Chapter 63

19 2 3
                                    

Geryne's P.O.V.

"Alam ko," habol hininga kong sabi sa kaniya habang pinapakalma pa rin ang sarili.

Nakita ko siyang umiling na para bang dismayado kaya napakunot ang noo ko. Umiiling ka because? May sasabihin pa sana siya nang lumitaw ang lalaking naka trench coat sa gilid niya.

Mas sumandal kami sa dingding para masiguradong hindi kami makikita nito. Walang kaalam-alam ang lalaki na nandito lang kami sa gilid niya.

Napalaki ang mata ko nang unti unting pumwesto si Zeus para atakihin ang lalaki.

Shete, baka magkamali siya at mapatay kaming dalawa dito. Myghad, hayaan niya na lang sana umalis.

Hinawakan ko sa balikat si Zeus at marahas itong napalingon sa akin.

"Huwag mo nang tangkain, Zeus. Baka kung mapaano pa tayo," paliwanag ko dito nang pabulong.

Lumipas ang ilang segundo at wala pa rin siyang sinasabi ngunit na sa akin pa rin ang lingon nito. Immune na'ko sa ganito, all his answers are well-contemplated before he spits it out. 

At sa kapani-panibago nga, he gently put his hand on my shoulder. Hindi ko alam kung bakit at anong rason niya. Maybe to assure me? but it's not normal for him to do this act though. 

"Stay here," tipid nitong sagot. 'Yun lang? Okay, wala namang bago.

Aalis na sana siya nang hatakin ko na naman siya sa braso. Feeling close na talaga ako pero wala na akong choice. Kung ayaw ko siyang mapatay, dapat balaan ko na ito. 

"Baka mapatay ka," I warned him prolonging the last word. Para akong bata na nagmamakaawa sa magulang na 'wag itong umalis. 

Hinawakan niya ang kamay ko at inalis ito. "I got this, just stay there." Litanya nito na may diin na sa bandang huli. Malakas ang pagkakabanggit nito kaya napalingon sa direksyon namin ang lalaki. Pumwesto naman agad si Zeus sa harap ko kahit hindi naman kami aninag ng trench coat guy.

"Oh I know you're in there, young Vlad," pagbabanta ng lalaking nasa liwanag.

"Fuck Vlad," rinig kong mura ni Zeus sa harap ko. Sino ang sinasabi ng lalaki na 'young vlad'? Si Zeus? Vlad? For Vladimir?

Umalis sa harap ko si Zeus at naglakad ng tahimik papalapit sa lalaki. Now I felt fragile being alone in darkness.

"Not now, Mr.Vassiliev." wika ni Zeus bago nito atakihin ang lalaki ngunit agad itong nakaiwas kaya't napahakbang ako ng isang beses sa pagaalala. Pero agad din akong napatigil nang mahagip ni Zeus sa leeg ng lalaki. Ipit ipit niya ito gamit ang braso niya.

"Your dad wants you back there," ika ng  'Mr.Vassiliev' ngunit wala man lang ibinigay na reaksyon si Zeus.

Lalaban pa sana si Mr.Vassiliev nang may ilagay si Zeus sa batok nito at agad itong nawalan ng malay. Ibinagsak ni Zeus ang katawan nito at nilingon ako na nasa ilalim na rin ng liwanag ng poste.

Awang bibig ko siyang tinitigan at ang lalaking nakahandusay.

"Patay na ba siya? Hindi 'di ba?--" napatigil ako sa pagtatanong at nilapitan ang katawan ni Mr.Vassiliev.

Napahilamos ako ng mukha ng titigan ko ito. Hindi ko akalain na makakakita talaga ako ng ganito sa totoong buhay.

"He's not dead. He'll be awake in an hour." Malamya nitong sagot ngunit hinihingal pa rin. Inalis ko ang titig ko ka sa nakahandusay na lalaki at nilingon si Zeus na nakatitig na pala sa akin.

"Iiwan lang ba natin siya dito?" Mahina kong tanong. Inalis ni Zeus ang mata niya sa akin at dumaan sa harap ko kaya napaatras ako. Hinila niya ang lalaki at isinandal sa dingding ng eskinita.

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now