Chapter 18

19 4 2
                                    

Jay's P.O.V.

"Okay ka lang Jay?" Tanong ni Cherry habang naghahanap ako ng Damit na maaari kong suotin. 'Di ko alam kung anong tinutukoy ni Cherry, 'yung sagutan ba namin kanina o 'yung pakiramdam ko.

"Oo naman. Bakit naman hindi?" Sagot ko pa at nakahanap naman kaagad ako ng damit ko at dumiretso sa C.R. para magbihis.

Tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin at agad kong napansin ang gulo gulo kong buhok. Hinawi ko ito at tumitig na naman. Halata ang pagod sa mga mata ko at alam ko 'yun.

"Pabayaan mo na 'yung dalawa. Intindihan mo na lang." Sabi pa ni Cherry. Agad ko 'nang sinuot ang blue na T-shirt at ang jagger kong galing pa sa London, padala ng kapatid ko.

Lumabas ako at agad na bumungad sa akin ang nag-aalalang mga titig ni Cherry.

"Ako na lang ba lagi ang Mag-aadjust?" Tanong ko sabay upo sa gilid ng kama at sinuot ang rubber shoes ko. Tapos na si Cherry at hinihintay niya na lamang ako.

"Hindi lang ikaw ang nagaadjust." Komento niya na nakapagsinghap sa akin.

"So anong tawag mo sa ginagawa ko? Hinahayaan ko lang si Divine at Geryne na laitin ako ng ganun kasi wala lang! Kasi babae sila kaya kakampihan niyo sila. Tapos ako? Bakla kaya lahat ng insulto sinasalo ko?!" Agad siyang umupo sa tabi ko at hinawakan ang nanginginig kong kamay. Hindi ko siya nilingon dahil baka makita niya lang ang mga namumuong luha at nagbabadyang tumulo sa aking mga mata.

"Hindi ganun 'yun. Magkakaibigan tayo at alam mong hindi nila ginustong masaktan ka. Alam mo 'yung "joke"?-" Hindi ko na siya pinatapos at tinanggal kong ang kamay ko sa pagkakahawak niya at tumayo.

"Joke? Kahit nakakasakit na? Joke pa rin?" Sabi ko sabay marahas na tingin sa kanya.

"Pwede mo namang sabihin sa kanila na itigil na kung naooffend ka na. Kaibigan mo sila kaya maiintindihan nila." Sabi niya.

Lumabas na lang ako 'nang hindi sumasagot. Nakakasira naman ng araw! Kahit naman siguro sabihin kong nakakaoffend na eh hindi pa rin sila titigil. Argh!

Marahas akong umupo sa sofa at hinilamos ang kamay ko sa mukha ko. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero hindi ako nagabalang lumingon at saka ayokong makita akong ganito ang sitwasyon.

Kahit gaano mo pa kaclose ang tao, kung tao siya edi masasaktan ka talaga kasi Pain is Inevitable and damn it! Alam kong may mali rin ako. Lilipas rin 'to. Hindi naman tumatagal ang galit ko sa dalawang bruhang 'yun. Tsk!

Napaigtad ako ng maramdaman kong may yumakap sa akin. Tinanggal ko ang kamay ko sa mukha ko at nakita ko si Chiqui.

"Okay ka lang? 'Wag ka ng malungkot. Alam ko namang hindi mo matitiis 'yung dalawang 'yun saka magbobonding pa tayo!" Sabi niya sabay hiwalay sa pagkakayakap sa akin at sumayaw pa. -_-

Magiging maayos rin ang lahat, sigurado 'yan.


Divine's P.O.V.

Nakabihis na ako at hinihintay ko na lang si Junajoy na lumabas ng C.R.

Kasalanan naman kasi ni Jay 'yun eh! T_T Argh! Ganyan naman lagi. 'Pag nagaasaran kami, siya 'yung naiinis. Samantalang kami ni Geryne, 'Di kami nagagalit kahit sabihan niya pa kami ng mga masasamang salita. But still, nakakaguilty. Hay naku naman kasi. Baklang 'yun!

Magsosorry na lang ako, ayoko ng lumaki pa ito at saka mabait naman 'yun si Jay kaya sigurado akong hindi niya kami matitiis. Huehuehue

"Ay anak ng topa ng ahes ng baka! Junajoy! Nakakagulat ka!" Sigaw ko kay Junajoy na bigla bigla lang lumalabas sa C.R. Marahas pa ang paglabas niya -_-
Tinawanan niya lang ako.

"Sorry, labas na tayo" Nakatawa niyang sabi. Lumabas na kami at dumiretso sa Sala at duon ko nakita si Jay na nakakrus ang legs sa sofa at nakasimangot. Pfft! Nakakatawa hahaha

"Chiq!" Tawag ni Junajoy kaya nalipat sa amin ang atensyon nila. Nagtama ang tingin namin ni Jay kaya umiwas ako ng tingin. Sa susunod lang ako magsosorry.

Vote.Comment.Be a fan.

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now