Chapter 3

42 3 0
                                    

Jay's P.O.V.

Narito ako ngayon sa kwarto at nagwawalis ng mga dumi. Once in a week namin 'tong ginagawa dahil hindi naman pwedeng iasa lang namin lahat kay Chiqui 'yung mga gawain na dapat kami naman talaga ang gumagawa.

Sa totoo lang, gusto kong makahanap ng taong totoong magmamahal sa akin. 'Yung tipo bang tanggap ako kahit ganito ako. 'Yung hindi ako ijujudge kaagad dahil sa tinahak kong landas. Kasalanan ko bang ganito ako? Na gusto kong maging babae? Na gusto kong maramdaman na minamahal ako ng kapwa ko lalaki? My life is so damn complicated kaya napakathankful ko dahil may mga kaibigan akong tanggap ang pagkatao ko. Sa tingin ko pa nga eh mas malala pa sila sakin. Mas wirdo pa sila sakin hahaha
Let's stop that drama dahil hindi bagay sa beauty ko ang mga ganyan. Masyado akong maganda para umiyak, sayang lang beauty ko. Pwede pa nito palitan si Pia wurtzbach o di kaya si Catriona Gray. Haha pagbigyan niya na ako kasi maganda talaga ako.

Paano napunta sa ganda ko 'yung pinaguusapan natin? Anyways, narito pa rin ako sa bwiset na kwarto na 'to at naglilinis. Kating kati na akong makilala 'yung mga bago kong fafi. Kasi ito namang si Geryne, Cherry at Chiqui eh! Mga panira sa plano. Palibhasa 'di nabiyayaan ng angking kagandahan gaya 'ko.

"Wooooh!" Sigaw ko sabay hampas ng walis sa tiles. Napatalon ako 'nang biglang may sumigaw at sumulpot ang mga wirdos sa harap ko na may mga hawak na walis, dustpan, payong, sandok, panungkit, Stick at what? Toothpick? Seriously Junajoy? Kaya kayang protektahan ng toothpick ang sarili nito. She's hilarious.

"Nasaan ang magnanakaw?!" -Divine

"Where's the fvcking Thief?! I'll sue him right away!" -Charlyn

"Jay! Ayos ka lang ba? Di ka ba nirape ng magnanakaw?!" -Junajoy

"Relax! Walang mangrarape kay Jay!" -Chiqui

"Oo nga, 'di sila papatol sa isang may exotic na kagandahan!!" -Cherry

Nilingon ko si Geryne at hinintay ang sasabihin nito gaya ng sinabi ng iba. Nakatabingi pa ang salamin nito -_- halatang nagmadali talaga. Ngunit sa halip ay tumango lamang ito na nagsasabing sumasangayon siya sa mga sinabi ng mga bwiset na mga babaeng 'to?!

"Ano ba kayo?! Ako lang 'to! Walang magnanakaw! At higit sa lahat sinong nagsasabing walang gustong mangrape sakin?! Minamaliit niyo ba ang ganda ko?! Pero kung 'yung mangrarape naman sakin ay yung mga lalaking magrerenta sa harap na bahay ay why not diba?" Agad naman nila akong pinaghahampas ng mga dala nilang pamalo at ang tangi ko na lang nasabi ay "aray"

"Happy ka na?" Tanong ni Divine na halatang hindi natuwa sa nangyari.

"Ba't ka ba kasi sumisigaw at...." tiningnan ni Chiqui 'yung walis na nasa sahig."Ba't mo hinampas ang walis sa tiles?!"

"Akala tuloy namin may nakapasok na rapist o magnanakaw" ani Cherry luz.

"Wala lang, sige na bumalik na kayo sa mga ginaga--"
Napatigil ako sa pagsasalita 'nang may sumigaw na 'di mawari kung saan.

"Y'all fcking nincompoop! shut up! Nakakaabala kayo!" Sabi ng isang baritonong boses.

Agad naman naming hinanap kung saan nanggaling ang boses na iyon at napagtantuan namin na sa harap. 'Yung bahay na inupahan ng Tatlong lalaki.

"I knew it, mga basag ulo din 'yang mga lalaking 'yan eh" Ani Geryne sabay alis.

"Bwiset 'yung lalaking 'yun ah! Lakas makasigaw sa teritoryo ng tita ni Chiqui! Sarap pugutan ng ulo ang ugok na 'yun! May paenglish english pa!" Sambit ni Divine na halata namang Bwiset sa lalaking sumigaw. Pero infairness ang gwapo ng boses?! Kyaaaaaaaah! Okay, Jay, 'wag munang lumandi ngayon.


Vote.Comment.Be A fan.


Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now