Chapter 28

15 4 0
                                    

Chiqui's P.O.V.

Ramdam ko ang lamig ng Halo-Halo sa aking mga lalamunan na nagbibigay na kakaunting kaginhawaan sa katawan kong kanina pa init na init na dulot ng Summer.

Narito kami ngayon ng Weirdos sa harap ng bahay. Pagkalabas mo ng bahay, 'di naman totally na kalsada agad. May fence kami na naghihiwalay sa labas. Dito namin napagdesisyonang tumambay dahil napakasarap lang sa pakiramdam ng simoy ng hangin. Dahil siguro sa mga damong nakapaligid sa amin. Mabuti nga at may mga damo dito kasi kung wala, Aba! Napakainit na talaga.

Nakaupo kami sa kaniya kaniya naming mga upuan. Magkakaharap kami ngayon habang ninanamnam ang Halo-halo na perfect sa Summer. Nagkabit lang kami ng tela para gawing bubong at matabunan kami sa sinag ng araw.

Ipinatong ko ang Halo-halo ko sa mesang nasa harap namin. Nakajogging pants si Geryne kahit ang init init na habang si Divine naman ay nakapedal at nakaT-shirt. Si Junajoy naman ay nakashort at simpleng T-shirt lang. Nakapedal rin si Charlyn.
Habang ako, si Cherry at si Jay ay nakashort din tulad ni Junajoy. Naiimagine niyo ba na nakashort si Jay? Nakakakilabot. Nakashades pa siya niyan ah.

"Gusto ko ng magswimming" Bigla biglang sabi ni Junajoy habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kaniyang kamay.

"'Wag kang mag-alala. Bukas na tayo magswiswimming kaya maghanda na kayo ng mga gagamitin niyo." Sabi ko at inubos ko na ang natitira kong Halo-Halo.

"I already have my bikini!" Charlyn uttered with a boyish grin.

"Paano ako?! Wala akong bikini!" Bulalas ni Jay na ikinahagalpak namin ng tawa. May pahampas pa si Geryne sa hita niya habang humahalakhak.

"Sige, bigyan kita basta suotin mo ah?" Panghahamon ni Divine na nakataas na naman ang kilay.

"Ano ka? Reyna? No, Thank you nalang. Dapat kong itago 'tong beauty ko." Sagot ni Jay sabay pose ng mga nakakakilabot na pose. Humalakhak  na naman kami.

"Oo, itago mo kasi baka 'pag nakita ng iba baka kumaripas sila ng takbo" Dagdag pa ni Cherry at tumawa ang weirdos maliban na naman kay Jay na pinapanood lang kaming tawanan siya.

"'Wag kayo, maganda kaya si Jay. Ang ganda ganda ng hulma ng katawan niyan eh. May curve." Singit ni Geryne habang inaayos 'yung salamin niyang nakatabingi. Seryoso siya 'nung sinabi niya 'yun pero natawa na lang kami.

"Geryne, 'di ko alam kung compliment 'yun o sarcastic. Kakampi ba kita o hindi?" Tanong ni Jay kay Geryne na nakataas ang kilay.

"Depende" Sabi ni Geryne sabay ngiti ng nakakaloko. Inirapan lang siya ni Jay sabay cross ng legs niyang maraming balbon. Ang lakas ng loob niyang magshort sa harap namin ah?

"So anong susuotin mo, Jay?" Tanong ko sa kanya.

"Makikita niyo na lang bukas" sagot niya sabay kindat kaya napa "ew" at "yak" ang Weirdos.

"Aba! Makayak ah! Kanta na lang tayo ng 2002" Ani Jay na ikinatango namin.

"1, 2, 3, Go" Bilang ni Jay at nagsimula ng kumanta ang Weirdos. Lahat po kami singer. Proud lang po ako sa Weirdos. Haha

I will always remember the day you kissed my lips light as a feather and it went just like this no it's never been better than the summer of 2002

Napatigil kami sa pagkanta ng marinig naming pinalitan nj Jay 'yung lyrics from "2002" naging "2019" na taon ngayon.

"Trip ko lang" Sabi niya na may ngiti sabay peace sign.

"Ipagpatuloy natin 'yung pagkanta." Suhestiyon ni Junajoy na sinunod naman namin.

We were only eleven

Napatigil na naman kaming Weirdos ng palitan na naman ni Jay 'yung lyrics from "eleven" to "19" na edad namin maliban kay Junajoy na "18" pa lang at si Cherry na "20" na.

Binato siya ni ashley ng plastic cup na lalagyan ng Halo-halo na agad namang nasalo ni Jay na nakangisi.

"Pakakantahin mo ba kami o hindi?" Mataray ni tanong ni Ashley.

"Pakakantahin siyempre pero hindi ko lang mapigilan ang creative ko na self. Wow, Creative hahahaha" Sabi niya at tumawa ang Weirdos sa kabaklaan niya.

"Icocontinue pa ba?" Tanong ni Junajoy.

"Oo, pero hindi na tayo titigil kung sakali man na sinumpong na naman si Jay ng kabaklaan niya." Sabi ni Charlyn.

Nagpatuloy kami sa pagkanta.

We were only eleven but acting like grownups like we are in the present drinking from plastic cups

Pagkatapos ng lyric na "plastic cups" ay dinugtungan ito ni Jay ng "na ibinato sa akin ni Divine" na ikinatawa ng Weirdos pero ipinagpatuloy pa rin namin ang pagkanta.

Singing love is forever

"Ayan na ang forever" singit ni Jay na nakatingin sa gate at may kinikilig na ekspresyon pero hindi kami tumigil.

And ever well I guess that was true.

"Totoo na 'to! Nandito na ang mga bebe ko."Sigaw ni Jay habang nakatingin sa gate at hindi mapakali. Nag-ayos siya ng sarili niya kaya nacurious kami at nilingon ang gate. Napatigil kami sa pagkanta.

"Well, Hi there Weirdos haha" Bati ni Froy kasama ang mga kaibigan niya na may dalang tatlong galon ng ice cream. Napako ang titig ko kay Matthew na nakatitig na sa akin ngayon. Well, how to act naturally?



PulchraVita








Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now