Chapter 12

25 2 0
                                    

Divine's P.O.V.

"Ang tagal naman ng babaeng 'yun. Saan na ba 'yun nagsusuot? Alam naman niyang sa Cashier 29 kami magkikita." Napabagsak na lang ako ng balikat 'nang maalala ko na naman ang nangyari kanina. Argh! That bastard! Gwapo nga pero gwapotengene naman 'yung ugali. Ito kasi 'yung nangyari kanina.


Flashback

Kanina pa ako naghahanap ng cookie chips pero wala talaga akong makita! Favorite ko 'yun eh kaya hindi ako pwede umuwi na walang dalang COOKIE CHIPS! Hindi ako mabubuhay 'pag wala sa kamay ko ang mga baby kong cookie. Lilibutin ko talaga 'tong store na 'to makahanap lang ako pero kanina pa eh! Baka wala na?! HINDI PWEDE!

Nagpatuloy ako sa paghahanap ng Cookie chips at para akong nabuhayan 'nang makita ko ang NAGIISANG COOKIE CHIPS sa lalagyan. May nakita akong isang lalaki sa dulo at nakatitig din siya sa COOKIE CHIPS KO. May balak ata 'to agawin 'yung cookie chips ko ah! Pamilyar siya! Isa siya dun sa mga lalaking rumerenta sa harap ng bahay namin.

Nagulat ako 'nang ngumiti ito sa akin at tumakbo diretso sa cookie chips ko kaya tumakbo rin ako para makuha ang pinakamamahal kong cookie chips. Medyo nauuna siya kaya kailangan ko bilisan ang pagtakbo ko.

Malapit na ako!

"Akin lang ang COOKIE CHIPS KO!"

"It's mine!" Sigaw ng lalaki.

At sa hindi inaasahang pangyayari ay sabay kaming nakahawak sa IISANG cookie chips.nagkatitigan kami at nakangiti lang 'yung bwisit na 'to habang ako sumabog na sa inis.

"Bitawan mo! Akin 'to!" Sabi ko sabay agaw ng Cookie chips pero hindi siya nagpatinag.

"Does it have your name? Obviously not so let me get it" Sabi pa niya pero hinding hindi ako magpapatinag sa bwisit na'to kaya pilit kong inaagaw sa kanya ang cookie ko. Hindi ko nga napansin na magkadikit na pala 'yung mga kamay namin pero hindi 'yun dahilan para bitawan ko ang cookie ko.

"Sayo rin ba 'to? Obviously not kaya let me get it!" Sabi ko pa pero tinawanan niya lang ako.

"Akin na lang kasi 'to. Marami pa naman eh!" Sabi ko. Sana mauto ko siya.

"It is the only one and I will never let my cookie chips slipped away"sabi nito. Paborito niya rin pala? Pake ko? Tss

"Ma'am and Sir. 'Wag na po kayo mag-agawan diyan. May dumating na po na stock. Ayun oh! Kararating lang" sabi ng isang sales lady kaya napatigil kaming dalawa sa pag-aagawan.

Nagkatitigan kami panandalian at agad ko namang binitawan 'yung cookie chips.

"Ayan! Sayo'ng sayo na! Wala ng aagaw! Bwisit" Sabi ko at sabay lakad 'dun sa box kung saan nakalagay 'yung Cookie chips ko.
Naramdaman kong sumusunod din siya. Kumuha ako ng tatlo nito.

"Sila 'yun oh! 'Yung nagaagawan sa iisang cookie chips" rinig kong sabi ng isa. Magbubulongan pa eh naririnig ko naman. Tss

"Parang mga bata" sabi pa ng isang tsismosa. Pake ko?

Umalis na lang ako at pumunta sa Cashier 29.


End of Flashback

So ayun nga ang nangyari. Hindi naman masyadong nakakahiya. Tss

Saan na ba 'yung babaeng 'yun?!
Aish! Gusto ko ng umalis sa lugar na 'to!

"Magbayad na tayo" nagulat ako kay Geryne. Kung saan saan na lang sumusulpot. May dala siyang basket at duon nakalagay 'yung mga kinuha niya.

Binayaran na namin at umalis na kami sa lugar na 'yun. Narito kami ngayon sa labas ng store at nakasilong kami dito. Ang lakas kasi ng ulas tapos may dalawa pa kaming malalaking plastic na dadalhin. Isa sa akin at isa naman kay Geryne. Meron naman kaming payong pero mahirap magdala ng mabigat na plastic tapos may hawak ka pang payong diba?!

"Paano 'to?" Tanong ni Geryne na halatang hopeless na dahil ang lakas ng ulan.

"Susuongin natin malamang. Wala naman tayong choice lady's choice so Gora!" Sabi ko sabay bukas ng payong at sinalubong ang ulan. Wala rin namang pakinabang 'tong payong kasi nababasa rin ako.

Nilingon ko si Geryne at nakita ko sa mukha niya na naiirita siya. Hahahaha Nakakatawa lang.

"Anong nakakatawa?" Tanong nito sa akin na naiirita. Agad akong tumahimik dahil baka masapak ako nito ng wala sa oras. Nananapak kasi 'yan pag naiinis. Parang tomboy pero hindi naman talaga tomboy. Defense mechanism niya lang 'yun.



Nagsimula na kaming maglakad at sa hindi inaasahan ay may tumawag sa pangalan ni Geryne.

"Hey Geryne! Wanna ride? Ihahatid ko na kayo. Magkatapat lang naman bahay natin." Sabi ng isang gwapong lalaki na nasa isang magarang kotse. Ito 'yung lalaking nasa harap namin ah? Kilala niya si Geryne? Hmm makausap nga mamaya si Geryne.

Hindi sumagot si Geryne kaya siniko ko ito at alam niya na ang gagawin niya.

"Sige sa-" Hindi ko siya pinatapos at ako na ang nagsalita.

"It would be a pleasure." Sabi ko sabay hila kay Geryne papunta duon sa sasakyan. Nagulat ako ng bumukas ang passenger seat kaya dito na ako umupo at sa likod si Geryne.

Nagulat ako 'nang makita ko 'yung kaagaw ko sa cookie chip na nakaupo sa likod. Ano 'to tadhana?! May isa pang guy ang nasa likod at nasa pinakagilid si Geryne.

"Hi ako nga pala si Divine" Pagpapakilala ko at nagpakilala din si Rage ('yung nagdridrive na palangiti) Xavier ('Yung katabi ni Geryne na halata kong kanina pa nakatitig kay Geryne) at syempre. 'Yung karibal kong si Froy. Panget 'nung pangalan, bwisit din kasi 'yung nagmamayari.


VOTE.COMMENT.BE A FAN

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now