Chapter 59

16 1 0
                                    

Jay's P.O.V.

Mabilis lamang akong naligo dahil excited na rin ako sa sorpresang handa ng mga kaibigan ko. Secret lang to ha? Pero ineexpect ko naman na talagang may ganito. Mahina akong tumawa habang nagsusuot dahil sa naiisip ko.

"Okay na.. ano pa bang kulang? Uhmm, unting make up lang para magmukhang presentable sa picture hahahaha," pagkausap ko sa sarili ko.

Nasa labas na kaya sila? Nandyan na kaya si Nate? Nagkibit balikat lang ako sa sarili kong tanong. Don't want to think anymore, birthday ko pa naman ngayon.

Dahan dahan kong pinihit ang doorknob dahil alam ko na grabe na rin pagiging excited nila dito. Kilala ko mga 'yun. Malumanay kong binuksan ang pinto, maliit lamang na espasyo upang makita ko ang nasa labas at makasilip. At hindi ko mapigilang mapatawa nang bumungad sa akin mga tensyon sa mukha nila ngunit may bahid din naman na kasiyahan.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay sinalubong nila ako ng mahigpit na yakap. Para nila akong nanay, tss.

"Gaganda niyo ah," puri ko sa kanila. Good mood ako ngayon so magpapaulan muna ako ng papuri.

"At dahil nandito na ang celebrant natin, halina't simulan natin ang program," Announce ni Chiqui. Sandali kong inalis ang mga mata ko sa kanila at hinanap si Nate ngunit bigo ako. Pati ibang boys, wala pa din.

"Ay wala pa pala mga drinks and cakes natin," Usal ni Chiqui sa microphone na hawak hawak nito. 

"Sino bibili ng drinks natin?" Tanong ko kay Charlyn sa tabi ko na abala sa cellphone niya. May katext ata. "Si Divine and Nate, that's what I remember." Sagot nito nang hindi inaalis ang tingin sa cellphone nito. Sumilip ako dito nang palihim at ang nabasa ko ay, "I don't care kung hindi ka pumunta" and "I'll be there a minute. You're making me guilty".

Napataas ang kilay ko nang wala sa oras. Babasahin ko na sana kung sino 'yung katext niya nang mahalata ni Charlyn na nakikibasa ako kaya agad niyang in off phone niya.

"Hoy! You're invading my privacy," Protesta nito.

"Don't care 'bout your privacy," I just stated calmly. 'Di na siya sumagot at muli na namang tumutok sa kung sino man ang katext niya. Para naman silang 'di magkasundo, ba't pa sila nag-uusap? Tss ang gulo.

Pero 'di ko papalampasin na magkasama si Divine at Nate? Ang bruha naman talaga oh. Iniinis talaga mga bangs ko.

Breathe in, breathe out. Birthday mo pero nangungunsyumi ka. Kasi naman, takte na Divine 'yan. Nananadya ba siya? Or talagang.. maganda siya? walang wala naman kasi ako eh. Bakla pa. Lalaki? Magkakagusto sakin? Aba'y managinip ka beks.

Breathe in, breathe out. Okay, balik sa reality.

"Matt, habang wala pa ang drinks natin. Baka meron kayo diyan," Sabi ni Chiqui, agad namang tumango si Matthew.

"Xave, call Rage or anyone to bring down here the drinks we have there," Utos ni Matthew kay Xavier na kasalukuyang prenteng nakaupo sa sofa. Isang pagtango lang ang naisagot ni Xavier at tinawagan kung sino man iyon.

"So habang padating pa lang drinks natin. Mas mabuting simulan na natin ito with a prayer," Sumang-ayon naman ang lahat sa amin.

After a minute, natapos naman ang prayer na pinangunahan ni Junajoy at dumating na rin 'yung drinks na buhat buhat ni Rage at Zeus, nagdala din ng extrang upuan sina Froy at Blaze. Kulang nga naman kasi. Mabuti na lang at may initiative sila. Pero in fairness ang gwepe nele. Hehehe

Grabe ang porma, kahit simple lang pero grabe 'yung dating.

Matapos nilang malagay sa tamang puwesto ang mga dala nila ay kaniya kaniya na din silang pumwesto. Umupo si Zeus, sa may bandang corner na malapit sa bintana, while si Rage ay pumunta kung saan si Matthew and may pinag-uusapan ata 'yung dalawa.
Si Blaze naman ay nasa harap lang namin ni Charlyn. What a nice view for a gray eyes nga naman. Tapos, ito pa, hinahanap ni Froy si Divine. Haba ng hair ah, putulan nga natin mamaya.

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now