Kabanata 5

254 25 0
                                    

Pagkarating namin sa bahay ay agad akong bumaba sa kotse at pumasok sa loob ng bahay. Sinalubong pa ako ni manang pero tumigil siya sa pagsasalita nang makita si dad na nasa likuran ko.

"Cassey!" Sigaw ni dad nang makalabas ng kotse.

Kabado akong tumigil sa paglalakad at humarap sa kaniya. Si manang naman ay nanatili lang sa isang tabi at pinagmamasdan ang mga nangyayari. Pakiramdam ko hindi ako makahinga nang maayos dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon. Ayoko ng ganito.

"Anong ginagawa mo ro'n ng ganitong oras?!" Diretsong tanong ni dad.

Batid sa tono ng pananalita niya na galit na galit siya ngayon. Mas lalo akong kinakabahan kapag ganito ang tono ng boses niya.

"D-dad..."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Ipapaliwanag ko ba sa kaniya na kaya ako nandoon eh dahil nagpaturo ako sa project ko? Maniniwala kaya siya?

"Sumagot ka! Ano hindi ka sasagot?! Bakit mag isa ka ro'n?! Anong ginagawa mo sa lugar na 'yon?!" Sigaw pa nito na parang hindi bata ang kausap niya.

Nagsimula nang mamuo ang mga luha sa mga mata ko. Ang bilis kong maluha lalo na kapag sinisigawan ako. Nanatili lang akong nakayuko rito at dinadamdam ang bawat salitang binibitawan niya.

Sigurado naman ako na hindi siya maniniwala sa akin kapag sinabi ko ang totoo. Mas lalo lang siyang magagalit kapag sinabi kong may kasama ako ro'n noong mga oras na 'yon.

Wala akong laban sa kaniya, wala akong laban kay daddy. Hindi ako pwedeng sumagot sa kaniya nang basta basta dahil hindi ko kaya 'yon because he's my dad after all.

"Tama na 'yan, Fredo. Maghinay hinay ka sa pananalita mo. Maaari mo namang kausapi--" mahinahong sabat ni manang ngunit agad siyang pinutol ni dad sa pagsasalita.

"At ikaw naman manang, kinukunsinti mo ang batang 'to kaya lumalaki ang ulo!" Sigaw niya kay manang.

"Hindi naman sa--" pinutol niya ulit ito sa sasabihin.

"Manahimik ka manang! Ginagalang kita dahil malapit ka sa asawa pero sa pagkakataong 'to 'wag ka munang makialam!" Sigaw pa nito.

Mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko na ngayong nadadamay na rin si manang sa mga kagagawan ko. Nasasaktan ako dahil pati siya ay nasisigawan na rin ni daddy dahil lang sa pagtatanggol niya sa akin.

Patuloy lang ako sa pag iyak dahil hindi ko maisip na pati si manang ay madadamay sa mga pagsisinungaling ko. Simula nang mawala si mommy ay siya na ang tumayong nanay ko kaya nagi-guilty ako ngayon. I'm sorry, manang. I'm so sorry.

Umalis nalang doon si manang at nagpuntang kusina. Kahit nandoon siya ay alam kong maririnig niya pa rin ang mga sinasabi ni dad. Binalingan ako ni dad at nagsimula ulit magsalita.

"At ikaw naman Cassey, tinatanong kita kung anong ginagawa mo ro'n?! Bakit hindi mo ako sinasagot?!"

Dahil gusto ko nang matapos ang usapang ito ay nagdesisyon na akong magsalita kahit na mahirap para sa akin lumabas ang mga salita.

"N-napadaan l-lang po a-ako r-roon," pagsisinungaling ko. Sasabihin ko nalang na napadaan ako roon kahit na hindi naman para matapos na ang usapang 'to.

"Bakit ka naman napadaan doon?! Saan ka nanggaling at bakit ganoong oras eh hindi kapa umuuwi?! 'Di ba pinagsabihan kitang 'wag na 'wag kang magpapagabi sa pag uwi ha?!"

Patuloy lang sa pag uunahan ang mga luha ko. I know dad, I know. Palagi mo iyan sinasabi sa akin at palagi ko nalang hindi nasusunod ang mga bilin niyo kaya tama lang siguro na pagalitan at sigawan mo ako ngayon.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now