Kabanata 24

168 16 0
                                    

Nagising ako nang magtatanghali na. Kahit na nakatulog naman ako ay ramdam ko pa rin ang bigat ng ulo ko. Naligo muna ako at nag ayos ng sarili bago bumaba para sa tanghalian. Nakasalubong ko naman si manang sa may hagdan kaya napahinto ako.

"Pupuntahan sana kita sa kwarto mo para gisingin ka. Halika kumain na tayo."

Bumaba na si manang sa hagdan at sumunod naman ako sa kaniya sa kusina. Bumungad sa akin ang mga nakahain na pagkain sa mesa kaya agad kong naramdaman ang ingay ng tiyan ko.

Tahimik lang kami sa pagkain kaya naiilang ako. Hindi ako sanay na ganito si manang, usually kasi eh magtatanong na 'yan ng kung anu-ano pero ngayon hindi siya kumikibo kaya nahihiwagaan ako sa kaniya.

Ilang minuto ring ganoon ang lumipas at nang mapagtanto ko talaga na may mali ay nagdesisyon na akong magsalita.

"Manang, may problema po ba kayo?" Nag aalalang tanong ko. Bahagya naman siyang nagulat sa naging tanong ko.

"W-Wala naman. Bakit mo natanong iyan, iha?" Tanong niya pabalik.

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita. I know there is something wrong, ayaw niya lang sabihin sa akin. Pero hindi niya maitatago sa akin 'yon, kilala ko siya dahil siya na ang nagpalaki sa akin.

"Ang tahimik niyo po kasi masyado. Hindi po ako sanay," sagot ko. Ipinagpatuloy ko naman ang pagkain ko.

"Huwag mo na akong alalahanin, may iniisip lang ako."

Ano naman kaya iyong iniisip niya at parang sobrang okupado ang isipan niya? Nakakacurious tuloy.

"Ano po 'yon?"

Tumigil siya sa pagkain at bumaling sa akin. Diretso lang siyang nakatitig sa mga mata ko.

"Cassey iha, kilala kita. Kung may problema ka, sabihin mo sa 'kin. Kung may gusto kang sabihin sa 'kin, makikinig ako."

Naguluhan naman ako sa sinabi niya pero may namumuong conclusion sa isipan ko kung bakit siya nagsasabi ng mga ganitong bagay.

"Po? A-Ano pong ibig niyong sabihin? Hindi ko po kayo maintindihan, manang."

Ngumiti nalang siya saka ipinagpatuloy ang pagkain. Naiintindihan ko naman siya pero gusto ko pa ring umaktong hindi dahil kung hindi, papaniwalaan talaga ni manang ang ideyang may gusto nga akong sabihin sa kaniya.

Well, may gusto nga talaga akong sabihin at aminin pero hindi pa ako handa magsalita. Hahanap muna ako ng tamang pagkakataon para ipaliwanag sa kaniya ang lahat ng sa amin ni Rendon.

"Wala 'yon, hayaan mo na. Basta andito lang ako kung kailangan mo ng kausap. Maiintindihan kita, Cassey katulad ng pag intindi ko sa mommy mo," aniya.

Nakatulala lang ako sa kisame habang iniisip pa rin ang mga sinabi ni manang kanina. She's weird. May alam na kaya siya? Bakit ganoon ang mga sinasabi niya?

Hays, baka napaparanoid lang ako dahil kulang ako sa tulog. Oo, tama! Kung anu ano na naman ang mga iniisip ko.

Nagdesisyon nalang ulit akong matulog dahil ramdam na ramdam ko talaga na kulang pa ang naging tulog ko kanina. Kailangan kong bawiin ang tulog ko para hindi ako antukin mamaya pag alis namin.

Kasabay ng pagpikit ng mga mata ko ay ang panandalian kong paglimot sa mga bagay bagay na bumabagabag sa isipan ko.

Pagkagising ko nakita kong 4:48 PM na meaning malapit nang lumubog ang araw. Hindi na ako nag atubiling bumaba na mula sa kwarto at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Naabutan ko naman doon si manang na naghihiwa ng mga sangkap.

Nakita niya naman ako pero hindi siya kumibo kaya binalot na naman ako ng pagtataka. Ano bang nangyayari kay manang? Hindi ako sanay na ganito siya. Nakakapanibago na ganito ang mood na pinapakita niya sa 'kin ngayon.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now