Kabanata 45

147 15 1
                                    

Bumungad sa 'kin ang isang tahimik at magulong bahay. Kalat-kalat ang mga gamit sa sahig na animo'y may naghabulan na mga bata rito sa loob. Gano'n din sa may parteng kusina. Tumambad sa 'kin ang iilang basag na plato. May mga nakikita din akong mga mantsa ng dugo sa sahig. Agad akong kinabahan sa mga nakikita ko. Ano bang nangyayari rito sa lugar namin? Nagkakagulo ba rito?

Dali-dali akong umakyat papunta sa kwarto ko at bumungad sa 'kin ang basag na bintana. What the-- anong nangyayari rito?

"Oh my god!"

Agad kong inilapag ang dala kong bag at binuksan ang drawer kung nasaan ang susi ng sasakyan ko. Thank God, nandito. Dali-dali akong lumabas ng bahay at tinungo ang sasakyan ko.

Matagal tagal ko 'tong hindi nagamit pero hindi ko naman nakalimutan kung paano magdrive. Napansin ko rin ang iilang kalmot na nasa kotse ko kaya ginapangan na ako ng kaba. Shit! Sigurado akong kalmot ito ng isang bampira. Bakit ganito? May nangyari bang labanan?

Kinakabahan ako habang nagmamaneho papunta sa headquarter ng mga hunters dahil alam kong naroon si daddy. Natatakot man ako kung ano ang madadatnan ko roon pero hindi ako magpapatinag. May nangyayari na rito na hindi ko alam at kung ano man iyon ay sigurado akong utos 'yon ni daddy.

Nang makarating ako sa headquarter ay agad akong bumaba sa sasakyan. Ni hindi ko nga na-park nang maayos ang kotse ko. Bahala na, aayusin ko nalang mamaya. Sa ngayon kailangan kong makausap si daddy at malaman ang plano niya. Hindi ako papayag na ituloy niya iyon dahil sigurado akong magkakagulo ang lahat.

Patakbo akong naglakad papunta sa malaking pintuan ng headquarter. Dumaan ako sa mahabang hallway bago makarating sa malawak na open area. Napatigil ako sa nakikita ko.

Bumungad sa 'kin ang napakaraming abalang hunters. Sa sobrang abala nila ay hindi hindi na nila napansin ang presensya ko. May mga iilan na nakapansin sa akin pero hindi na ako tinatagalan ng tingin.

Dahan-dahan akong humakbang para mas lalong makita kung ano ang ginagawa nila. May mga naglilinis ng mga armas, may mga naglalagay ng kung anong likido sa mga bala at inilalagay ito sa baril.

May nabubuo nang ideya sa isipan ko kung bakit ganito ang mga nakikita ko pero ayokong magconclude hanggat hindi ko naririnig sa mismong bibig ni dad kung ano ang mangyayari, kung ano ang binabalak niyang gawin.

Napatigil ako sa paglalakad nang may dumaang mga hunters sa unahan ko. May mga dala-dala silang rolyo roylong lambat. Batid kong alam nila ang presensya ko pero hindi nila ito pinagtutuunan ng pansin.

"Sir, eto na po ang pinapakuha niyo. May susunod pa pong grupo na may dala ng mga lambat." Aniya sa isang nakatalikod na hunter.

Lumingon ito sa gawi ng nagsalita at nakilala ko kung sino ito. It was Shrell's father, Tito Rob. Bahagya pa siyang nagulat nang mapansin niya ako. Agad naman niyang pumunta sa kinatatayuan ko.

"Oh Cassey, anong ginagawa mo rito?" Pambungad niyang tanong. Parang nasi-sense ko sa tanong niya na sinasabing hindi dapat ako pumunta rito dahil may mahalaga silang gagawin.

"Uh I'm looking for my dad. Nakita mo po ba siya?" Tanong ko pabalik.

"Bakit mo siya hinahanap?" Tanong niya ulit.

"I want to talk to him." I answered.

"About?"

Seriously? Kailangan niya pa bang malaman kung ano ang pag uusapan namin ni dad? Hinuhuli ba ako ni tito? May idea na ba siya kung ano ang pinunta ko rito?

Kung gano'n, I need to lie. Hindi ko siya maaaring pagkatiwalaan because he's after dad. They are comrades against vampires.

"My stay in Manila. Please, tito. I badly want to talk to him personally about this matter. Where is he?" Bahagyang natahimik si tito bago ito sumagot.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now