Kabanata 48

154 14 1
                                    

Rendon's POV

Simula ng naging pag uusap namin ni Reevor, mas naging malapit kami sa isa't isa. Madalas ko siyang pagtakpan kapag hinahanap siya ng mga kasamahan namin. Madalas ko siyang tulungang umalis sa kaharian para makipagkita sa taong minamahal niya.

"S-Sino siya, Reevor?" Tanong ng babaeng minamahal niya.

"Siya si Kuya Rendon. Ang nakatataas sa 'ming mga bampira." Sagot nito sa babae. Bumaling naman ito sa 'kin at nagsalita.

"H-Hello po! Salamat kasi t-tinutulungan niyo pa si Reevor makipagkita sa kagaya ko kahit...bawal." Aniya na halatang kinakabahan. Matipid akong ngumiti sa kaniya at tumango na. Nagpaalam na ako kay Reevor na aalis na ako dahil may pupuntahan pa.

"Go, kuya. Win her heart back!" Sigaw ni Reevor. Napangiti naman ako roon at sumagot.

"I will! Thanks buddy!"

Pagkatapos ay nagsimula na akong tumakbo patungo sa kung saan. Hindi ko alam kung saan ang tamang daanan papunta sa kinaroroonan niya. Tanging ang natatangi niya lang na amoy ang hinahanap at sinusundan ko. Sa kagubatan ako dumaan para hindi magtaka ang mga tao kapag nakita nila kung gaano ako kabilis.

Ilang oras din ang itinagal ko sa pagtakbo nang maamoy ko nang mas malinaw ang presensya niya. Isa lang ang ibig sabihin nito, malapit na ako kung nasaan man siya.

Sinundan ko lang 'yon hanggang sa matanaw ko na ang napakaraming city lights sa unahan. Sobrang dami nito kaya napakaganda tingnan. Napangiti ako nang may maalala. We used to do this together...before but now, I don't know if mauulit pa ang mga ganito kasimpleng bagay.

Nagsimula na akong tumalon sa mga matataas na building. Hindi naman ako nababahala na baka may makakita sa 'kin dahil masyadong abala ang mga tao rito kaya hindi naman siguro nila iyon mapapansin.

Ilang sandali pa ay tumigil ako sa pagtakbo nang makita ko na siya sa malayo. Mag isa lang siya habang nakatingin sa napakaraming city lights kaya katulad nito, sobrang ningning ng mga mata niya na mas lalong nagpaganda sa kabuuan ng mukha niya.

Para akong napako sa kinalulugaran ko nang makita ko na naman siya. Pakiramdam ko ang tagal ko siyang hindi nakita. Damn! I miss her. I really do!

Gusto ko siyang lapitan at yakapin ngayon pero pinigilan ko ang sarili ko dahil nakita ko ang isang lalaki na papalapit sa kaniya. Kumunot naman ang kilay ko rito dahil hindi maganda ang pakiramdam ko sa lalaking 'to. Masasabi kong masyadong pabida ang lalaking 'to. Talagang sinundan niya pa talaga si Cassandra sa rooftop ah.

Pinagmasdan ko lang sila habang nag uusap. Mahina ko namang naririnig ang usapan nila. Binasa ko naman ang nasa isipan ni Cassandra at nakaramdam ako ng lungkot nang malaman ang mga hinanakit niya sa 'kin.

I'm sorry, Cassandra. This time, I will settle everything. Aayusin ko kung ano ang nasira at ipagpapatuloy natin ang nasimulan na. Sana pwede pa, sana ako pa rin dahil ako, hindi nabago dahil ikaw at ikaw pa rin.

Gabi-gabi akong pumupunta sa lugar kung nasaan si Cassandra. Hindi ko iniisip ang layo nito dahil mas iniisip ko ang kalagayan ni Cassandra lalo pa't noong isang gabi ay nakaamoy ako ng isang pamilyar na amoy ng isang bampira. Hindi ko mawari kung kanino iyon pero sigurado akong kilala ko kung kanino 'yon.

Kasalukuyan na akong nakaupo rito sa medyo kalayuan para pagmasdan si Cassandra. Gustong gusto ko nang lumapit sa gawi niya at magpakita sa kaniya pero natatakot ako. Natatakot ako na baka ngayon, hindi niya na ako tanggapin. Baka hindi niya na ako tingnan kung paano niya ako tingnan dati.

Nawala naman lahat ng negative thoughts ko nang basahin ko ang isipan niya. Napalitan ito nang pag aalala dahil umiiyak na naman siya. Umiiyak na naman siya nang dahil sa 'kin.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now