Chapter 2

47 3 0
                                    

Divine's P.O.V.

Katatawag lang ni jay sa kanila pero pagkadating nila nakapasok na ang tatlong lalaki sa loob ng bahay.

"Saan!?saan!?saan sila!?gwapo ba? " sabay sabay nilang tanong.

"Nakapasok na sila sa bahay" sagot ni geryne.

"Oo nga sayang di niyo kita gwapo pa naman nila pero mas gwapo ang straykids"sagot ko

"Makikita rin namin sila kasi sa harap lang naman sila naka-" Nagtinginan kaming lahat.

"SA BAHAY NI TITA LINA!!"
sabay naming sigaw. Pag-aari kasi ni Tita Lina ang tinitirhan namin ngayon pati na rin ang titirhan ng tatlong lalaki. Pero titira ba sila rito? Well, sana tumira sila kasi-- wala lang.

"Chiq! Alam mo ba ang tungkol rito?" Tanong ni Cherry.

"Hindi, wala namang sinabi sakin si Tita tungkol sa mga 'yan eh" Sagot pa niya na ikinadismaya naming lahat.

"Pero bakit sila pumasok sa bahay? Are they allowed to get inside that house even without a permission?" Tanong ni Charlyn at tumango naman si Geryne rito. Mga matatalino nga naman, nagkakaintindihan.

"I don't think so- 'yan napapaenglish na rin ako 'nang dahil sayo charlyn eh!" Dagdag pa ni Jay. Nagtawanan naman kami sa sinabi ni Jay.

"Baka mga magnanakaw 'yun?!" Komento ni Juna joy na naging dahilan ng pagkalaki ng aming mga mata ngayon.

"May posibilidad" sagot ko.

Biglang tumunog ang telepono at agad kaming nagkatinginan. Sinagot naman agad nito ni chiqui. She put her index finger in her lips to tell that we need to be quiet.

"Hello?" Sabi ni chiqui sa telepono. "Tita ikaw pala yan bakit napatawag po kayo?"

Tulala kaming nakikinig sa pag-uusap nila ng biglang nag salita si cherry "chiq paki loudspeak". Agad namang na loudspeak ni chiqui ang telepono

"Pamangkin rerentahan yang bahay sa harap niyo. Nakausap ko na ang mga magrerenta na sa inyo nalang ibabayad ang renta nila. Alam na nilang katapat lang ng bahay na nirenta nila ang bahay niyo sinabi ko rin sa kanila na pamangkin kita at sayo nalang ibigay."mahabang paliwanag ni tita Lina

"Ahh sige po tita ako na po ang bahala"sagot ni chiqui

"Idagdag niyo nalang sa panggastos niyo ang ibinabayad nila sa renta pamangkin"sabi ni tita Lina

"Ok po salamat po tita Lina." Agad ng ibinaba ni chiqui ang telepono.

Tunganga kaming lahat sa mga narinig naming impormasyon 'Nang biglang tumili si charlyn at junajoy.

"Maygashh seryoso rerenta sila sa bahay ni tita Lina?!at katapat pa natin?" Tanong ni Junajoy.

"Malamang, narinig mo na nga 'di ba?" Sagot ko at umupo sa sofa.

"So anong plano natin?" Tanong pa ni Jay na parang kumikinang ang mata nito. May binabalak na naman 'tong baklang 'to eh.

"We don't need to plan. Para saan pa ang plano? Para magpapansin? Then what?" Singit ni Geryne na kanina pa tahimik.

Tiningnan ko ang reaksyon nina Junajoy at Charlyn, inasahan ko naman na Nakapout sila at hindi sang ayon sa sinabi ni Geryne. Si Geryne? Mahihilig sa lalaki? Posible kung kamukha lang naman ni Taehyung 'yan aba.

"Tama si Geryne. Papakainin ba tayo niyang mga lalaking 'yan? Makakain ba ang kagwapuhan nila?" Dagdag pa ni Cherry sa sinabi ni Geryne.

"Oo, makakain.. sila" We glance at Jay with a disgusted look. Naririnig ba niya ang mga pinagsasabi niya?!

"Jay! Ang harot mo talaga!" Komento ni Chiqui na ngayo'y nakahawak na sa sentido niya dahil sa stress.

"Saan ba patungo ang discussion na ito? We should stop this nonsense talk." Sabi ni Geryne na halatang kanina pa naiirita.

"Let's settle this later. We still need to clean up this house" Sabi ni Chiqui at saka kami bumalik sa kanya kanya naming mga gawain.



Vote.Comment.Be a fan.

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now