Chapter 39

15 4 0
                                    

Divine's POV

Kabibihis ko lang ng swimwear ko at papunta na ako ngayon sa pool. Ready to dip na Char!

"Ay! Bongga naman ni ate!" Sigaw ni Jay na nakasabit ang kanang kamay sa kaliwang braso ni Nate.

Para siyang tuko kung makasabit sa braso ni Nate.

Tumakbo ako patungo sa kanilang dalawa ni Nate at agad na tumalon sa pool.

Agad akong lumapit kay Jay at sinabuyan siya ng tubig. napapikit ito sa tubig na pumasok sa mata niya.

"Argh! Istorbo ka talaga. Nakita mo na ngang nagmomoment kami dito ni Nate!" Sigaw ni Jay at halatang nainis na siya.

Mabuti nga sayo MALANDING PALAKA!

Sinabuyan ko ulit siya ng tubig sa mukha at mabuti ng pumasok 'yung tubig sa pores niya para hindi naman masayang 'yung water.

"Hahaha payt me!" Natatawang sabi ko.

Natanggal na yung pagkakasabit ni Jay sa braso ni Nate. Speaking of Nate kanina pa pala siya nanunuod sa amin.

"Hi Nate, Huwag mo nang pansinin itong si Jay. Maharot lang tharot 'yang isang 'yan." Sabi ko para mainis si Jay.

Sinamaan ako ng tingin ni bakla. Akala naman niya ikinaganda niya 'yun. Tss

Tumango lang si Nate at tumawa. Ang gwapo din ng isang 'to.

Umalis na ako duon at tumungo kina Junajoy at Xavier na seryosong nag-uusap. Sila lang dalawa? Hmm

"Hi Jun." Bati ko at matamis na ngumiti. Sandali silang napatigil at tumingin sa akin.

"Hi Divine. Sa'n si Geryne?" Tanong ni Junajoy na halatang ayaw maabala sa pag-uusap nila ni Xavier.

"Di ko alam hanapin mo kaya."

"Nag-uusap pa kami ni Nate eh. Ikaw nalang muna ang humanap sa kanya."

"Ehhh ayaw mo lang maisturbo ko kayo ni Nate" Nang-aasar kong sabi dahilan para mamula ang mukha niya.

"Si---" may sasabihin pa sana siya pero inunahan ko na.

"Geh alis na lang ako. Hanap akong ka date."

Sa'n na ba kasi 'yung babaitang 'yun? Sabi niya susunod siya. Tss

Umahon ako sa pool at tanaw ko si Zeus sa cottage na seryosong tumtugtog ng gitara. Ang cool niyang tingnan habang ako. 'Wag niyo nang tanungin.
Ramdam ko ang pag-agos ng tubig mula sa katawan ko at dama ko rin ang lamig sa talampakan ko na dulot ng tiles na may tubig na galing pa ata sa pool.

Para akong nasa isang romance novel. Ako 'yung damsel in distress at may naghihintay na Knight in shining armor sa akin. Ako at si Zeus 'yun.

Humakbang ako at tila nag-slowmo ang paligid. Humakbang ulit ako at papalapit na ako ng papalapit. Isang hakbang pa at---

"Ahh! Tang*na!" Napadaing ako sa sakit ng pwet ko.

Nadulas ako sa pangatlong hakbang ko at di ko na kinaya ang kahihiyang kinalalagyan ko ngayon. Tatayo na sana ako nang  madulas ulit ako. Sheeeeet na malagkit. 'Pag minamalas ka nga naman. Nakarma ata ako sa ginawa ko kay Jay, Nasira 'yung moment ko kay Zeus.

"Wahahaha!" Narinig ko ang halakhak ni Froy at naagaw nito ang attensyon ni Zeus.

"Lampa ka naman pala eh!" Sino pa ba ang kayang mang-inis sa akin ng ganiyan? Eh 'di si Froy lang.

Agad akong tumayo na parang walang nangyari at nilingon si Froy. Pnandilatan ko siya dahilan para mas lalo itong tumawa ng malakas.

Nakita siguro ni Jay at Nate yung pagkakadulas ko. Nakikita ko silang nagpipigil ng tawa. Bago ko pa sila mahampas ay tumakbo na ako sa cottage.

Si Zeus naman ang kukulitin ko. hehe

Wala namang nangyari kanina. 'Di naman ako nadulas, style 'yun ng pagmomoment ko kay Zeus. 'Di ako tulad ni Jay na walang kaeffort-effort kung lumandi kay Nate. Dapat may padulas-dulas para bongga.

Narito na ako ngayon sa cottage at kasalukuyang niyayakap ang sarili dulot ng tubig na nasa katawan ko na nagpaginaw sa akin. Kinuha ko ang tuwalyang nakasabit sa likuran ng upuan at ibinalot iyon sa aking sarili. Umupo ako sa kabila at pinatitigan si Zeus na patuloy pa rin sa paggigitara.

Nagulat ako nang sabayan niya ang kantang ginigitara niya na "You are the reason" by  Calum Scott.

There goes my heart beating cause you are the reason
I'm losing my sleep please come back now

Hindi inasahang marunong siyang kumanta. Omo! Ang cool talaga niya! Siya 'yung tipo ng mga lalaki sa Fantasy World lang nag-eexist. Pero ngayon nasa harapan ko na.

There goes my mind racing and you are the reason that i'm still breathing
I'm hopeless now

Ang ganda ng boses niya at masasabi kong damang-dama niya ang kanta.

Ay! Muntik ko nang makalimutan na hahanapin ko pala si babaitang Geryne.

"Zeus.." Pagtawag ko sa kaniya kaya naman napatigil siya at tumingin sa akin. Ito lang talaga 'yung lalaking nagpapaatras ng dila ko.

Ilang segundo ang lumipas pero nakatingin pa rin siya sa akin.

"Alam mo ba kung nasaan si Geryne?" Tanong ko rito at nilibot ang tingin sa paligid. Saan din si Rage? Posible kayang magkasama sila?

"Why?"Tanong nito at halatang nag-aalala na rin ito para sa kaibigan niyang si Rage. Magkasama siguro 'yung dalawang 'yun.

"Kanina ko pa kasi siya hinihintay sa pool pero wala pa siya. Eh si Rage? Ba't wala na siya?" Tanong ko pa.

"They're together just awhile ago. Just check the pool or the Bathrooms." He said while maintaining his stoic expression.

"Sige, hahanapin ko lang sila." Sabi ko at lumakad patungo sa pool.

Ilang metro na lang ako ng marinig ko ang pamilyar na tawa ni Geryne.

I squint my eyes to see the pool where I think the familiar laughter came from and then there I saw Geryne laughing her ass off. -_- Pinahirapan pa talaga niya ako. Ba't inabot siya ng ilang taon bago makapunta sa pool?

I heaved a sigh and continued walking.

Lumusob ako sa tubig nang hindi nila alam. At saka nandito na rin pala si Rage. So magkasama nga talaga sila?

"Hey Bitch." Napaigtad ako nang magsalita si Jay sa tabi ka na kasalukuyang nakataas ang isang kilay. Hindi pa ata nakamove-on sa nangyari kanina.

"Hey ugly gay haha" Pang-aasar ko pa sa baklang 'to. Lumaki ang butas ng ilong niya at pumeywang.

"How you dare?! Racist! You're a racist!" Napahalakhak na lang ako sa kaartehan ng palakang 'to.

Nagbikit-balikat lang ako at pinuntahan si Geryne na nakikipag-usap kay Chiqui.

Pumwesto ako sa harapan nila kaya napatigil sila sa pagtsitsismisan. Nabigla ako nang tumawa si Geryne nang makita niya ako. Weird talaga ang isang 'to.

"Nakakatawa 'yung mukha mo lalo na't kung nakabusangot. Hahaha saka pasensya na kung natagalan ako kasi hinintay ko pa si Rage." Paliwanag nito at halatang natatawa pa rin sa ITSURA ko DAW. Sino ba namang hindi mabubusangot sa sitwasyon ko.

"Hahahaha Bahala na nga kayo diyan." Usal ni Chiqui at naglakad papalayo.

Lumapit ako sa gilig ni Geryne na kasalukuyang nakatulala. Ano na naman bang iniisip ng babaeng 'to?

"Huy, Muntanga ka sa ginagawa mo. Haha" Pang-aasar ko at mahina naman siyang tumawa.

"Ang dami kasing pumapasok sa utak ko, Kung pwede ko lang sanang pigilan but anyway, asarin natin si Jay para masaya. Hahaha" Ngumiti at tumawa na ang ako kahit pakiramdam ko na may iniisip na namang kakaiba 'to.

Hindi ko talaga mawari o mahulaan ang tumatakbo sa utak nang isang 'to. Ilang segundo masaya siya tapos bigla na lang siyang tatahimik kasi may iniisip na pala. Ganiyan ba talaga 'yung mga mahilig sa Psychology? Para na ring baliw?

Pero sana maayos lang siya saka gusto kong magopen-up siya para makatulong man lang ako sa kung anong iniisip nito.


PulchraVita






















Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now