Chapter 65

20 2 1
                                    

Cherry's P.O.V.

Nanatiling lutang ang isip ko sa kabila ng pagbabangayan ni Jay at Charlyn. Kahit gaano pa kalakas ang mga boses nila ay mas malakas pa rin ang paghuhumayaw ng boses sa loob ko.

Hindi ka niya gusto!

Pilit kong iwinawaksi ang nakakarinding boses pero mahirap lalo na't hindi lang ang utak ko ang ginugulo nito -- maging ang puso ko.

Sandali kong sinuri ang paligid at nang makitang wala na si Geryne ay gumaan ang loob ko. Masaya ako at ligtas sila ni Zeus pero hindi ko kayang makita ito dahil hindi ko maiwasang ikompara ang sarili ko.

Marahas kong iniling ang ulo ko para alisin ang nagsisimula na namang boses.

Tumigil na ang ingay na inililikha nang pagbabangayan ng dalawa nang pumasok na si Charlyn sa kwarto nito at iniwan si Jay na nakanganga.

"Malanding babaita," bulong nito at padabog na umupo sa tabi ko. Binuksan nito telebisyon at dito na lang itinuon ang atensyon.

Mahina ko itong tinawanan. "Busangot ah," komento ko rito.

Naiinis na binalingan ako ng lingon ni Jay. "Makasagutan ko ba naman ang bwisit na babaitang 'yun. Akala mo kung sinong palaging tama." Patuloy nito sa panunumbat.

Napangiti ako sa inasta niya. Parehas kami ng pinagdadaanan ni Jay dahil may iba ding gusto ang napupusuan nito. Hindi ngalang ako tulad niya na namamangga dahil lang sa lalaki.

Mahina akong napatawa sa ideya.

Kahapon, nu'ng magkasumbatan sina Jay at Divine ay hindi agad ako agarang nakapagsalita. Pilit kong ibinabalanse sa isip ko kung ano bang nararamdaman ng dalawa. Hindi ko hinayaang agad akong magpasya kung sino ang kakampihan dahil alam ko sa sarili na mas dama ko ang dinadanas ni Jay sa kasalukuyan.

Eventually, napagtanto ko rin na dalawa sila ang may mali at walang dapat kampihan. Though, napag-uusapan na namin ni Jay ang pagkagusto kay Nate at ang pagkainis niya kay Divine.

I even told him that it wasn't Divine's fault she caught Nate's attention. Masyadong nagpadala sa emosyon si Jay at nakagawa ng mga bagay na ikinasama niya sa pananaw ng babae.

Hindi nga ako makapaniwala na ilang beses din palang binangga at tinarayan ni Jay si Divine dahil lang sa pagkagusto nito kay Nate.

I even reflexively yelled at him yesterday! Astounded and infuriated as I was, I wasn't able to conceal my disappointment. I was so disappointed knowing he was okay hurting his friend just for a mere guy whom he just met. And to spice things up, it even came from his very tongue. I can't even envision myself doing that to Geryne!

Pinatitigan ko ang babaitang nasa tabi ko. "How's your heart?" Bulalas ko na nakapagtanggal ng pagkabusangot nito at napalitan ng malamlam na ekspresyon.

Matagal siyang napatitig sa telebisyon pero batid kong malalim ang iniisip nito. Nagtama ang mga mata namin at binigyan niya lang ako ng mapait na ngiti.

"Don't ask me that," He kidded dismissing my question.

"Taray, english ah?" Asar ko dito kaya hinampas niya ako sa braso na nakanguso. Mas babae pa po siya unasta kaysa sa'kin. Ako na nahihiya.

"Suporta na lang, Che." Usal nito.

"Kamusta nga?" Pangungunsyami ko dito.

"Let me ask you that. Kumusta puso mo?" Taas kilay nitong pagbalik ng tanong sa akin. "Narinig ko... crush ni Geryne si--"

Bago niya pa ito matapos ay agad ko na siyang sinapawan. Sa hindi ko lang gusto marinig pangalan nila.

"Ano namang problema? Kamahal mahal kaya si Rage kaya hindi talaga maiiwasan 'yan. Baka nga ikaw din eh." Pag-iiwas ko sa tanong nito.

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Jul 31, 2021 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

Our last Summer (Weirdos' Squad)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum