Chapter 26

21 4 0
                                    

Chiqui's P.O.V.

"Mahal kita at handa akong hamakin ang lahat mapasaakin ka lang."

Pagpapahayag ng pagmamahal ng lalaki sa kaniyang kasintahan.
Yakap-yakap niya ang babae at humihikbi ito sa dibdib niya.

It's funny how people say that kind of stuff without even thinking twice if they are capable of doing it. Pag-ibig nga naman, 'pag pumasok siya sa sistema mo, hindi ka na makakapag-isip ng maayos at masasabi mo ang mga katagang hindi mo na naman kayang gawin.

Kaya daw niyang hamakin ang lahat? napakaHyperbole nu'n.
Kaya ba niyang pagalawin ang bundok? Languyin ang karagatan? Sana maging realistic tayo at maging practical dahil sa panahon ngayon, hindi ka mananatili sa mundong ito kung hindi mo gagamitin ang utak mo, 'wag puro puso, 'wag puro damdamin.

Pinatay ko ang telebisyon dahil naiirita na ako sa pinagsasabi ng lalaki sa babae. Matatamis lahat ng mga katagang binibitawan niya. Hindi ba pwedeng sabihin  niya na lang na hindi talaga sila nakatadhana sa isa't isa? Don't get me wrong, hindi ako bitter. Nagpapakapractical lang.

Inayos ko ang pagkakaupo ko rito sa sofa at nahagip ng mata ko ang isang panyo, panyong punong-puno ng alaala. Pinulot ko ito at tinitigan. Ito ang panyong ibinigay sa akin ni Matthew noong mga bata pa kami. May burda itong nagsasabing "F.F." Friends Forever.

Ayoko ng magbalik-tanaw pa kaya inilagay ko na agad iyon sa bulsa ko.

Nasa kwarto na ang Weirdos at ako na lang ang tanging narito sa sala habang nanonood ng telenobelang puro kahibangan lang ang laman. Nagtatampo ako sa kanila maliban kina Geryne at Divine. Tuksuhin ba naman ako sa harap ni Matthew? Ayoko ng maulit iyon dahil baka mag-iba lang pagtrato niya sa akin.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at marahang naglakad patungo sa kwarto. Ramdam ko ang matigas at malamig na tiles sa talampakan ko at naamoy ko pa rin ang adobo sa paligid.

Bukas na kami maglilinis kaya dapat matulog na ako para makakuha ng enerhiya para sa bakbakan bukas. Haha

Mag-isa lang ako sa kwarto kaya walang magtatanong sa akin kung matutulog na ako which is a good thing. Ayokong pinapakealaman ako pero hindi ko matatanggi, minsan gusto ko ring may kasama sa kwarto pero 'wag na lang kung Weirdos. Ang iingay niyan.

Pinihit ko ang doorknob at pumasok sa kwarto kong napakalinis. Walang anumang bakas ng kalat. Isinarado ko ang pinto at umupo sa isang upuan at may tapat na salamin. Tinanggal ko ang pagkakatali na buhok ko at agad na nahulog ito papuntang balikat ko. Mahaba ang buhok ko at sa tingin ko, abot ito sa pusod ko.

Kinuha ko ang suklay na abot-kamay ko lang na nakapatong sa mesa.

Mas malamig dito sa kwarto kaysa sa labas marahil mas maliit ito at may maliit na espasyo rin ang gagalawan ng hangin. Mabagal kong pinadausdos ang suklay sa napakaitim kong buhok. Inaasar nga ako ng Weirdos dahil sa buhok ko. Lalo na 'yang si Jay. Parang wig daw, sa tingin ko hindi naman eh. Inggit lang talaga 'yang baklang 'yan.

Napatigil ako sa pagsusuklay 'nang mahagip ng paningin ko ang panyo. Ipinatong ko sa mesa ang suklay at kinuha ang panyo.
Napakagat ako ng labi ko ng sumagi sa isip ko ang mga alaala. Masaya lahat ng alaala, 'walang bakas ng kalungkutan.

Wala namang masama kung mag-rereminisce ako 'di ba? Baka kasi paasahin ko na naman sarili ko eh. Magmumukha lang akong tanga.

Wala namang masamang ginawa sa akin si Matthew eh. Pero minsan, ayoko ng alalahanin pa 'yung nakaraan dahil nagkakaroon lang ako ng rason para umasa.

Close kami sa isa't isa mula 'nung elementary pero pagdating ng high-school, lumipat siya ng paaralan. Crush ko na siya noong elementarya pa lang kami pero sa tingin ko, hindi niya alam. Hindi niya napapansin. Pero nagulat ako ng makita ko siya sa unibersidad na kung saan kami nag-aaral ng Weirdos. Hindi namin masyado pinapansin ang isa't isa dahil magmula 'nung high-school, wala na kaming contact sa isa't isa.

Magkaibigan pa rin kami pero hindi na gaya ng dati dahil iba na ngayon, malalaki na kami. Mas mature na at alam naman nating dapat may sapat na espasyo sa babae't lalaki maliban na lang kung mag-asawa na kayo.

Hindi ko rin inaasahang rerentahan niya ang isa sa mga bahay ni Tita. Coincidence lang siguro.

Huwag ka ng umasa, Chiqui. Please.

Pero minsan ang sweet niya sa akin gaya 'nung---

Okay, tama na 'tong kahibangang 'to. 

Tumayo na ako at dumiretso sa kama ko. Agad akong humiga.

Pero paano kung gusto rin niya ako? Wala namang masama kung susugal ako 'di ba? Anong gagawin ko? Aamin ako? Hindi pwede, baka hindi niya na ako pansinin. Bahala na ang panginoon. Makatulog na nga lang.

Pilit kong ipinikit ang mga mata ko at agad din namang binalot ng antok ang sistema ko.

Vote.Comment.Be a fan.



Our last Summer (Weirdos' Squad)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon