Epilogue

323 19 6
                                    

Years passed since that night happened. A night which changes everything.
A night which proved that this story will have a happy ending.

9 years. Siyam na taon na ang nakalilipas simula nang mangyari ang pangyayaring iyon pero parang ang sariwa pa sa isipan ko lahat. Ang mga nangyari noong gabing iyon ay hinding hindi ko makakalimutan at hinding hindi na talaga maaalis sa isipan ko kahit saan man ako magpunta.

Sa siyam na taon ang lumipas ay maraming nagbago. Unang una, ang lugar na 'to. Kung dati ay halos bilang lang ang mga nakatira at kinatatakutan ito, ngayon naman ay paunti unting napupuno na ito ng mga tao dahil hindi na ulit magkakaroon ng labanan sa pagitan ng dalawang uri dahil ang mga natirang bampira ay nagdesisyong magpakalayo layo na at isa pa, utos iyon ng hari nila, si Rendon. Oo, siya pa rin ang nananatiling hari.

Ang Vampire Hunter's Community ay natibag na at napalitan ito ng isang organisasyong magpoprotekta sa mga nakatira sa lugar na 'yon without killing a kind. Mapa hayop o bampira pa ito.

Pangalawa ay ang bestfriend kong si Shrell. Nang malaman niya ang nangyaring kaguluhan at ang nangyari sa 'kin ay bumalik nalang siya ng Maynila para roon magmukmok sa pagkawala ko at pagkamatay ng daddy niyang si Tito Rob. Hindi na siya bumalik sa lugar na 'to kaya doon na siya nagkapamilya kasama si Alfred.

Hindi ko rin lubos akalain na, silang dalawa pala talaga ang magkakatuluyan. Love really knows how to collide two hearts in the perfect time. Just like them.

Si Cedrix naman ay nagkaroon na rin ng sariling pamilya with Mary Anne, ang kaklase ko rati sa elementary. Biruin mo 'yon, sila pala talaga ang magkakatuluyan. Kasalukuyan silang naninirahan sa kabilang bayan kung nasaan ang mga kamag anak ni Mary Anne.

Love is really unpredictable nga naman talaga dahil hindi mo alam kung kanino ka mapupunta at kung kailan mangyayari 'yon. It happens just naturally and hindi mo alam, ikaw na pala ang natatamaan.

Manang already passed away. Limang buwan pagkatapos niyang malaman ang nangyari sa 'kin at sa labanang naganap ay nagkaroon siya ng sakit. Siguro sa katandaan na rin at sa stress kaya siya nagkagano'n.

Si daddy ay namatay din. Rendon told me na habang akay akay niya ako ay sinugod ng mga bampira ang gawi ni daddy dahil nakapasok na pala ang mga kasamahan niya sa headquarter kaya iilang hunters nalang ang nakasurvive sa pangyayaring 'yon. I have no regrets kasi naipakita at naiparamdam ko naman ang pagmamahal ko sa kaniya as his only daughter.

Higit sa lahat ay ako. Nagbago ako o sabihin na nating nabago ako ng pangyayaring iyon. Kung hindi dahil do'n ay hindi kami magkakasama ng ganito ni Rendon. From being a human to becoming a vampire. Yes, isa na akong bampira. Isa na rin ako sa kanila.

Rendon bite me on my very last breath. Nahirapan pa siyang magdesisyon kung gagawin niya iyon pero sa huli ay ginawa niya para hindi ako mawala. Iyon na lang kasi ang tanging paraan para mabuhay ako kaya he did it and I'm thankful.

"Got you!" Sigaw ko nang mahuli ko ang isang usa na kanina pa ako pinapahirapan sundan ito.

Agad kong kinagat ang leeg nito at sinipsip ang lahat ng dugong dumadaloy sa katawan nito. Unti unti namang napapawi ang uhaw ko sa ginagawa ko. Parang ang pakiramdam ay umiinom ka ng malamig na tubig sa ilalim ng tirik na araw at uhaw na uhaw ka.

Simula kasi nang maging bampira ako ay para akong palaging uhaw at nagugutom. Tinuruan rin ako ni Rendon kung paano ang tamang paghuli ng pagkain kaya natuto na ako ngayon. Sa siyam na taon ba naman? Itinapon ko ang katawan ng usa at pinunasan ang bibig ko.

"Come here." Malumanay na pagsasalita ko nang maramdaman ang presensya niya.

Simula nang maging bampira ako ay tumalas na ang mga senses ko. I can recognize hundreds of different kinds of smell as well as sounds.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now