Kabanata 32

147 15 1
                                    

Kapag talaga sinabi ni dad, gagawin niya. He is always committed to his words.

Tulad nga ng sinabi niya, nakalocked ang kwarto ko ngayon at nakakulong lang ako. Tanging ang nag iisang bintana ko nalang ang nakabukas pero hindi naman ako maaaring tumalon dahil sobrang taas nito at panigurado akong mababalian ako ng buto kapag ginawa ko 'yon. At saka isa pa, wala naman akong balak umalis o tumakas dahil wala naman akong mapupuntahan.

I have nowhere to go except here.

Alam kong mag isa lang ako rito dahil wala akong ingay na naririnig sa labas. Tanging ang mga sariling hikbi ko nalang ang nagbibigay ng ingay sa paligid at ang mga ingay ng limitado kong galaw sa buong silid.

Kanina ko pa pinag iisipan lahat ng mga sinabi ni dad at umiiyak pa rin ako hanggang ngayon sa sobrang sakit at bigat ng mga pinagdadaanan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ako makapag isip nang maayos sa mga nangyayari.

Pinasadahan ko ang orasan sa side table ko at nakitang magtatanghalian na pala. Hindi ko alam kung bakit hindi ko mabuksan ang pintuan ng kwarto ko gayong nandito naman ako sa loob nito.

Wala akong susing hawak dahil kinuha iyon ni dad bago siya tuluyang umalis kasama na ang susi ng kotse ko. Sinigurado niya talagang hindi ako makakaalis sa bahay na 'to.

Kahit magtatanghalian na eh hindi pa rin ako nakakaramdam ng gutom. Wala na akong ganang kumilos at pakiramdam ko pati gana sa ibang bagay ay nawala na rin.

Kahit ang simpleng pagkuha ng isang gamit ay nahihirapan pa akong gawin o sadyang wala lang talaga akong lakas ng loob para kumilos.

Napalingon ako sa pinto nang marinig kong may nagbubukas nito. Bumungad sa 'kin si Cedrix na may dalang pagkain. Inilapag niya naman iyon sa side table ko saka nagsalita.

"Stop crying. Hindi na maibabalik pa ang tiwala ni tito sa 'yo sa paiyak iyak mo," pambungad ni Cedrix nang makita ako.

Bigla naman akong nakaramdam ng inis sa sinabi niya. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba akong mainis o hindi. Kahit hindi niya sadya ay naiinis pa rin ako sa kaniya. Alam kong siya ang nagsabi kay dad dahil siya lang naman ang nakakaalam ng tungkol sa 'min.

"Anong ginagawa mo rito?" Walang gana kong tanong sa kaniya.

"Binabantayan ka, obviously. Pinapabantayan ka sa 'kin ni tito. Kumain kana baka magkasakit ka pa," sagot niya.

Bahagya naman akong natawa sa mga sinabi niya. Concerned? Nagawa niya pang maging concerned sa 'kin sa kabila ng mga sinabi niya kay daddy.

Akala niya ba natutuwa ako sa kaniya? Anong gusto niya, pasalamatan ko siya sa pagiging concerned niya? Wow!

"Wow, concerned ka sa lagay na 'yan? Pagkatapos mong sabihin kay daddy ang lahat-lahat may gana ka pang magpakita sa 'kin? May gana ka pang mag alala sa 'kin? Mahiya ka naman, Cedrix." Bulyaw ko sa kaniya.

Napailing iling naman siya sa sinabi ko na para bang hindi makapaniwala sa narinig mula sa akin. Nakacrossed arm pa siya at diretsong nakatingin sa gawi ko.

"Bakit naman ako mahihiya kung totoo naman lahat ng mga sinabi ko? Kung dapat may mahiya sa 'tin dito, ikaw 'yon Cassey. Mahiya ka sa mga pinaggagagawa mo." Sabat niya naman.

Hindi na ako sumabat sa mga sinabi ni Cedrix. Ayoko nang makipagtalo. Pagod na 'ko kakapaliwanag. Ayoko nang humaba pa ang usapan namin dahil ayoko siyang makausap. Ni ayoko nga siyang makita rito o maramdaman man lang ang presensiya niya pero andito naman siya sa harapan ko ngayon.

Hindi ko pa rin ginagalaw ang pagkain ko kaya lumapit na sa 'kin si Cedrix. Lumuhod siya sa harapan ko para magpantay ang paningin namin. Sa sahig kasi ako nakaupo at nakasandal ako sa dulo ng kama habang nakahawak sa ulo ang nakatukod kong kamay.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon