Chapter 34

33 2 1
                                    

Junajoy's P.O.V.

"Nate, Alam mo bang mas nakakagwapo sa lalaki kapag pinapansin nito si Magandang Jay." Pagpapapansin ni Jay kay Nate na halatang busy sa pag-iihaw ng karne ng Baboy at hindi man lang matapunan ng tingin si Jay pero nakangiti ito na nagpapahiwatig na nakikinig siya sa mga sinasabi ni Jay na kanina pa dada ng dada dito. Siya lang ata ang maingay eh.

Napailing na lang si Nate at nagpatuloy na lang sa pagpapaypay sa ihawan.

Kasulukuyan kong inaayos ang pagkakalatag ng mga pagkain sa lamesa. Wala kasi sina Chiqui at Matthew na pinakamature dito sa amin kaya kailangan ko 'tong gawin. Nakaupo lang si Geryne at Divine sa habang pinapanood si Jay na nagpapansin kay Nate. Tuwang tuwa talaga silang dalawa 'pag gumagawa ng katangahan 'tong si Jay. Kasalanan din naman ni Jay kung bakit siya naasar lagi eh.

Nasabi ko rin bang kanina pa ginugulo ni Froy si Divine. Hindi niya lang ito pinapansin dahil abala siya sa pagtawa kay Jay habang si Zeus naman ay nakaupo at abala sa cellphone niya.

"Tulungan na kita dito." Napatingin ako kay Xavier nang bigla itong sumulpot sa gilid ko. Inaayos niya na rin 'yung mga kubyertos na gagamitin namin.

Hindi siya nakatingin sa akin kaya ginamit ko ito upang suriin ang kabuuan ng itsura niya. Patuloy pa rin ako sa pagpunas ng pinggan gamit ang tissue ngunit nakadikit pa rin ang mga titig ko sa itsura niya.

Mala tsokolate ang buhok nitong kulay kayumanggi at halatang hindi pa ito nasuklayan dahil nagmistulang pugad ang buhok nitong napaka-Tousled. Kung lalaki lang ako, baka nainggit na 'ko sa nilalang na 'to kasi ang gwapo pa rin kahit gulo gulo na 'yung buhok. How to be Xavier?
Tapos ang ganda pa ng kulay ng mata niya--

"Junajoy, You tortured the tissue." Nagising ako sa katotohanan ng marinig ang boses ni Xavier. Nakatingin ito sa akin at halatang pinipigilan nito ang sariling tumawa.

"A-ah.." Tinignan ko ang tissue na hawak ko at napalaki ang mata ko nang makitang gutay gutay na ito. Shete! Damny! Ok calm yourself, Junajoy.

"Iba talaga epekto ng kagwapuhan ko." Sabi ni Xavier sa tabi ko pero hindi ko ito pinansin dahil nasa sitwasyon pa rin akong mahirap lutasan. Kinuha ko lahat ng piraso ng tissue at mabilis sa itinapon sa basurahang 'di kalayuan at agad na lumingon kay Xavier at awkward na ngumiti.

Mahina akong tumawa at kumamot sa ulo ko para maitago ang mukha ko sa kahihiyang 'to.

"Masyado ata akong nawili sa pagpupunas ng plato." Sagot ko nang hindi lumilingon dito.

"Yeah, It is very entertaining." Usal nito na may mahinang pagtawa habang nakatingin sa akin.

"Hahaha Oo nga" Sabi ko na lang at kumuha ng bagong tissue upang mapunasan na ang natitirang mga plato.

"You're really Cute." Sabi nito kaya napatingin ako sa kanya na kasulukuyang napatigil sa pagaayos ng mga pagkain. Nakangiti lang siya at hindi niya alintana ang nararamdaman ko sa ilalim ng mga maiinit niyang titig.

Hindi naman ako kaagad-agad dinadapuan ng hiya, 'di gaya ni Divine at Geryne. I can handle situation like this.

"Well, hahaha. You're also Handsome, Xavier A.K.A. Mr.Pogi." Sambit ko at mahinang tumawa.

Inalis niya ang titig niya sa akin at tumutok ulit sa inaayos niya habang tumatawa.

"Thanks for that compliment, Ms.Beautiful." Napataas ang kilay ko sa kaniya at mahinang tumawa kaya napalingon siya sa akin na nakasmirk.

"Ayusin mo na lang 'yang dapat mong ayusin." Sabi ko at pinagpatong-patong ang mga plato.

"Right, Ms.Beautiful." Hindi ba siya titigil sa katatawag sa'kin ng "Miss Beautiful"? Hindi naman sa nang-aano pero nakaano.

Tumahimik ako at tumutok sa pagpupunas ng baso. Tutok na rin si Xavier sa ginagawa niya eh.

Ilang minuto ang nakalipas at biglang nagsalita si Xavier sa tabi ko.

"Miss Beautiful? Masyado kang seryoso diyan." Bigla biglang sabi ng nasa tabi ko.

"Kailangan kasi, Mr.Pogi." Sagot nang hindi tumitingin dito. Narinig ko ang mahina at gwapong pagtawa ni Xavier. Magaling kayang kumanta 'tong si Xavier?

"Seryoso rin ako, Miss Beautiful. Kakailanganin mo rin ba ako?" Napatigil ako sa ginagawa ko at napabuntong hininga. He's such a flirt. Nilingon ko siya witch matching flip ng hair kaya tumawa ito. Sinadya ko 'yun.

"Depends." Ang tangi kong naibulalas at sabay kaming tumawa ni Xavier sa katangahan namin pero napatigil rin kami nang sumingit si Divine.

"Junajoy! Nakabili na ba ng Inumin si Rage at Cherry?!" Sigaw nito mula sa kinauupan nito kasama si Geryne at froy na malapit lang sa kaniya at halatang ginugulo siya nito.

"Oo, darating na rin 'yun mamaya." Sagot ko at nakita kong tumango lang siya.

Binalingan ko uli ng atensyon si Xavier at nakangiti lamang ito sa akin.

"Okay na 'yan. Hintayin na lang natin bumalik ang iba." Sabi ko sa kaniya at tumango ito bilang pagsang-ayon.

"Matthew reserved the pool and it's only exclusive for us and that's a good thing, right?" Usal ni Xavier.

Umupo kami sa tapat lang ng inuupan ni Zeus na pinapanood lang si Jay na kinukulit si Nate.

"It is, mas maganda kapag unti lang 'yung tao kaysa sa populated." Komento ko at sinipat ang paligid. Maaliwalas dito dahil kami lang ang tao at ang guard na nagbabantay.

I hope this day will turn out great. And I hope for everyone's happiness and safety.

PulchraVita


Wews, Ang daming plot holes but.. it is still entertaining. 😂

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now