Chapter 33

40 3 0
                                    

Cherry's P.O.V.

Pagkalabas na pagkalabas namin ay agad na bumungad sa amin ang mga nagwagwapuhang mga lalaki. Usual na ata sa kanila iyon dahil parang wala lang sa kanila pero kung makikita mo talaga 'yung reaksyon ng Weirdos ay mapapatawa ka lalo na sa reaksyon ni Jay na tutok na tutok kay Nate. Babalaan ko na si Nate dahil baka atakihin na siya ni Jay.

Natauhan na si Chiqui at agad na umehem para gisingin din ang mga kaluluwa ng Weirdos na hypnotize sa mga lalaking nasa harap namin ngayon. Palihim kong tiningnan si Rage na kasulukuyang nakangiti. How to uncrush this guy? Hehe

"Ready na kayo? And Chiq, 'di ba ikaw 'yung magdridrive? Sundan mo na lang kami." Usal ni Matthew at agad naman kaming naglakad patungo sa Van. Ganu'n din ang mga boys, dalawa ang sasakiyang dadalhin nila at sa tingin ko ay si Rage ang magdridrive ng isa habang si Matthew naman ang magmamaneho sa isa pa.

Maya maya ay nakarating na kami at hindi maitago ang excitement nila. Bumaba na kami dala dala ang bag namin.
Nagulat ako 'nang makitang akbayan ni Blaze si Charlyn. 'Di ako oriented na close silang dalawa?

Charlyn's P.O.V.

Kabababa ko lang ng kotse nang maramdaman kong may umakbay sa akin nang hindi ko alam at nakilala ko lamang ito ng bumulong siya sa tenga ko.

"Let's enjoy this day, Baby." Sabi niya na may mahinang pagtawa. Gustong gusto ko na siyang sikuhin ngayon kung pwede lang. Puwede naman 'di ba?

Kasulukuyang inilalabas ng Weirdos at ng ibang boys ang mga pagkain at gamit namin. Sina Rage at Jay ang nakipag-usap sa nagbabantay habang ako hindi makatulong dahil sa bwi-

"Sa'n mo ko dadalhin?!" Bulyaw ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon at kasulukuyang nakasmirk ang bwisit. Hilahin ba naman ako papalalayo mula duon sa cottage na napili ng Wierdos at ng ibang boys. Sana mabait na lang 'tong si Blaze, sana kasing mature niya na lang mag-isip si Rage para at least hindi ako nandidiri sa tuwing hahawakan niya 'ko gaya ng ganito. Hindi ako choosy ha! Oo gwapo nga pero ayoko ng manyak!

Medyo kalayuan na ang lokasyon namin ngayon mula duon sa pinagbabaan namin. Nasa bandang playground kami.

Nakaupo na siya sa isang swing habang ako ay masamang nakatitig rito.

"Why did you bring me here?! And what do you want me to do?! Play with you here in playground?! Cause I will not--" Napatigil ako sa pagrereklamo ko nang magsalita siya.

"Probably I wanna play with you but I just want to get out from there co'z i'm so fucking lazy to help Matthew and Rage with their shits." Pagpapaliwanag niya.

Napahilamos na lang ako sa mukha gamit ang mga kamay ko. Kailangan talaga akong idamay sa pagiging tamad niya?

"Then why did you bring me here? If you want to escape then just do it without involving me because i am-" Hindi lang pala mayabang ang isang 'to, bastos rin. Nagsasalita pa 'ko eh?

"I just want someone to accompany me and then I thought it would be fun with you cause I like it when you got hysterical, mad or disgusted. Haha Your face was just hilarious." Tumatawa siya habang sinasabi niya 'yun. Ang cute sana niya 'pag tumawa pero hindi cute 'yung sinabi niya eh.

"Auh sige. Alis na 'ko." Sabi ko dahil wala namang kwentang kausap 'to.

Aalis na sana ako nang harangan niya ako. Kaharap ko na ngayon ang mabango niyang damit at naamoy ko na ang pabango niya dahil sa lapit nito sa akin. Ngayon ko lang napansin na ang laki ng height difference namin.

"I'm going back." Sabi ko at sinubukang dumaan sa kanan pero agad niya itong hinarangan, sinubukan ko sa kaliwa pero hinarangan na naman niya.

"Kailangan nating silang tulungan." Sabi ko sabay tulak sa kaniya pero hindi man lang ito natinag kaya napabuntong hininga ako.

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now