Chapter 23

17 5 1
                                    

Geryne's P.O.V.


Tumigil ang Van sa tapat ng bahay. Bumaba kaming lahat at hinintay na bumaba si Chiqui. Binuksan niya ang bintana at inilabas ang ulo niya.

"Pumasok na kayo. Ipapark ko lang ng maayos 'tong kotse." Ibinigay niya kay Cherry ang susi ng bahay.

'Di kinatagalan ay dumating na rin ang kotse nina Rage.

Binuksan na ni Cherry ang bahay at agad naman kaming pumasok. Dumiretso ako sa kwarto at agad kong tinanggal ang leather jacket sa bewang ko at inilagay sa higaan ko. Meroon pa naman akong extra napkin dito.

Hinalungkat ko ang bag ko at nakita ko ang 2 pack ng napkin. Hays, akala ko kailangan ko pang bumili. Naghanda na ako ng mga damit ko at pumasok sa C.R.

Tinanggal ko na ang mga damit ko at inilagay sa isang basket na kung saan nakalagay ang mga maruruming damit ko.
Bukas na pala kami maglilinis ng bahay, nanalo ako sa race noong jogging kaya hindi ko na kailangang tumulong sa paglilinis pero kailangan ko pa ring maglaba.

Pinihit ko ang shower at mabilis na dumaloy ang tubig sa katawan ko. Malamig ang dampi nito kaya nanginig ako. Darn. Nanatili akong ganuon at ninamnam ko ang pagkamanhid ng likod ko dahil sa malamig na tubig.

Nakahiga na ako ngayon sa kama  habang nakatitig sa kawalan. Namiss ko ang higaan ko. Ito lagi ang kumocomfort sa aking 'pag pagod 'yung katawan ko. Haha

Chineck ko ang Wallclock.
Magaalas-sais na ng gabi.
Tinanggal ko ang pagkakatali ng buhok ko at hinayaan ito nakalugay at bumalik ako sa pagkakahiga. Sandali akong napatitig sa ilalim ng pangalawang platform ng doubledeck.

Blangko ang isip ko. Sa pagod siguro ito, o di kaya sa period ko. Rinig ko ang 'pag tunog ng wallclock, ang pagbuga ng hangin ng electric fan.

Nakaramdam ako ng antok kaya tinanggal ko na ang Eye-glass ko at inilagay sa gilid ng higaan. Dumapa ako at ipinikit ang mga mata ko. Hinayaan ang utak kong mag-isip ng kung ano ano. Ramdam ko ang lambot ng unan sa mukha ko. Inamoy ko ito at familiar 'yung amoy. Siyempre amoy ko. Haha

Nahagip ng mata ko ang leather jacket na nakalatag sa tabi ng eye-glass ko. Ang sweet ni Rage. Huehuehue

Isiniksik ko ang mukha ko sa unan upang wala akong makita at tanging dilim lang ang naaninagan ko.

Maya maya ay nakatulog ako ng  hindi ko namamalayan.


Vote. Comment. Be a fan.


Maiksi muna kasi mahaba 'yung mga recent chapters. Hehe

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now