Chapter 21

17 4 2
                                    

Divine's P.O.V.

Nabayaran na namin ang mga libro namin at wala na rin sa tanaw ko si Zeus. Hays. Tsaka nakapagsorry na rin ako kay Jay at pinatawad niya na kami. Iniwan ako ni Geryne kanina -_- kaya awkward kay Jay pero naidaos ko na rin iyon.

Naglalakad na kami patungong Jollicat dahil sinabi ni Chiqui kanina 'nang tumawag siya kay Jay. Duon daw kami kakain. Wala namang problema sa akin dahil paborito ko ang Jollicat lalo na 'yung Fried Chicken nila na ang sarap sarap.

Hawak hawak ko ngayon ang plastik na may lamang isang libro. Tahimik lang si Geryne habang naglalakad at sinusuri ang bawat bagay o tao na nakikita niya habang si Jay naman ay naghuhunt ng gwapo. Kanina pa nga siya dada ng dada dito sa tabi namin na may gwapo na kesyo daw na may Koreano. -_-

Nasa harap na kami ng Jollicat at hinahanap namin sila mula sa labas. Pinasingkit ko ang mga mata ko para mas mahanap ko sina Chiqui at nagtagumpay naman ako dahil nakita ko silang masayang nakaupo duon banda sa may corner at masayang nagtatawanan.

"Guys, nakita ko na sila" Sabi ko at nagsimulang maglakad patungo sa lamesa nila. Sumunod naman sa akin sina Jay at Geryne.

"Hi Jay! Hi Divine! Hi Geryne" Pagbati nila sa amin. Hindi sila nahihiya kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao. Diyan ako bilib sa weirdos.

"Umupo na kayo rito. Oorder na ako" Sabi ni Chiqui na nakatayo at halata sa boses niya na ang saya saya niya.

Umupo na kami sa gusto naming mga pwesto.
Nasa Left side namin 'yung glass na naghihiwalay sa Jollicat at sa labas. Nasa pinakagilid ako at ang nasa right ko naman ay si Jay at nasa right niya sa Geryne na nagsisimula ng magbasa.
Nasa harap ko naman si Cherry na wagas ang ngiti habang sinisipat ang paligid. Food lover din 'yan eh. Nasa left side niya naman si Chiqui pero wala siya kasi umorder na habang nasa left naman ni Chiqui ay Si Juna joy at syempre ang nasa pinaka huli ay si Charlyn na nakakrus binti at nasa palad niya ngayon ang baba niya.

"Anong binili niyo?" Tanong ni Cherry sa aming tatlo at halata sa boses niya na goodmood siya.

Tinaasan ko siya ng kilay. Normal na sa akin iyon dahil lagi ko iyong ginagawa.
"Mga make up at Undies. Malamang libro! Ano pa ba ang makikita sa Bookstore. Kaya nga bookstore eh?" Sarkastiko kong sabi. Napatawa na lang si Cherry sa sagot ko habang si Junajoy naman ay tinitigan lamang ako.

"Ang suplada mo talaga Ms.Alfonso" Pang-aasar pa ni Cherry sa akin. 

"Ano pa bang inaasahan mo?" Komento ni Jay na nagpapacute na ngayon sa mga dumadaang Fafa niya.

"Haha okay na ba kayong tatlo?" Tanong ni Cherry. Pinasadahan niya kami ng titig niya.

"Oo, Nagspeech lang naman 'tong si Geryne at hindi ako pinasagot kasi umalis na kaagad siya.." Tinapunan ni Jay ng tingin si Geryne na inosenteng nakatingin sa amin. "Si Divine naman, mag-sosorry na nga lang. Lalaitin kapa. Oo okay na kami" Sarkastikong sabi ni Jay.
Halatang nastrestress mga tigyawat niya. Haha

Kumapit ako sa kaliwang braso niya at inihilig ko ang aking ulo sa balikat niya.

"Maganda kasi tayo" Sabi ko sabay tawa at humiwalay kay Jay na umirap lamang.

"Pinakamaganda si Jay siyempre. Exotic Beauty" Ani Geryne sabay tawa na hindi na nagbabasa. Inilagay niya na ata ang libro niya sa sling bag niya.

"Kayo? Nag-enjoy ba kayo sa arcade?" Tanong ni Geryne kina Cherry.

Nabigla ako 'nang biglang tumawa si Junajoy habang hinahampas pa ang lamesa. Si Charlyn naman, halatang naiirita. Si Cherry ay nakangiti lang.

"Anong meron?" Sabay naming tanong ni Jay.

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now