Chapter 62

18 3 0
                                    

Geryne's P.O.V.

Sandali akong napatigil sa sabay sabay nilang sinabi. "Ako? Grabe kayo." Komento ko. Gano'n na ba talaga ako kaweird para maging si barang? Nandyan naman si Jay na mas weird pa sa akin.

"With all those psychology stuffs of yours. We think you are suitable to be 'barang'" paliwanag ni Jay.

"Fine, since naranasan ko na rin magbaliw baliwan nuong nagdeclaim ako nu'ng grade 8 tayo." Pagkasabi na pagkasabi ko ay agad silang tumawang lahat at pumasok sa kani kanilang kwarto.

"They are really indeed weirdos." Bulong ko sa sarili.

"Don't forget yourself," sulpot ni Charlyn na nasa harap na ng kwarto namin. Hindi pa pala siya nakakapasok. 

Hindi agad ako nakasagot dahil loading pa'ko. "Tara na," muwestra nito na may patabingi pa ng ulo. Mahina na lang akong tumango at sumunod sa kaniya.

Pagkapasok ko ay agad akong humiga at nag unat. "I'm still not convince na hindi na mauulit itong alitan nila Jay," panimula ni Charlyn na nasa harap ng salamin habang sinusuklay nito ang buhok niya.

"Neither do I. for now, at least okay na sila." Ani ko sabay hikab at tumalikod na dito para matulog.

"Good nightie, Ger." Malambing na boses ang naulinigan ko bago mawalan ng malay.

Matapos ang walong oras ng pagkakatulog ay nagising ako nang  makarinig ako paggalaw mula sa bintana. Marahan kong kinusot ang mata para malinaw na makita ang orasan na nagsasabing alas kwatro na ng umaga. Alas otso ako natulog kagabi, maaga aga compared sa usual. Sa sobrang pagod ba naman. I mean not physically but mentally. Dealing with people is exhausting.

Nilingon ko ang bintana at napasinghap nang makitang nakabukas ito. Napayakap ako sa sarili ng umihip ang malamig na hangin mula sa labas. Hindi ko muna tinangkang isarado ito dahil baka nasa paligid pa ang nagbukas ng bintana.

Imahinasyon ko lang ba 'to? Kasi sino namang magbubukas ng bintana tapos walang gagaw-- magpapasalamat na lang ako na wala siyang ginawa if ever na may pumasok talaga. At sabagay, kagigising ko lang, hindi pa maayos isip ko. Baka guni guni ko lang din ang narinig ko.

Hindi ba 'to nasara ni Charlyn kagabi?

Lumipas ang tatlong minuto at wala namang misteryosong nangyari. Dali dali kong sinara ito at sumilip sa labas. Baka nakaalis na at malayo na.

Naghahanap ako ng jacket ko nang makita ko ang cellphone ni Charlyn na nagbliblink. May notifications siya. Nagdadalawang isip ako kung babasahin ko o hindi. Matapos ang ilang segundong pakikipagtalo sa sarili ay napagdesisyunan ko nang tingnan.

I opened her phone and there I saw Blaze's name. Napahugis bilog ang bibig ko at mahinang napahagikgik. Agad ko naman itong pinatay, hindi ko na tinangkang basahin pa.

Bumalik ako sa paghahanap ng jacket at nang makahanap ako ay agad ko itong sinuot at lumabas ng bahay.

Baka nasa playground si Zeus.

Dinala ako ng mga paa ko dito at sa malayo pa lang ay tanaw kong walang naka black leather jacket na nakaupo sa swing. Napabuntong hininga ako at mabahal pa ring naglakad patungo dito.

"Kapani-panibago." Bulong ko sa sarili. Lagi siyang nandito kapag pumupunta ako ng ganitong oras.

I guess it's me and myself here, debating with my own mind 'till I see the sun rises. 

Gentle breeze kissed my skin and whispered through my ears as I trudge my way to the swing. What a great 4 am to savor this place alone. Dry arid leaves protested under my feet as I took steps, making my heart skip a beat, thinking it was someone else's.

Our last Summer (Weirdos' Squad)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon