tito," sagot ko naman.

"He's in his office right now pero lalabas din iyon maya-maya," aniya.

"Okay po."

Iniwan na ako roon ni tito dahil may tumawag na sa kaniya. Naiwan naman ako roon kasama ng mga iba pang nandito. Naiilang ako sa mga tingin nila dahil malamang hindi naman nila alam na anak ako ng commander ng organisasyong ito.

Palingon lingon ako sa bawat sulok dahil nagbabasakali akong makikita ko si Cedrix dito. Kailangan ko siyang makausap. Kailangan ko siyang tanungin kung sinabi niya ba kay dad nang sa gayon eh pwede kong maiwasan kung ano man ang mga susunod pang mga mangyayari mamaya lalo na kung magkaharap na kami ni dad.

"Cedrix!"

Agad akong tumakbo sa pwesto niya nang makita ko siya. Hindi man lang siya lumingon at nagulat na naroon ako. Inaasahan niya na siguro na pupunta ako ngayon.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon