Chapter 41

18 2 1
                                    

Geryne's P.O.V.

"Nakuhaan mo ng picture, Ger?!" Pasigaw na tanong sa akin ni Divine.

Kanina pa kasi namin pinagtritripan si Jay. To be specific, we were splashing water to HER face. At ang resulta ng pagsplash ng water sa mukha niya, sumasama 'yung mucus niya kaya grabe tawa namin ni Divine. At gusto ba ni Divine na makuhaan na naman ng picture.

Umiling ako at napabagsak ang mga balikat ni Divine. Lumapit siya sa akin at tinitigan si Jay na kasalukuyang masama ang tingin sa aming dalawa.

"Mga bwisit talaga kayong dalawa. Arrggghhh!" Sigaw nito at umalis. Napatawa na lang kami ni Divine sa inasta ni Jay.

"Kulitin natin ulit siya." Pagyaya sa akin ni Divine.

"Tama na. Baka bumuga na 'yun ng mucus sa sobrang high blood." Sabi ko at tumawa na naman kami. 'Yan 'yung kaligayahan ni Divine, ang makitang nahihirapan, naiinis, nahihirapan si Jay.

"Lampa! Nichachallenge kita. Pabilisan tayo ng pag-langoy!"Singit na sigaw ni Froy. Kanina pa 'to nangchachallenge eh pero pinagbibigyan naman siya. Lagi nga lang siyang talo tapos si Divine pa ichachallenge niya?

"Hoy! Hindi ako lampa kaya tigil tigilan mo ang pang-aasar sa akin?! Saka sige, makikipaglaban ako sa'yo. Anong klaseng langoy ba 'yan ha?! Langoy aso?! Sabagay, mukha ka namang aso." Pambabara nito kay Froy na kasalukuyang nakanganga sa sinabi ni Divine. Wala na siya atang machallenge kaya si Divine na lang.

Lumakad siya papalapit sa amin kaya naman napalapit sa akin si Divine. Kita mo nga naman. -_-

"Lumayo ka! Topless ka kaya 'wag kang lalapit sa mga babae!" Sigaw ni Divine na nagpatawa kay Froy. Nilingon ko si Divine at nakita ko ang namumula nitong mga pisngi. I'm a third wheel. -_-

"Naaakit ka 'no? Aminin mo na kasi. Patay na patay ka saki--" Hindi napatapos ni Froy ang sinasabi niya nang sumingit si Divine.

"Tigilan mo na nga 'yang panaginip mo, Froy! Sige na! Pabilisan na lang tayong lumangoy at 'pag ako nanalo. Susundin mo lahat ng gusto ko and Vice versa. Ok ba 'yun, Froy timang?" Confident na sabi ni Divine na nakataas pa ang isang kilay habang si Froy naman ay nakasmirk lang.

Hinawakan ko si Divine sa braso upang lingunin niya ako.

"Papatulan mo talaga ang isang 'yan?" Tanong ko at matamis lamang itong ngumiti.

"Isang beses lang. Ipapakita ko lang sa kaniya kung sino ang binabangga ng isang mokong na 'to." Usal niya at lumakad na sila papalayo. Tumungo sila kung saan malaking espasyo para makalangoy sila ng mabuti.

Wala na akong makausap dito. Abala na silang lahat eh.

Si Divine na nakikipaglaban kay Froy. Si Junajoy na seryosong nakikipagusap kay Xavier. Si Jay at Charlyn naman na ginugulo si Nate. Si Jay lang pala ang nanggugulo. Vinivideohan lang siya ni Charlyn. Good Job, Charlyn. At si Matthew at Chiqui na hindi ko alam kung anong nangyayari sa dalawang 'to. Grabe kasi 'yung mukha ni Chiqui. Parang natatae na ano. Si Cherry naman na pinapanood si Jay at Charlyn. Sumali kaya ako kina Charlyn? I also want to irritate Jay. Sorry, Jay. Haha.

''Ger!" Tawag sa akin ni Rage.
Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses niya at nang makita ko ang itsura nito. 'Wag kang magpapahalata, Geryne.

Hindi ko alam kung saan naglagi 'tong si Rage eh magkasama lang naman kaming pumunta rito eh.

"Oh? Bakit?" Kaswal kong sabi kahit na ramdam ko ang pagpintig ng puso ko.

Nasa tabi ko na siya at sipat na sipat ko ang mukha nitong napakakinis. Hinagod nito ang basa niyang buhok kaya agad kong iniwas ang tingin ko.
Ayokong mahuling nakatingin sa kaniya.

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now