Chapter 31

18 5 0
                                    

Geryne's P.O.V.

Maagang-maaga pa ay gising na ako, mga alas-sais pa lang ata. Binuskan ko ang ilaw dahil hindi pa sumisilip ang araw. Maligo muna kaya ako? Pero maliligo bago magswimming? Pwede kaya 'yun? Maliligo na lang ako.

Naglakad ako patungo sa Banyo at maliligo na sana ako 'nang maalala kong malamig, I mean napakalamig ng tubig. 'Wag na lang. Matulog na lang kaya ako ulit? Napaaga ata ang tulog ko kagabi.

Hindi na lang ako maliligo kasi magswiswimming naman at 'dun na lang ako maliligo. Wala naman akong gagawin rito kaya lumabas na lang muna ako ng bahay. Nakapajama at Long sleeve ako at pinatungan ko ng jacket. Ready naman lahat ng dadalhin ko.

Libutin ko muna siguro 'tong lugar. Marami pa naman akong oras. Naglibot ako ng ilang minuto at hindi ko namalayang dinala ako ng mga paa ko sa Playground. Lugar kung saan masaya ang mga bata. I love this place.

'Di masyadong madilim dahil may ilaw naman. Napayakap ako sa sarili ko ng umihip ang malamig na simoy ng hangin. Tanaw ko pa rin ang buwan at malapit na itong mawala.

Pinagmamasdan ko ang paligid.
Ang ganda dito kasi pwedeng pagshootingan ng mga romantic movies. 'Yung maghahabulan 'yung dalawa. I'm so ridiculous. -_- Napatawa ako sa naisip ko.

May slides dito, swing at kung ano ano pa. May nahagilap ang mata kong lalaking magisa na nakaupo sa swing. May hawak na gitara. Malapit lang ito sa akin kaya naglakad ako patungo dito. Umaalingawngaw ang tunog ng gitara niya at alam ko kung anong kanta 'to. Kalawakan.

Sa likod pa lang ay kilala ko na. Intimidating aura. But I should not jump into any conclusions without any basis, right? It might him but also not. Pero naglakad pa rin ang tungo dito, nakatalikod siya sa akin kaya 'di niya alam na pinagmamasdan ko siya.

Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan kapag kapiling kang tumitig sa kawalan

Kumanta ako sa himig ng gitara niya kaya napatigil siya at nilingon ako na nasa bandang kaliwa niya. Tama ang hinala ko. Siya nga.

Ngumiti ako sa kanya na ngayo'y nakatitig sa akin habang magkasalubong ang kilay.

"Ituloy mo lang. Kakanta ako." Utos ko sa kanya at inalis ang pagkatitig. Umupo ako sa isang swing at hinintay siyang ipagpatuloy ang paggitara.

Ipinagpatuloy niya kaya napatingin ako sa kanya. Gusto kong makita ang itsura niyang nagigitara.

NakaT-shirt ito na kulay white at pinatungan niya ng leather na jacket at pants na black. Masyadong pormado. Kailangan ko pa palang isauli sa jacket niya. Sa kaniya ko na lang ba isasauli o kay Rage? Siyempre sa kaniya kasi sa kaniya 'yun! Bahala na, 'di ko naman dala ngayon eh. Nalabhan ko na ang jacket niya pero at isasauli ko na lang ito sa kanya mamaya.

Nagpatuloy ako sa pagkanta.

Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan nating dalawa nating dalawa haaaaaaah

Muli ko siyang nilingon at nakatitig na siya sa akin. How to calm? Kanta lang, 'yun naman dapat mong gawin. Umiwas ako ng tingin at kumanta.

Tanaw pa rin kita sinta
Kay layo ma'y nagniningning mistula kang tala
Sa tuwing nakakasama ka
Lumiliwanag ang daan sa kislap ng iyong mga mata

Nakita ko siya sa Peripheral view ko na nakatutok na sa paggigitara. Mabuti naman.

'Pag ikaw ang kasabay puso'y napapalagay gabi'y tumatamis tuwing hawak ko ang iyong kamay

'Di ko akalain na marunong siyang maggitara sa itsura niya. Akala ko ang alam niya lang ay ang mag sungit. Joke hehe pero infairness, para siyang ideal man tingnan sa porma at paggigitara niya.

Tumigil siya sa pagstrum kaya nilingon ko siya. Magsasalita pa sana ako ng marinig ko ang mga katagang hindi ko inasahang lalabas sa mailap niyang mga labi.

"Your voice is good." He mumbled in a deep and hoarse voice that was barely audible while gazing at me with those scintillating stoic eyes that made me want to hide inside my closet.  Ngayon ko lang napansin na ang lalim pala ng boses niya at sa tingin ko magaspang ito dahil kagigising niya lang ata. 'Di ko sure baka dito siya nagstay buong gabi. Hula ko lang naman.

Hindi pa rin maprocess ng utak ko 'yung sinabi niya. First time ko siyang marinig na magcompliment. I swallowed the lump that was forming inside my throat before replying back.

"S-salamat hahaha hindi ako sanay na may nagsasabi sa akin ng ganiyan." Sabi ko habang tumatawa. Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa awkward na namamagitan sa aming dalawa.

Hindi niya pinansin 'yung sinabi ko at pinadausdos ang mga mahahaba niyang daliri sa kuwerdas ng kaniyang gitara.

Hindi talaga pinansin? Grabe ang isang 'to ah.

Napailing na lang ako at muling sumabay sa himig ng gitara.

Simoy ng hangin na kay lamig sa katawan
Daig pa rin ng liyab na'king nararamdaman
Sa tuwing tayo'y magkabilang mundo
Isang tingin ko lang sa buwan napalapit na rin sa iyo
Langit ay nakangiti
Nagaabang sa sandali
Buong paligid ay nasasabik sa ating ha--

"You should go." Bigla niyang sabi habang nakatanaw sa araw na unti unti ng umaangat.

Tumayo ako at pinagpag ang pajama ko. Tiningnan ko siya at pinapanood niya lang ako.

"Ikaw rin." Sabi ko. Hindi siya sumagot.

"Mamaya ko na lang rin pala ibabalik sa'yo 'yung leather mong jacket. Mahilig ka pala sa ganu'n." Sabi ko ng nakangiti.

"You knew?" Tanong niya at halata sa boses niya ang pagkagulat. Tumango ako. 'Di ko mawari kung 'yung pagkahilig niya sa leather jacket ang tinutukoy niya o na sa kaniya 'yung jacket na ginamit ko pantakip sa ano pero tumango na lang ako.

"Sige mauna na ako" Sabi ko at naglakad papaalis.
'Di ko alam kung bakit siya nanduon sa ganuong oras.
Mas dumagdag lang 'yun sa pagiging curious ko sa kanya.

Bago pa man ako makalayo ay muli ko siyang sinulyapan.
Patuloy pa rin siya sa paggitara. Inalis ko na ang tingin ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Ilang beses ko na siyang nakausap at 'nang dahil duon ay mas lalong lumaki ang pagkagusto ko na mas kilalanin pa siya. Mas nadagdagan lang ang rason ko na kilalanin at kausapin siya.



PulchraVita

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now