Chapter 16

20 3 0
                                    

Chiqui's P.O.V.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa pag-aya ni Matthew sa akin este sa amin ng kaibigan ko na magswimming. May aaminin lang ako, crush ko siya matagal na kaya iba lang talaga ang epekto niya sa akin. Close naman kami sa isa't isa.

Sabi niya kanina na magswimming daw kami together with his friends sa swimming pool ng subdivision na 'to. Hindi naman kaagad ako pumayag, syempre pa hard-to-get muna tsaka kailangan ko munang tanungin 'yung mga kaibigan ko kung payag ba sila sa ideyang ito.

By the way, Kasulukuyan akong nakaupo sa sofa habang nakatitig sa T.V. na walang naiintindihan sa kung ano ang pinagsasabi ng mga bida sa teleserye. Masyado akong excited para sa swimming thingy na 'yun. Mamaya ko na lang tatanungin ang weirdos kasi busy pa sila lalo na si Jay at Cherry na naghahanda ng pagkain namin.

May number ako ni Matthew kaya pwede ko siyang matanong kung kailan ba kami pwedeng magdate Charot hehe Kung kailan kami pwedeng magswimming kasi wala naman siyang date na sinabi eh so confuse ako. Pero sa tingin ko, Hindi magandang tingnan na ako 'yung unang magtetext 'di ba? So hihintayin ko na lang siya mag first move? Eh magtatanong lang naman ako eh? Bahala na nga.

Jay's P.O.V.

Nagjogging ang mga demonyita kaya ako at si Cherry ang in charge sa pagluluto ng umagahan. Nagluto lang kami ng Canton kasi alam kong paborito ng Weirdos 'yun. Paresan lang ng pandesal at gatas.

Alam kong haggard ang feslak ko ngayon dahil maaga pa lang ay ako na ang nag-ayos ng mga mattress na ginamit ng mga babaitang 'to. Ano pa bang maasahan ko sa kanila? Tss Ako na lang ata ang natitirang maganda at responsable dito eh.

Inihain na namin ni Cherry ang mga pagkain sa lamesa.

"Weirdos! Kain na!" Tawag ko sa kanila. Ang nakikita ko lang kasi ay si Chiqui na prenteng nakaupo at nakangiti na parang baliw sa Sofa.

Agad namang lumabas ang iba sa kani kanilang kwarto at nagsimula na kaming kumain.

Chiqui's P.O.V.

Ito ang best time para sabihin sa kanila ang swimming thingy.
Masaya silang nag-uusap habang kumakain kaya alam kong goodmood sila. Huminga ako ng malalim at inalis ko ang tingin ko sa pagkaing nasa pinggan ko.

Umehem ako na nakapagpatigil sa kanila sa pag-uusap. They started to stare at me as if I just made a horrible action in front of them so I smiled it away and tell them what I needed them to know.

"Guys, May sasabihin ako sa inyo so I hope na ayos lang kayo sa ideyang 'to" Dahan dahan kong sabi kanila. Ang reaksyon ni Jay ang nakakuha ng atensyon ko kaya napatawa na lang ako 'nang wala sa oras. Nakakunot lang kasi 'yung noo niya at nakanganga pa.

"Tungkol saan ba 'yan?" Tanong ni Geryne na tutok pa rin sa pagkain niya. Sumang-ayon naman si Divine,Charlyn at Junajoy sa pamamagitan ng pagtango. Tinapunan ko ng tingin si Cherry Luz na nakatitig na pala sa akin na nakangiti. Siya ang pinakaclose ko sa lahat kaya alam kong susuportahan niya ako sa sasabihin kong ito.

"Si Matthew, Kaibigan ko na nakatira sa harap natin together with his-" Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay agad ng uminterrupt si Jay. Bastos na bakla.

"KILALA MO?! PAANO?! KAILAN?! PWEDE MO-" Nagsalita na ako bago siya makatapos. Oo, bastos na kung bastos -_- nakakairita na eh.

"Dahan dahan lang. So ito na nga, Si matthew na kaibigan ko na nakatira sa harap natin ay niyayaya tayong magswimming diyaan lang sa pool ng subdivision na 'to. Sabi kasi niya na gusto niyang makilala mga friends ko at syempre kasama niya mga friends niya so mag-inga-" Hulaan niyo? -_- Naginterrupt na naman si Jay.
Bumuntong hininga na lang ako para mas pahabain ang pasensya ko.

"JINJJA?! WAAAAAAH! Payag ako, Chiqui! Payag na payag ako. Kyaaah!" Tili ng baklita.

"'Yun ba 'yung pinagusapan niyo kanina?" Tanong ni Divine na kunot ang noo at wala na atang gana sa pagkain niya.
Tumango ako.

"Yep, so any suggestion, guys?" Tanong ko pa sabay subo ng canton.

"Payag din ako" Pag-sangayon ni Junajoy.

"Ikaw Divine? Cherry? Geryne? Charlyn?" Tanong ko sa apat.

"Payag ako basta walang masamang balak 'yang mga kaibigan niya. Pati na rin siya." Sabi ni Cherry.

"I'll make sure of our safety" sabi ko sabay kindat kay Cherry na umirap lang.

"Payag ako kung payag si Geryne." Sabi ni Divine na sinasawsaw 'yung pandesal niya sa gatas sabay subo. Nilingon ko si Geryne at nakapanglubaba lang ito.

"We barely knew them. In fact-" Sumulpot na naman si Jay.

"'Wag ng maarte. Sige na Geryne!"

Bumuntong hininga si Geryne gaya ng ginawa ko kanina para hindi lang mapikon sa nakakaimbyernang baklang 'to.

"Concern lang ako sa Safety natin. Hindi sa lahat ng oras, kasiyahan lang ang dapat nating pagtuunan ng pansin. Pati na rin dapat ang kaligtasan." Umirap lang si Jay sa sinabi nito.

Palihim kong tiningnan si Charlyn sa Peripheral Vision ko. Nakatungo lamang ito habang pinaglalaruan ang canton nito. Weird para kay Charlyn ang umasta ng ganito. Dapat masaya siya dahil paborito niya ang paglangoy kahit hindi siya marunong lumangoy.

"Cha?" Tawag ko sa kaniya. Lumingon siya sa akin at bakas sa mata niya na hindi siya nakikinig sa mga usapan namin.
Agad niyang inalis ang tingin niya sa akin.

"Oo, sige. Payag ako" Sabi niya sabay ngiti ng alanganin. 'Yung napilitan lang? Bahala nga siya.

"Then it's settled." Sabi ko pero si Jay nagsalita na naman.

"Paano si Geryne at Divine? Mga pabebe kasi eh." napapoker face ako ng wala sa oras. Mortal na magkaaway talaga ang tatlong 'to -_- wawa si Jay kasi walang kumakampi sa kanya hahaha

"Divine?" Tawag ko rito. Lumingon siya sa akin at kay Geryne. Nagkatitigan sila at nangungusap ang mga mata nila. Tumahimik ang bahay ng ilang segundo.

"Sama kami" Sabi ni Divine sabay ngiti at ngumiti na rin si Geryne.

"Then it is FINALLY settled. Tatanungin ko na lang si Matthew kung kailan" Sabi ko.


Vote.Comment.Be a fan.

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now