Chapter 22

18 4 4
                                    

Geryne's P.O.V

Tapos na kaming lahat kumain at nagchichikahan na lang sila ngayon. Masyado ako busog para makisali sa usapan nila. Ramdam ko ang pagiging hindi komportable ni Divine dito. Alam kong naiinis siya kay Froy kaya ang tahimik niya. 

"Hey" Nilingon ko si Rage sa tabi ko. Ba't "Hey"? Puro "Hey" 'tong lalaking 'to. Hindi ba pwedeng "Geryne?" Mas maappreciate ko 'yun. Joke hehe

"What?" I didn't mean to sound irritated pero parang ganun ang pagkasabi ko. Baka maturn-off sa akin si Rage ng wala sa oras.

"Are you okay?" Tanong niya at nginitian ko lang siya para iparating na okay lang ako.

"Oo, busog lang" Sagot ko na natatawa.

"Hahaha Naparami ata kain mo" Sabi niya na nagpainit ng mukha ko. Nainsulto ako 'dun ah. Haha

"Ganyan lang talaga ako kumain" Sabi ko at siniko sa Jay sa tabi ko. Napalingon naman siya sa akin.

"Yes?" Tanong niya.

"'Di pa ba tayo uuwi?" Tanong ko habang pinapadaos ko ang aking kamay sa sling bag ko.

Ibinaling ni Jay ang atensyon niya kay Chiqui at agad naman nakuha ni Chiqui ang gustong iparating ni Jay.

"I think we need to go" Sabi ni Chiqui.

"Hatid namin kayo?" Tanong ni Rage pero umiling si Chiqui na nakatayo na.

"Hindi na. May service na kami." Sabi niya at tumango lang si Rage. Nagsimula ng mag-ayos ang weirdos.

"Uuwi na rin kami. Sabay na lang tayong lumabas." Sabi ni Froy.

Lumabas na kami sa Jollicat at nagsimulang maglakad palabas ng Mall. Medyo malayo layo pa ang lalakarin namin dahil nasa Parking lot ang kotse.

Nasa harap ang Weirdos maliban sa amin ni Divine na nandito sa likod at katabi ni Divine si Froy. Yeah, you heard me right. Iniinis niya si Divine. Sige, mag-asaran sila diyan. Nasa likod naman namin si Zeus at Rage.

Lumipat si Divine sa Kanan ko mula sa kaliwa. Umiiwas ata kay Froy.

"Ger, paalisin mo nga 'yang bwisit na 'yan." Pakiusap niya sa akin kaya mahina akong napatawa.

"Paano ko naman 'yun gagawin?" Tanong ko sa kanya na halata na sa mukha niya ang pagkairita.

"Naguiguilty ka sa ginawa mo 'no?" Sabi ni Froy mula sa kanan ko.

Naramdaman ko ang pagtigil at pagtigas ni Divine sa gilid ko. Hindi niya ata inaasahan ang sinabi ni Froy.

"Hoy Timang! Bakit naman ako maguiguilty eh wala naman akong ginawang masama sayo! Ikaw nga 'tong dapat maguilty eh!" Pagtanggol ni Divine sa sarili niya.  

Yumuko na lang ako dahil nag-aaway sila at napapagitnaan nila ako.

"At bakit naman?" Paghahamon nito kay Divine.

Iniharap ko sa mukha nila ang palad ko pero umatras sila kaya hindi sila natamaan.

"Kung mag-aaway kayo please 'wag dito." Sabi ko at narinig ko namang bumuntong hininga si Divine habang si Froy naman ay nakangiti lang. Sino ang hindi maiinis sa isang 'to? Nasa gera na nga ngingiti pa.

Ngayon ko lang napagtantuan na mabuting nasa gitna nila ako para hindi nila abot ang isa't isa. Hindi na nila makakausap ang isa't isa.

"Okay ka na?" Paninigurado ko kay Divine. Bumuntong hininga muna ito bago tumango.

"Mabuti" Sabi ko sabay tingin ng diresto.

Lumipas ang ilang minuto bago uli magsalita si Divine.

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now