Chapter 47

31 3 0
                                    

Charlyn's P.O.V.

"Tigyawater!" Pang-aasar ko kay Jay na kasalukuyang nasa tabi ni Nate na abala sa pagkain.

Si Geryne naman ay tawa lang nang tawa sa panonood sa pag-aaway namin ni Jay.

Sa totoo lang, kanina pa si Jay nang-aasar sa amin dito. Naasar niya na si Geryne, Divine, Junajoy at ako ang sa kasalukuyan. I think kaya niya kami inaasar kasi kanina pa siya hindi pinapansin ni Nate. Abala ba naman sa pagkain ang tao.

"Porket makinis ka?! Ha?!" Natawa na lang ako sa itsura ng baklang 'to. Lumalaki ba naman ang butas ng ilong niya.

"Inggit ka?" Pagmamaldita ka na may mapang-asar na ngiti. Kasalukuyang nagpipigil ng tawa si Nate habang pinapanood kami.

"A-aba!" Ito na lang ang tangi niyang nasabi. Napatawa ako sa katangahan niya.

"Shut up na kasi kung wala ka namang maipagmamalaki." Dugtong pa ni Divine na halatang imbyerna na kay Jay.

"Mga bruha talaga." Bulong ni Jay pero narinig naman namin.

"'Don't mind Divine, Jay. She's just envious of your beauty." Natatawang Sambit ni Froy na Halatang gusto talagang inisin si Divine at nagtagumpay naman siya.

'Yan na naman sila. I think I need to retouch, dapat laging maganda 'no.

Kinuha ko ang make-up kit ko at nagsimulang mag-ayos habang nakikinig sa bangayan ng dalawang aso't pusa.

"Hoy Froy Timang! Itikom mo nga 'yang bibig mo." Nanggagalaiti nitong sabi.

Nagtaas baba ng kilay si Froy na ikinuot ng noo naming lahat.

"My lips said that he will only zip if you kiss him." Halos mabilaukan kaming lahat nang marinig namin ang sinabi ni Froy na nakangisi at si Divine naman na nakaawang na ang bibig.

"Tatahimik ka o tatahiin ko 'yang bibig mo?" Pagbabanta ni Divine na ikinatahimik ni Froy.

"Much better." Usal ni Divine na nakangisi.

Agad ko namang ipinasok muli ang aking make-up kit matapos ko itong gamitin at sa hindi inaasahan ay bigla na lang napansin ng Peripheral view ko si Zeus na inaayos ang gitara niya. May banda ba 'tong isang ito?

Inilabas niya ang kaniyang cellphone at nagsimulang mag-type.

I just shrugged it off and started to focus on my phone. To be specific, On my FB account.

"Cha, nakita mo si Chiqui? Kanina pa siya wala." Bigla biglang sabi ni Jay na nasa tabi ko na at napagod na ata sa pagpapapansin kay Nate.

Sandali ko siyang pinasadahan ng tingin at tanaw ko sa mga mata nito na nag-aalala talaga siya sa kapakanan ng kaibigan namin. Agad kong ibinalik sa phone ko ang tingin ko.

"I think she's with Matthew. Wala rin 'yung isa eh." Sambit ko.

"What about Blaze? Sa'n na ba naglalagi ang mga 'yun?" Tanong nang nasa tabi ko.

Marahas akong napalingon sa kaniya.

"Wala akong alam sa isang binanggit mo." Sagot ko at umirap.

Narinig ko ang pagtawa ni Jay ngunit hindi ko na siya pinansin.

Nagulat kaming lahat nang sumigaw si Rage sa ipinakita ni Zeus sa phone niya.

"What the--" Napatigil ito nang makita niya kaming nakatitig sa kaniya. Nagkatitigan silang dalawa ni Zeus at agad silang tumahimik. May kakaiba talaga dito eh.

Inusisa ko ang mga galaw nila at ang tangi kong napapansin ay nag-aayos silang dalawa. Inaayos nila ang mga pinagkainan namin. Tapos na kasi kaming kumain at abala na ang lahat sa kakatsismis o kakacellphone.

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now