Chapter 57

106 2 0
                                    

Geryne's P.O.V.

"Hardwork beats talent when talent doesn't work hard" Ika ng iba kaya gumising ako ng maaga ngayon para maghanda dahil tutungo ako ngayon sa Gym para ipagpatuloy ang pagpapapayat ko. Yes, talent ko ang kumain pero sa pamamagitan ng hard work sa pag-eeksersisyo ay matutunaw ko rin ang lahat ng tabang naipon ko.

Gising na si Charlyn at nakatutok lang ito sa phone niya. Nagtataka nga ako kung bakit ang aga niyang nagising eh hindi naman siya ganito. Baka nagbago lang ang ihip ng hangin.

Nagkibit balikat ako at lumabas na ng kwarto dala dala ang mga gamit ko like Water bottle, tuwalya at kung ano ano pa na sakaling magamit mamaya.

Pagkalabas na pagkalabas ko nang kwarto ay agad na sumalubong sa akin ang nakakagutom na amoy ng Sinigang. Sinong nagluluto? Si Chiqui ba? Aba, maaga nagigising mga tao ngayon ah.

Pinuntahan ko ang kusina at hindi nga ako nagkamali.

"Aga mo nagising, Chiq ah?" Sabi ko dito at agad niya akong binalingan ng tingin. Ang lawak ng ngiti.

"Inspired lang haha" Sagot nito at tumango na lang ako. Sinipat ko ang paligid at walang bakas ni Divine ang makikita. May plano pa ba ang isang 'yun na mageksersisyo? 

Inilapag ko ang bag na dala dala ko at naglakad tungo sa kwarto nina Junajoy at Divine. Nakailan na akong katok pero wala pa ring nagbubukas o sumagot man lang kaya napilitan akong buksan ito.

Napabuntong-hininga ako nang makitang mahimbing na natutulog si Divine at si Junajoy namang halatang nagising ko sa pagbukas ko ng pinto.

"Mukhang puyat ka,Jun. Well, lagi ka namang puyat." Walang isip isip kong sabi. Maaga pa lang kaya medyo lutang din ako.

"Gisingin ko lang si Divine." Pagpapaalam ko dito na agad naman ding tumango.

Nasa ilalim na part lang ng doubledeck si Divine natutulog kaya madali lang sa akin na gisingin siya. Umupo ako aa sahig at tinitigan si Divine. Inalog ko siya at wala man lang epekto.

"Gising na. Pupunta pa tayong Gym." Sambit ko.

Inalog ko siyang muli.

"Divine. Gising na. 'Wag mong sabihin na hindi mo'ko sasamahan. Nangako ka!"

Umungol ito at halatang naapektuhan na sa pang-aalog ko. Aba, dapat lang. Sasamahan niya pa ako mag-gym.

"Hoy, Gising na. Naghihintay si Zeus. Anong oras no oh! Ayaw mong makita si Zeus?" May pang-aasar na sabi ko dito.

Tiningnan ko kung gising pa si Junajoy pero bumalik muli ito sa pagtulog.

Gumalaw si Divine at kinusot kusot ang mata niya para maayos siyang makadilat. Agad akong ngumiti nang magmulat siya ng mata.

"Nakakapagod eh. Hindi kaya ng powers ko. Magpapahinga muna ako." Sabi nito kaya nanlumo ako dahil alam kong hindi niya ito hilig at sensitibo ito sa mga ganitong bagay. Hindi siya nagpapapagod. Wala na ata akong pag-asa pero hindi ako mawawalan ng pag-asa.

"Sige na please? Kahit ngayon na lang." Pilit ko siyang kinukumbinsi pero nawala lahat ng parang bula ang pag-asa ko nang umiling siya nang nakanguso.

Ibinaon niya ang mukha niya sa unan kaya nagpakawala ako ng malalim na hininga.

"Ayaw mo makita si Zeus? Yie haha sige na. Bangon na." Pilit ko siyang kinukumbinsi. Pumayag ka na kasi!

"Ikaw na lang muna. Saka Ikaw gusto nun. Nawalan na ako ng gana." Sabi niya habang nakabaon pa rin ang mukha sa unan kaya hindi masyadong malinaw. Manlulumo na sana ako sa sinabi niya nang marinig kong ako ang gusto? Nababaliw ba 'to? Hindi nga interesado makipagusap sa akin 'yun.

Our last Summer (Weirdos' Squad)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن