Chapter 15

39 3 3
                                    

Geryne's P.O.V.

Tatlo silang lalaki ngayong nasa harap namin, si Rage lang ang kilala ko; Si Poker face namumukhaan ko hehe

"Hi Matthew" Pagbati ni Chiqui duon sa lalaking binati siya. Magkakilala ata 'to.

Tiningnan kami ni Chiqui sabay tawa. Anong nakakatawa dun? 
"Mga kaibigan ko. Ito si Geryne.." Tinuro niya ako " at ito naman si Divine" turo niya kay Divine. Nakangiti lang si Matthew habang nakatitig samin samantalang si Rage naman ay nakangiti lamang na parang baliw. 'Di ko alam kung assuming lang ako pero nakatingin ba sakin si Rage? Kilig ako? Joke baka may dumi lang ako sa mukha. Si Poker face naman.. hmm ang tangkad niya. Matangkad na sina Matthew at Rage pero Mas matangkad pa talaga 'tong si.. anong pangalan nito?

"At ito naman si Zeus.. Zeus Zachary" Napalingon ako kay Matthew na ipinapakilala na pala sina Rage at ZEUS ZACHARY.

Wow, pati pangalan niya napakamisteryoso. Makikita ko na ng malapitan ang features niya. Black ang buhok niya at maayos na ito 'di gaya 'noong una namin siyang nakita, napakatousled ng hair niya noon. Nakapamulsa lang siya habang nakahalukipkip ang mga braso niyang may kakaunting biceps dahil nakalongsleeve nga siya pero tinupi niya iyon hanggang sa siko niya. Ang gwapo lang tingnan ng ganung porma.

"Geryne!" Tawag sa akin ni Divine na nakapagpagising sa akin mula sa pagpapantasya ko. Tiningnan ko siya at magkasalubong na ang dalawa niyang manipis na kilay. Nasa unahan na namin si Chiqui at Matthew na masayang nagkwekwentuhan. So magkakilala nga sila? Nasa unahan ko naman si Zeus.. nakakapanibago lang banggitin ang pangalan ni.. Zeus.. Ang weird ko. -_- ZEUS ZACHARY. Ang ganda lang talaga hehehe.

"Geryne! Ano ba?! Masama pakiramdam mo?" Nagulat na naman ako kay Divine.

"Sorry, bakit?"Tanong ko sabay tingin kay Rage na katabi ni Zeus. Nasa unahan si Chiqui at Matthew, dalawa sila tapos si Zeus.. zachary.. naman at si Rage ang sa harap namin and kaming dalawa ni Divine ang nasa likod.

"Kilalanin natin si ZEUS.. HIHI" Suhestiyon ni Divine sabay hagikhik.
Paano namin magagawa 'yun ng hindi napaghahalataang.. Bahala na nga.

Tumango ako at ngumiti upang ipakita na sang-ayon ako.

"Paano natin sisimulan?" Tanong sa akin ni Divine. Sasagot pa sana ako 'nang tinawag niya si Rage kaya agad namang napalingon si Rage at sumabay sa amin kaya mag-isa na lang si Zeus sa harap namin. May naamoy akong mabango.. Medyo lumapit ako sa likod ni Zeus para amuyin at siya nga. Naligo ata 'to sa pabango. Ang bango eh.

Kinilabit ako ni Divine kaya natutok ulit ang atensyon ko sa kanya at kay Rage.
"Pakilala mo naman kami kay Zeus" Sambit ni Divine na ikinagulat ko. Straight forward ang ate niyo. Nginitian ko na lang si Rage kahit hiyang hiya na ako sa ginawa ni Divine.

"No problem" Sagot ni Rage sabay Thumbs up na ikinatuwa ni Divine.

"Zach" Tawag niya kay Zeus. Zeus? Zach? Zeus Zach? Zeus Zachary? Wala lang.

Tumigil si Zach at lumingon kay RAGE lang kaya napatigil rin kami. Tinapunan ko ng tingin si Divine at wagas ang ngiti, parang mapupunit na 'yung bibig ah hahaha

"Ito nga pala si Divine at Geryne" Pagpapakilala ni Rage. Tiningnan niya si Divine. Wala siyang ekspresyon o reaksyon. Saka tumingin siya sakin. Nageye to eye contact kami at wala siyang ibinigay ng ekspresyon sa likod ng kanyang mga mata. Like.. He's a living monster. Nakakakilabot ang mga titig niya kaya ako na lang ang bumawi sa titigan namin. He's like scanning us. His eyes, it feels like it is penetrating and piercing deep inside my soul.

Tumalikod na siya sa amin sabay lakad. Walang ni "HI" o "Hello".  Napabuntong hininga ako.

"Kausapin ko hehe" Sabi ni Divine sabay lakad sa tabi ni Zeus. Pansinin kaya siya? Feeling ko kasi mahirap pakisamahan 'tong lalaking 'to eh.

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now