Kabanata 19

209 19 0
                                    

"Rendon..."

Nang mapagtanto na hindi nga ako nananaginip o namamalikmata ay agad kong isinarado ang pintuan dahil sa ideyang pumasok sa isipan ko na baka makita siya ni manang. Isinandal ko ang sarili sa pintuan at ibinalik ang paningin sa kaniya.

Nakalong sleeve pa rin siya pero hindi na siya nakasuot ng mask katulad ng palagi kong nakikita sa kaniya. Para saan pa nga ba 'yon kung sakali eh, alam ko na rin naman ang totoong identity niya. Wala na siyang dapat pang itago sa akin ngayon.

Walang nagsasalita sa aming dalawa at parehas lang kaming nakatitig sa isa't isa. Ni wala nga akong lakas loob na lumapit sa kaniya ngayon. Nandoon lang siya nakatayo malapit sa may bintana dahil marahil ay doon siya dumaan para makapasok dito dahil iniwan ko 'yong bukas kanina.

He's directly staring at me na para niyang binabasa kung ano ang mga iniisip ko. Sa pagkakataong ito, aaminin ko na hindi na ako nakaramdam ng takot nang makita ko siya. Tanging tibok ng puso ko lang ang nararamdaman ko at ang pagkasabik ko na yakapin siya ang nangingibabaw sa akin.

I wanted to hug him so bad pero...hindi ko pa magawang lumapit. Hindi ko alam kung bakit, am I still afraid of him? Or I am just afraid of the thought of him being a vampire. I don't know, kung normal lang ang lahat, dapat ko siyang katakutan pero hindi eh, hindi ko maramdaman ngayon.

Naramdaman ko na rin ang pamumuo ng mga luha ko sa mga bagay na naiisip ko. Kahit anong pangungumbinsi ko sa sarili ko na dapat matakot ako, na dapat tumakbo ako at dapat hindi ko na siya nami-miss ay hindi ko magawa. I will still run towards him. I still found myself with him.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumakbo na ako papunta sa kaniya para yakapin siya. Kasabay ng pagyakap niya sa akin pabalik ay ang pagdaloy ng mga luha ko sa pisngi na kanina pa nagbabadyang kumawala.

Damn! I miss him! I really do at hindi ko na 'yon itatanggi pa. Miss na miss ko na siya. Ilang araw din kaming hindi nagkita simula noong magtapat siya sa 'kin kaya grabe ang pangungulila ko sa presensiya niya.

"I m-miss y-you." Pinilit kong sabihin iyan nang maayos kahit pa nahihirapan ako dahil sa kung anong nakabara sa may lalamunan ko.

Rinig na rinig ko rin ang tibok ng puso niya sa pagkakataong 'to. Ghad! Parang parehas ang bilis ng takbo ng mga puso namin ngayon. We are sharing the same heart beats na parang tumutugma sa nararamdaman namin ngayon.

"Namiss din kita, Cassandra," sagot niya.

Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kaniya at sa isang iglap lamang ay naramdaman ko nalang ang lambot ng kama na dumapo sa may gilid ko. Ang bilis ng pangyayari na tipong hindi ko makita nang maayos ang paligid ko.

Napangiti na lamang ako nang mapagtantong nakahiga na kami ngayon habang nakayakap pa rin sa isa't isa.

"You did that?" Tanong ko.

"Yes. We need to talk and...rest," sagot niya naman.

"Okay."

Hindi na ako nagtaka kung bakit hindi ko man lang naramdaman ang paggalaw namin because he is a vampire. Ayon sa nabasa ko, sobrang bibilis nilang kumilos na hindi mo talaga namamalayan 'yon.

Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang presensya naming dalawa. Ang gaan sa pakiramdam ng ganito at ang komportable. Sana ganito nalang palagi. Sana palagi nalang siyang nandito at ayoko nang bumitaw sa kaniya. Hindi ako bibitaw, gusto ko ganito lang palagi.

"Cassandra..."

"Hmm?"

"Hindi ka...natatakot sa 'kin?"

May bahid ng pag aalinlangan ang boses niya nang tanungin niya iyon. Maybe he's afraid kung ano ang magiging sagot ko sa tanong niya.

"Bakit naman ako matatakot sa 'yo?" Tanong ko pabalik. Nakapikit pa rin ako at nakayakap sa kaniya.

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon