Kabanata 22

186 17 3
                                    

As expected, nagising na naman akong mahimbing ang tulog ko kaya maayos ang mood ko ngayon. Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ay bumaba na agad ako. Pangiti ngiti pa ako habang umaapak sa hagdan dahil sa mga nangyari kagabi.

Pero, agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si daddy sa kusina na nag aalmusal. Shit! Kailan pa siya umuwi? Bakit wala man lang pa-inform? Kahit call or text man lang?

Napairap na lamang ako sa kawalan. Sabagay kailan niya pa ako ininform tuwing uuwi siya 'di ba? Ang last text niya ata ay noong birthday ko pa, I guess? At hindi na 'yon nasundan pa.

Babalik na sana ako sa kwarto nang marinig ko ang boses niya kaya wala na akong kawala. Ayoko pa namang mag aalmusal na kasama siya pero mukhang wala na akong choice ngayon.

"Cassey, come here. Have breakfast with me," aniya.

Napatigil nalang ako sa paglalakad at napapikit ako nang mariin bago dumiretso sa kusina. Umupo naman ako sa tapat niya, kinakabahan.

"Bakit babalik ka taas?" Pambungad niyang tanong habang kumakain.

"Ah eh may...may n-nakalimutan lang po ako sa kwarto," pagsisinungaling ko.

Shit! Umagang umaga eh nauutal na agad ako. Sana lang hindi niya mahalata na kinakabahan ako dahil sa presensya niya sa hapag.

"Mamaya na 'yan. Have breakfast with me first." Tumango naman ako bilang pagsang ayon.

Napasadahan ko ng tingin si manang at ngumiti lang siya ng tipid sa akin. Oh no! Parang may hindi magandang mangyayari ngayon. Doon palang sa awrang ipinakita niya ay parang hindi ko na nagugustuhan.

Ikinalma ko ang sarili at maingat na naupo sa tapat ni dad. Tahimik akong nagsalin ng mga pagkain sa plato ko. Patuloy lang si dad sa pagkain niya ng umagahan pero ako, heto ay nakakaramdam ng hindi maganda ngayon.

Hindi ko magawang magsalita kasi wala naman akong sasabihin kaya nagsimula na rin naman akong kumain. Maya maya pa ay tinuldukan na ni dad ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"How's your relationship with Cedrix?" Tanong niya.

Nabulunan naman agad ako sa narinig mula sa kaniya dahil hindi ko inaasahan 'yon. Anong relationship ang sinasabi ni dad? Baka kung ano na naman ang mga pinagsasasabi ni Cedrix kay dad. Ghad!

"Uhm, w-were friends, dad. That's all."

"Oh friend? Are you sure? Cedrix told me that he's courting you," diretsa niyang saad.

"What?!"

Lumaki ang mga mata ko sa narinig mula sa kaniya. Ano bang pinagsasasabi ni Cedrix kay dad? Kailan pa ako pumayag na magpaligaw sa kaniya?!

Oo, nag usap kami pero hindi ibig sabihin no'n ay pumayag na akong magpaligaw sa kaniya! Hindi siya nagtanong at kung magtatanong man siya ay hinding hindi ko siya papayagan. Bakit gano'ng mga impormasyon ang binibigay niya kay dad? He's not in his mind, masiyado siyang assuming.

"Cedrix is a nice guy. You should say yes," ani pa nito.

Hindi ko maiwasang hindi mainis kay Cedrix. Malinaw ang usapan namin na hahayaan ko siya sa ginagawa niya pero hindi iyon panliligaw. Ghad! Bakit parang iba ang gusto niyang palabasin at patunguhan ngayon?

"Ah, h-how's your work, dad?" Pag iiba ko ng usapan.

"It's getting better than before," sagot niya.

"What do you mean?"

"Maraming narecruit at willing magtraining. Marami ring supply ng mga armas ngayon ang national government kaya sa tingin ko, it will get easy for us to get rid off those creatures. Actually, pupunta nga ako roon. Gusto mo bang sumama sa 'kin?" Tanong niya na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя