Chapter 17

17 4 1
                                    

Charlyn's P.O.V.

Tick tock tick tock tick tock

Tunog 'yan ng Wallclock na kanina ko pa pinariringgan habang nakahiga dito sa doubledeck at nakatitig sa ceiling ng kwartong ito na may kaunting lawa. Malinis nga ito sa susunod.

Tick tock tick tock

Tunog pa rin ng Wallclock. Wala akong plano para sa araw na ito at bored ako. -_- Tapos dadagdagan pa ng balitang magswiswimming ang weirdos kasama ang mahanging si BLAZE kasama 'yung mga kaibigan niya? It's not really a good sight.

Ano bang pake ko sa Mayabang na 'yun? Dapat hindi ko na pinagtutuunan ng pansin ang mga taong mayayabang 'di ba? Eh ano naman kung makakasama ko siya? Hindi niya naman siguro ako kukulitin or pahihiyain sa harap ng weirdos o ng kaibigan niya 'di ba?

Napakagat ako ng ibaba kong labi sa ideyang iyon. Dapat magrelax lang ako kasi SUMMER VACATION so dapat Relax lang.

Ano bang pwede kong gawin sa araw na 'to? Auh alam ko na-

"Weirdos!" Sigaw ni Chiqui sa labas kaya bumaba ako mula sa itaas ng doubledeck. Wala si Geryne, baka nasa sala nagbabasa. At Bakit  naman kami tatawagin ni Chiqui? May date na ba kung kailan ang swimming namin?

I shiver with the thought.

Junajoy's P.O.V.

Nasa kwarto ako habang nagkakaraoke 'nang tawagin kami ni Chiqui kaya agad naman akong lumabas at tumungo sa sala na kung saan si Chiqui.

Nakahawak siya sa Bewang niya at nakangiti sa amin maliban kay Charlyn na kararating lang at halatang bored na bored sa buhay niya. Ang puti talaga ni Charlyn, parehas sila ni Divine. Ano kaya sikreto ng dalawang 'to? Matanong nga 'pag may time.

"Hi Weirdos"Sambit ni Chiqui sabay tawa.

"Spit it out, Chiqui" English na sabi ni Jay. Wow ha? Hahaha

Agad na nagtawanan ang Weirdos sa kanya.

"Umaasenso ata si Ate hahaha" Pangaasar ni Divine na pinatungan naman agad ni Geryne.

"Excited ata makita mga Fafi niya" Tumawa si Divine, Cherry at Chiqui kaya napatawa na rin ako. Seryoso 'yung sinabi ni Geryne pero alam kong insulto 'yun kay Jay na kasulukuyang nakikipaglaban ng titigan kay Geryne. Napapabilib na lang ako kay Divine at Geryne sa mga ginagawa nilang pangiinis kay Jay. Kapag mangiinis si Divine ay sinasabi niya ito habang tumatawa, 'pag si Geryne naman.. siya 'yung tipong painosente pero iniinis na pala si Jay hahahaha

"Gusto ng makita ng punggod niya ang bagong fafa hahahahaha" Panggagatong pa ni Divine. Ang "Punggod" ay hiligaynon term for "Tigyawat". 'Yun lagi ang puntirya ni Divine sa tuwing aasarin niya si Jay.

"Ah sorry, panget ako. Sorry, ang ganda ganda mo kasi eh, nahihiya tuloy punggod ko. Ang gaganda niyo kasi eh" Sarkastikong Sabi na Jay sabay Tingin kay Divine at Geryne.

Nagtinginan si Geryne at Divine. Ano na namang naiisip ng dalawang 'to?

May sasabihin pa sana si Divine 'nang magsalita na si Chiqui.

"Hep! Hep! Guys! May sasabihin ako sa inyo kaya ko kayo tinawag. Okay?" Walang kumibo sa amin kaya nagpatuloy na lang si Chiqui sa pagsasalita. Seryoso na si Jay ngayon na halatang nagtatampo sa Dalawa. Nakahawak siya sa braso ni Cherry. Naghahanap ng kakampi hahaha Si Divine naman ay nakataas ang kilay. Natural sa kanya iyon 'pag may ganitong sitwasyon habang si Geryne naman ay seryoso lang na parang wala lang nangyari pero sa loob pala naguiguilty na. Hahahaha

"Sabi ni tita na ipangkain daw natin ngayon ang perang nakuha diyan sa renta ng bahay." Sabi niya sabay nguso sa tapat ng bahay. Lumaki ang mata ni Jay at may sasabihin pa sana pero hindi niya itinuloy at itinikom na lang ang bibig.

"So magbihis na kayo dahil pupunta tayo mall. At wait! Nagpadala din siya ng extra money pangarcades natin. Sige na! Gora! Magbihis na kayo!" Sabi ni Chiqui at dumiretso na rin sa kwarto niya para magbihis. Ganuon rin ako.



Vote.Comment.Be a fan.


Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now