Kabanata 44

147 9 0
                                    

Naririnig ko ang bawat lagapak ng gamit na nilalagay ni Shrell sa isang bag kaya palingon lingon ako sa kaniya. Mukhang nagdadabog siya mga sis. Nag i-impake kasi kami ngayon dahil mamayang hapon na ang biyahe namin pauwi sa probinsya. Matagal na kaming nakapa-reserved ng ticket kaya hindi na hassle pagpunta sa terminal.

Muli na naman akong nakarinig ng dabog at pasimple siyang tumingin sa 'kin. Nahuli ko naman iyon kaya bigla siyang umiwas at padabog na umalis ng kwarto. Nagtatampo nga siya mga bes. Hindi na ako nagtataka kung bakit ganyan ang reaksyon niya dahil alam ko naman na tungkol 'yon sa nangyari kagabi.

Dali-dali kasi kaming naglakad na halos takbuhin na namin sa pagmamadali. Naririnig ko pa ang pagtawag niya kagabi pero hindi ko talaga siya nilingon tapos no'ng makauwi ako sa apartment ay agad akong natulog. Hindi pa kasi ako handa sa magiging reaksyon niya kaya heto ako ngayon, hindi niya pinapansin.

Napabalik ako sa ginagawa ko nang pumasok na ulit si Shrell sa loob ng kwarto. Tiningnan ko siya pero hindi niya man lang ako binalingan ng tingin. Nagpatuloy siya sa pag lalagay ng mga damit sa bag.

Hindi ko na kaya ang katahimikang bumabalot sa 'ming dalawa. Simula pa kanina ay tahimik lang siya at hindi ako binabalingan ng pansin kaya kahit naasar na ako ay wala akong karapatang maasar dahil alam kong kasalanan ko naman.

Ibinaba ko ang damit na tinutupi ko at diretsong tumingin sa gawi ni Shrell.

"Shrell..."

"What?!" Iritado niyang sagot sa 'kin. Hindi niya pa rin ako binabalingan ng tingin.

"Galit ka ba?" Tanong ko.

"Hindi ako galit! Naiinis lang ako."

"Eh 'di galit ka nga."

"Ano ba?! Hindi nga ako galit eh pero ginagalit mo 'ko!" She's getting pissed. Gusto kong matawa pero pinigilan ko ang sarili ko. This is not the right time to laugh dahil mas lalo lang siyang mati-trigger sa 'kin.

"Sorry na."

"Hmp!" Nagcross arms pa siya at iniwas ang tingin sa 'kin. Ghad! Parang bata talaga siya.

Nagdesisyon akong lapitan na siya. Medyo kinakabahan ako dahil ngayon nalang kami nagkatampuhan ni Shrell. Ang huling tampuhan yata namin ay no'ng hindi ko sinasadyang maapakan ang puti niyang sapatos noong high school pa kami.

Nang makalapit na ako ay yinakap ko siya pero hindi niya ako niyakap pabalik. Nanatiling nasa gano'n siyang posisyon. Mapride mga sis charot!

"Shrell, sorry na kasi."

"Ewan ko sa 'yo!" Kumalas ako sa yakap at hinarap siya.

"Dali na. I'm sorry. I'm really sorry. Ayokong nagkakaganito tayo. Sorry na, please?"

Dahan-dahan siyang lumingon sa 'kin at tiningnan ako gamit ang nagtatanong niyang mga mata. Hindi siya nagsasalita pero alam ko kung ano ang gagawin ko at sasabihin. She needs an explanation of what happened last night.

Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kaniya ang totoo pero sa tingin ko I need to pero hindi lahat. Hindi ko isasama ang totoong katauhan ni Rendon. Ayoko siyang matakot.

"Okay. Kagabi, ako 'yung nakita mo--"

"Sabi na! Ikaw 'yon eh. Hindi ako nagkamali pero bakit 'di mo 'ko nilingon at saka sino 'yong kasama mo?" May bahid pa rin ng pagkairita sa tono ng boses niya.

Napayuko nalang ako para mag isip ng sasabihin. Sa tingin ko naman eh hindi na ako pwedeng magsinungaling dahil nakita niya na kagabi. Wala na dapat akong itago pa sa kaniya except the real identity of Rendon. 'Yon ang ayokong malaman niya.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon