Kabanata 15

218 20 0
                                    

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at hindi ako makagalaw. Hindi rin ako makahinga nang maayos. Nararamdaman ko na rin na parang pinagpapawisan ako.

Shit! Si manang naman ay gulat ding nakatitig sa akin na para bang hindi niya inaasahan ang nakita. Ghad! Paano ko ba ipapaliwanag 'to? Natataranta na ako at halos pigilan ko na ang paghinga ko ngayon.

"Oh? Ba't ganiyan ang itsura mo? Para kang nakakita ng multo. Ayos ka lang ba?" Tanong nito saka tuluyang pumasok sa kwarto ko. Mas lalo naman akong kinabahan do'n. Hindi na rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko at batid kong pansin 'yon ni manang.

"Ah eh...hehe." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Para akong nawalan din ng boses sa sitwasyon ko ngayon. Dahil hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko ay nagsalita ulit si manang.

"Ano ba 'yang itsura mo, Cassey? Bakit parang hindi kana makagalaw sa kinatatayuan mo? Itong batang 'to talaga." Ani manang na napapailing pa. Nakakunot na rin ang kaniyang mga kilay sa inaakto ko.

"'Eh, hehe...k-kasi po..." Hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko dahil sa pagdadalawang isip sa mga salitang babanggitin ko.

Paano ko ba ipapaliwanag sa kaniya ang sitwasyong 'to? Na nakita niya akong may kasamang lalaki sa kwarto? Shit! Baka kung anong isipin ni manang at isumbong niya pa ako kay dad. Malalagot ako nito!

"Cassey, ano bang nangyayari sa 'yo? Umayos ka nga," suway pa nito.

Doon na ako nakahinga nang maluwag dahil base sa mga sinasabi at kinikilos ni manang ay parang wala naman siyang nakita. Hays, buti naman.

Nakapagtago siguro si Rendon bago pa makapasok si manang dito dahil kung nakita siya ni manang ay malamang namomroblema at nagpapanic na siya ngayon. Napabuntong hininga ako sa ideyang naisip. Nabawasan naman ang kaba na nararamdaman ko dahil doon.

"Ano? Pinagpapawisan ka pa juskoo. Hindi ka siguro makatulog ano? Ang mabuti pa inumin mo na itong gatas para dalawin kana ng antok at makatulog ka na nang maayos." Inilapag niya sa mini table ko ang baso ng gatas na inihanda niya.

Agad ko naman itong kinuha at agad na nilagok para mawala na ang kabang nararamdaman.

"S-Salamat manang. G-Goodnight po."

Ibinigay ko na ang baso sa kaniya at kinuha niya naman 'yon. Alam kong nagtataka na si manang kung bakit parang ang weird ko ngayon at agad kong naubos ang isang baso ng gatas sa isang inuman. Gayunpaman ay hindi nalang siya nagsalita at ipinagsawalang bahala nalang 'yon.

"Oh siya sige. Goodnight na rin sa iyo," pagpapaalam niya saka lumabas na ng kwarto.

Pagkasarado niya ng pinto ay nakahinga ako nang maluwag. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa nararamdaman.

Woh! That was close!

Agad kong binalingan ang likuran ko para kumpirmahin at nakitang wala na nga roon si Rendon. Napabuntong hininga ako at mabuti nalang talaga ay nakapagtago siya. Akala ko pa naman ay nakita na siya ni manang.

Pumunta ako sa bintana at nakita kong nakaupo na siya roon kung saan kami pumwesto dati. Napangiti ako sa ala alang naisip. So good to remember.

Nagdesisyon akong lumabas na ng bintana at umupo na rin sa tabi niya. Maingat pa ako sa bawat kinikilos dahil baka marinig ang mga yapak ko sa bubong.

Nang tuluyan nang makaupo ay tiningala ko naman ang buwan at ganoon din siya. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Parehas naming tinititigan ang presensya ng buwan ngayon.

Tonight, we are staring at the moon together.
The moon which witnessed our promises and everything about us.

"The moon is beautiful, isn't it?" Pagbasag ko sa katahimikan naming dalawa habang hindi ko inaalis ang atensiyon ko sa buwan. Hindi ko alam kung anong isasagot niya. Alam niya kaya ang hidden meaning about that phrase?

The Untold Story Of Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now