Chapter 25

19 4 1
                                    

Geryne's P.O.V.

Katatapos ko lang kumain at nandito na ako sa kwarto nakaupo at nag-iisip kung anong iniisip ko. Yeah, Baliw na ako.

Ang summer na ito ay kakaiba dahil pinili naming Weirdos na manirahan sa isang bahay para masanay din namin ang sarili namin na maging independent. Nagpaalam naman kami sa mga magulang namin at pumayag naman sila dahil alam nilang matitino naman kaming lahat maliban kay Jay na napakaganda. Haha

So ito nga, nandito kami para ienjoy ang summer. Nagparaya ang pamilya namin para sa kaligayahan namin at nararapat na ienjoy talaga namin 'to dahil darating ang araw na busy na kami sa mga trabaho namin, ngayon college pa nga lang kami ag napakabusy na namin. Sa mga thesis, reports, napakaraming libro na irereview. Nakakabuka ng ulo 'yun kung alam niyo lang.

Pero bago ako makatuntong sa college, kailangan ko munang maranasan 'yung sinasabi nilang "Failure" at mga kahihiyan. One time 'nung nasa high school pa ako, I was Grade 9 that time.
Ako 'yung naassign na magrereport sa kabanata 7 ng Noli Me Tangere. Ako 'yung unang una dahil si Sir Buene ang nagdiscuss ng Kabanata 1 hanggang 6.

Hindi ako kinakabahan 'nun, Taliwas sa pagkakaalam ng mga kaklase ko. I was so confident na maipapaliwanag ko iyon ng mabuti dahil mula 'nung grade 7, ako na 'yung nagrereport dahil ako lagi ang pinipili ng mga kagrupo ko na umaasa na lang -_- Binasa ko 'yung kabanata at nagtala ng mga importanteng kaalaman. 

Dumating ang araw na magtatalakay na ako at ramdam ko ang bilis ng pintig ng puso ko. Hindi ko iyon pinansin sapagkat alam kong normal lang iyon sa tuwing haharap ka sa tao.

Pumuwesto ako sa harap at inihanda ni Darlene, classmate ko, ang presentation. My heart started to beat fast that time and it was really hard to control but I was still confident.

Nagsimula na akong magsalita at hindi pa rin humuhupa ang pintig ng puso ko. May hika ako kaya nahirapan akong pakalmahin ang sarili ko at napatigil ang pagsasalita ko dahil hindi na ako makapag-isip ng maayos. Nawawalan na akong ng hangin 'nung time na 'yun at unti-unting lumalabo ang paningin ko 'nang dahil sa luhang hindi ko inaasahang lumabas. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang papel na may mga information tungkol sa tatalakayin ko.

Tuloy tuloy ang pag-agos ng luha at hindi ko mapakalma ang sarili ko kaya tumungo ako sa pinto, kung saan walang makakakita sa akin na ganito ang sitwasyon.

Huminga ako ng malalim, ilang beses ko ring ginawa 'yun para pakalmahin ang naghuhumayaw na puso ko. Nag-isip ko ng magagandang alaala at ginamit ko iyon para bumalik ulit sa pagtatalakay na nakangiti.

Erase erase

Damn, masyado akong vulnerable dati at hindi ko na hahayaang makita ulit ako ng tao na umiiyak. Kaya ko ng kontrolin ang emosyon ko at hindi na ako magpapatinag dito.

Napapikit ako ng mata upang maalis sa isip ko ang masalimuot na nakaraan. Lagi na lang akong napapahiya, nakakainis.

Binuksan ko uli ang aking mata at nahagip nito ang phone ko na nakabukas at may unread message. Agad ko itong kinuha at binasa ang mensahe.

Galing ito sa unknown number.

How are you? It's me Rage.

Si Rage lang pala. Kailangan ko pa pala siyang pasalamatan. Saan niya kinuha ang no. Ko?

I'm fine. Salamat pala sa jacket. Lalabhan ko na lang muna bago ko isauli sa'yo. Saka sa'n mo nakuha 'yung no. Ko?

Sinend ko iyon at humiga sa kama. Hindi kinatagal ay may message ulit galing kay Rage.
I registered his number at pinangalanan kong "Rageu" haha Korean lang ang peg.

I am glad you're okay. And the jacket is not mine. It's Zeus's.
Siya rin ang nagsabi sa akin about dun sa stains. And about your number, I asked it from Chiqui.

Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa mensaheng pinadala niya. Kikiligin ba dahil nag-aalala siya sakin? O magugulat dahil kay Zeus galing 'yung jacket? O mahihiya dahil Dalawa talaga silang nakaalam tungkol sa.. Aish! Kahihiyan na naman. Nakakairita. At saka nag-effort talaga siya para makuha 'yung no. ko. Kaya pala parang may negotiation sila ni Chiqui kasama 'yung mga cellphone nila.

Nagreply pa rin ako kahit hiyang hiya na ako sa sarili kong katangahan.

Oh, Pakisabi Thank you.

'Yun na lang ang tangi ko na ireply.

Got it.

Reply niya at hindi na ako sumagot pa.

Kay Zeus pala 'yung jacket. Hindi ko napansin kanina 'nung liningon ko siya na nakaT-shirt na lang siya. Ito 'yung suot-suot niya 'nung mag-usap kami sa Bookstore. Tanga ko para hindi malaman -_-

Pinulot ko 'yung jacket sa higaan at inilagay sa Basket ng mga damit na kailangan ng Labhan.

Babalik na sana ako sa higaan ko 'nang makita ko si Charlyn na natutulog na. Mabuti na lang at tulog na siya, baka makita niya 'yung mga reaksyon ko kanina. Nakakahiya 'yun 'pag nagkataon. 

Pinatay ko na 'yung ilaw at humiga na sa kama. Nakatitig lamang ako sa kawalan at hinahayaan ang utak ko na gumawa ng kung ano-anong scenario. Tanging dilim lang ang nakikita ko at nakakaaninag ako ng kaunting ilaw na nagmumula sa buwan at tanaw mula sa bintana. 

I let the vague thoughts linger in my mind hanggang sa lamunin na ako ng kadiliman.


Vote.Comment.Be a fan.

Our last Summer (Weirdos' Squad)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon