Kabanata 25

174 12 2
                                    

"Oh saan ka pupunta? Bihis na bihis ka ata?" Tanong ni manang.

Kakasarado ko lang ng pinto ng kwarto ko nang makasalubong ko si manang kaya agad akong ginapangan ng kaba.

"Ah kina R-- Cedrix ho." Sagot ko. Muntikan na ako roon ha. Wew!

Kumunot naman ang noo ni manang sa naging sagot ko. Marahil ay hindi iyon tungkol sa sagot ko kundi nagtataka siya kung bakit natataranta ako sa pagsagot sa kaniya.

"Anong gagawin mo kina Cedrix?" Tanong niya ulit.

"Uhm may isasauli lang po ako manang. Uuwi rin po ako pagkatapos, promise 'yan!"

Itinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang nagpapanata para maniwala siya sa sinasabi ko. Ngayon nalang hindi ako nagsinungaling kay manang 'no! Totoo kayang kina Cedrix ako pupunta.

"Naku! Pwede namang si Cedrix ang pumunta rito pero siya sige. Umuwi ka agad ha, nagpromise ka, Cassey."

Tuluyan na siyang bumaba sa hagdan at dumiretso sa kusina. Sumunod naman ako sa kaniya para uminom ng tubig dahil parang nanuyo ang lalamunan ko roon eh.

"Opo, manang. Uuwi po talaga ako." Sagot ko bago uminom ng tubig. Isang basong tubig agad ang nilagok ko para maibsan kahit papaano ang kabang nararamdaman.

"Oh sige. Pumunta kana roon. Mag iingat ka."

"Sige po, manang. Salamat po."

Hinalungkat ko ang bag ko at kinuha ang susi ng kotse roon. Hindi ko na in-inform si Cedrix na pupunta ako sa kanila. Naiinis pa rin ako sa sinabi niya kay dad. Para niya akong pinapangunahan. Kaya naman pala nagkakasundo sila ni dad kasi may pagkakaparehas silang dalawa.

Kalmado lang akong nagdrive papunta sa kanila. Hindi naman mabilis dahil hindi naman ako nagmamadali. Gusto ko rin talaga siyang makausap at linawin ang lahat sa kaniya dahil ayoko ng ganito. Para niya kasi akong tinatanggalan ng karapatang magdesisyon para sa sarili ko katulad ni dad.

Pagkapark ko ng kotse ay nakita ko agad ang kotse niyang nakapark din sa gilid. He's probably here at wala sa headquarter kaya sigurado akong wala siyang rason ngayon para hindi ako kausapin.

Dumiretso ako sa pintuan ng bahay nila. Sakto namang may lumabas na kasambahay kaya nagtanong na ako. Medyo nagulat pa nga siya sa presensya ko dahil aware rin sila na hindi talaga ako pumupunta rito.

"Si Cedrix ho?"

"Ah nasa taas po, ma'am. Tawagin ko lang po saglit lang. Tuloy po muna kayo." Aniya.

Sinamahan ako ng kasambahay papasok sa bahay nila. Umupo naman ako sa couch at binigyan niya pa ako ng juice. Nagpasalamat naman ako roon.

Inilibot ko naman ang paningin sa loob ng bahay nila. Malaki ang bahay nina Cedrix at malawak ito sa loob. May hagdan paakyat at sa tingin ko roon sa taas ang mga kwarto.

Tiningnan ko naman ang mga painting at pictures na nakadisplay sa pader. Halos lahat ng 'yon ay mga scenery sa iba't ibang lugar. Nakakahanga dahil sobrang detalyado ng bawat kulay at hugis ng mga naroon.

Napatigil naman ako sa pagtingin ng mga pictures doon nang tawagin na ako ng kasambahay nila.

"Ma'am, masama raw po ang pakiramdam niya. Umuwi nalang daw po kayo," anang kasambahay.

"Ha? Bakit daw? Sabihin mo mabilis lang ako. Hindi naman ako magtatagal. May importante lang akong sasabihin."

Ghad! Pakiramdam ko alam na ni Cedrix ang pinunta ko rito kaya iniiwasan niya akong makausap. Mas lalo tuloy nag iinit ang ulo ko sa ginagawa niyang 'to!

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now