Kabanata 49

183 14 0
                                    

Rendon's POV

"Hey. What's wrong?" She asked worriedly. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kaniya.

"Nothing. I'm just thinking na...ikaw lahat ang gumagawa ng mga bagay na dapat ako ang gumagawa at the very first place. Katulad nito, ikaw palagi ang nag aaya. Ikaw palagi ang gumagastos because I couldn't do it. I just couldn't. I am just a useless vampire." I answered.

Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Iyong kinikwestyon ko ang halaga ko, ang mga nagagawa ko. I am powerful yet, when it comes to her, para akong tutang sunod nang sunod.

Iniisip ko ang mga kakulangan ko sa kaniya, kakulangan ko bilang kasintahan niya. Ngayon ko lang dinown ang sarili ko. Sa buong buhay ko, mataas ang tingin sa 'kin ng mga nasasakupan ko pati na rin ang tingin ko sa sarili ko, pero ngayon, heto ako, kini-kwestiyon na pati ang mga ginagawa o nagagawa ko.

Sa totoo lang, naiinggit ako sa mga taong nakakasalamuha namin ngayon. Naiinggit ako dahil hindi ako isang tao. Naiinggit ako dahil nagagawa nila ang mga normal na bagay na ginagawa ng magkasintahan.

Bukod sa inggit, nalulungkot din ako dahil hindi iyon nararanasan ni Cassandra sa akin. Palaging siya ang gumagawa ng paraan. Palaging siya nalang ang kumikilos sa 'ming dalawa. Mas pinipili niyang makasama ako rito sa sulok kaysa enjoyin ang gabing ito sa loob ng tinatawag niyang mall.

"No! Don't ever say that. Hindi ka useless. Marami kang nagagawa para sa 'kin, para sa kung anong meron tayo. Okay lang naman sa 'kin lahat eh. Okay lang naman na ako lahat ang gumawa ng mga ganitong bagay. Okay lang naman sa 'kin as long as kasama kita." She said.

Sa 'yo okay, sa 'kin hindi dahil it's my responsibility. Responsibilidad kitang pasayahin at dalhin sa iba't ibang lugar para mag enjoy. Responsibilidad kita, Cassandra pero parang hindi ko nagagawa ang responsibility ko sa 'yo. We can't even have a picture na dapat mayroon because we're couple.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at iniharap sa kaniya. Mas lumakas ang tibok ng puso ko nang magtama ang paningin naming dalawa.

"Listen. Hindi magiging special sa 'kin ang mga ganitong bagay kapag iniisip mo ang mga kakulangan mo sa 'kin. Rendon, hindi ka kulang. Kailanman hindi ka nagkulang sa 'kin. Your love for me is enough, more than enough kaya 'wag mo nang iisipin ang mga bagay na magpaparamdam sa 'yo na hindi ka worth it kasi hindi 'yon totoo," aniya.

Nakatitig lang siya sa mga mata ko habang sinasabi iyan. Napakacomforting ng bawat salitang binibigkas niya. Parang in a moment, naging si Rendon ulit ako. Iyong Rendon na walang kinatatakutan except her.

"Thank you for everything, Cassandra." I said.

Tumagal pa kami ng ilang oras doon. I could say that this night is one of the great. Noon, pinapalipas ko lang ang magdamag na naghahanap ng dugong papawi sa uhaw ko pero ngayon, halos wala na akong pakialam sa mga hayop na pagala gala ngayon sa gubat. Mas gugustuhin kong makasama siya kaysa maghasik ako ng lagim sa kagubatan.

Matagal ko nang tinalikuran ang kasamaan simula nang mahalin ko siya. Aware ako sa naging pagbabago ko mula noon hanggang ngayon. Nababalot ang buhay ko ng kasamaaan at kadiliman noon pero ngayon tila ba'y kay liwanag na nito. With her, I found peace. With her, my demons calm down.

Kasalukuyan na kaming naglalakad papunta sa kung saan. Naka-intertwined ang mga kamay namin katulad kanina. Wala na ata siyang balak bitawan ang kamay ko at kapag siya ang bumitaw, ako naman ang mahigpit na kakapit.

Napahinto siya sa paglalakad nang marinig niya ang boses ng bestfriend niya. Para siyang nanigas sa kinatatayuan niya nang tawagan siya nito pero sa bandang huli ay hindi niya ito nilingon at hinatak nalang ako palayo roon.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now