Chapter 32

20 4 0
                                    

Jay's P.O.V.

Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga 'nang pumasok sa tulog kong isipan na magswiswimming kami ngayong araw. Nahulog ako mula sa kama at kasalukuyan na akong nakaupo sa malamig na tiles.

Kinusot ko ang aking mga matang nanlalabo pa dahil sa biglaang paggising at pagtayo ko. Ibinaling ko ang atensiyon ko kay Cherry na mahimbing pang natutulog. Dahan dahan akong tumayo at naglakad tungo sa cellphone kong nakapatong sa cabinet.

Alas siyete na ng umaga kaya kailangan ko ng gisingin si Cherry. Pumunta ako sa puwesto ni Cherry at inalog siya sa pangalawang palapag ng doubledeck.

"Hmmm" Tangi niyang sagot sa pagalog ko sa kaniya.

"Gising" Sabi ko habang patuloy pa rin sa pagalog sa babaeng tulog mantika na 'to.

Marahan niyang iminuklat ang mga mata niya at tinabig ang kamay kong nakahawak sa kaniya.

"Oo na, gigising na." Sagot niya kaya lumabas ako ng kwarto para tingnan kung nasa labas na ba ang ibang weirdos.

Nagulat ako 'nang makita ko si Chiqui at Junajoy sa sala habang nakangiting nag-uusap at hawak hawak ang mga bag nila. Nakabukas ang T.V. pero hindi sila nanonood. Gusto ata nilang maputulan kami ng kuryente?

"Mga babaita, ang aaga niyo ah" May pang-aasar kong sabi sa kanila. Agad silang napabaling sa akin at mas lumapad ang mga ngiti nila.

"Good Morning Jay" Pagbati ni Junajoy na sinuklian ko lang ng ngiti.

"Magluluto pa pala ako ng pagkaing maaaring dalhin." Sabi ni Chiqui at mabilis na magtungo sa kusina. Hindi kinatagalan ay lumabas na rin si Cherry at sinundan niya si Chiqui sa sala para tulungan ito sa pagluto.

Nalipat ang atensiyon namin ni Junajoy sa pintong bigla na lang bumukas at iniluwa nito si Geryne na najacket habang suot suot ang pantulog niya. Mukhang kanina pa siya gising dahil bakas ito sa mga mata niyang sa tingin ko ay may maayos na pahinga marahil din sa sapat na tulog. Pero ba't nasa labas siya?

"Kanina ka pa gising?" Tanong ko sa kaniya. Hindi kasi siya nagpakita ng anumang reaksyon ng makita niya kami. Diyan kasi siya magaling, controlling her facial expressions although the feelings of pain, kilig or any emotion was too much for her to handle. How did I know? Just years of being with these weirdos.

She just shrugged and went straight to her room. Tinapunan niya ako ng tingin pero hindi ngumiti. Bahala siya diyan.

Geryne's P.O.V.

Dumiretso ako dito ngayon sa kwarto para kunin ang bag ko.
Tinanong ako ni Jay bago ako makapasok dito sa kwarto pero nagkibit-balikat lang ako. Tamad akong sagutin siya.

Pagkapasok ko ay agad akong sinalubong ng napakalapad na ngiti ni Charlyn. Nakajagger ito at nakacroptop na mas nagpaganda sa kaniya. Inaayos niya na lang ang sarili niya dahil kahapon pa naman kami nag-ayos ng mga dadalhin namin.

"Ready ka na?" Tanong niya sa akin habang sinusuklay ang buhok niyang may pagkabrown ang kulay.

"Oo, magbibihis na lang." Sabi ko at dumiretso sa harap ng bag ko para kunin ang loose pants ko na kulay Gray at T-shirt ko na kulay mint green.

Hindi na nagsalita pa si Charlyn at tumutok na lang sa pag-aayos sa sarili habang ako ay dumiretso sa banyo para magbihis. Agad naman akong natapos at mabilis na sinuklay ang buhok ko. Wala na dito si Charlyn pati na rin ang bag niya kaya malamang nasa labas na iyon.

Nakaponytail ang mahaba kong buhok dahil hindi ako komportable na lagi itong nakalugay. Pinulot ko ang bag ko na nasa sahig at mabilis na lumabas ng kwarto.


Cherry's P.O.V.

"Jay! Gising na ba silang lahat?" Pasigaw kong tanong kay Jay dahil nasa sala siya habang kami naman ni Chiqui ay narito sa kusina at kasulukuyang nagluluto ng Bihon at nilagang baka. My Favorite. Hehe

"Oo, ready na kaming lahat.'' Sagot niya mula sa kabila at tumango ako na agad ko naman napagtantuan na hindi niya makikita ang pagtango ko. Abala si Chiqui sa pagluluto at hindi niya batid ang pagsisigawan namin ni Jay.

"Sige, mabilis na lang kami." Sagot ko at mabilis na inilagay sa malaking tupper ware ang bihon at ang sunod ko namang inilagay sa isa pang tupper ware ay ang nilagang baka. Mainit ito kaya nilagay namin ito sa tupper ware na may hawakan. 

Naghugas kami ng kamay namin ni Chiqui at maingat na dinala ang mga tupper ware sa sala na kung saan nag-iintay na ang Weirdos. 

"Wala na kayong naiwan?" Tanong ni Chiqui sa kanila na kasulukuyang inaayos ang nagulo niyang buhok marahil sa pagluluto.

Tanging iling lang ang nasagot nila at napatango na lang si Chiqui.

"Jay, ikaw magdala nitong nilagang baka habang itong bihon naman ay ako na lang." Usal ni Chiqui at agad ni ibinigay kay Jay ang dadalhin niya at masaya niya naman itong tinanggap. Hindi maarte ang isang 'to ngayon ah?

"Weirdos! Are y'all awake?!" Dinig ko mula sa labas at sa tingin ko at si Froy iyon. Siya lang naman ata ang may lakas ng loob para mambulabog ng ganiyan. Nagkatinginan kami ng Weirdos maliban kay Divine na mukhang iritang irita sa boses ni Froy. Humagikgik pa kasi 'tong Froy na 'to. Mas nagmumukha o nagtutunog siyang tanga.

"Lumabas na tayo baka naghihintay na sila sa labas. At saka dalawa ang sasakiyan nila pero sa sasakiyan lang ni tita tayo sasakay. Gagamitin 'yung isa kung hindi kasiya 'yung mga dadalhin natin." Pagpapaalala ni Chiqui at agad naman kaming tumango bilang sagot. Tumayo na kaming lahat at lumabas.




PulchraVita

Don't forget to VOTE!

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now