Chapter 19

18 4 0
                                    

Geryne's P.O.V.

Splash Splash Splash

Kasalukuyan akong naghihilamos ng mukha ko ngayon dahil napakaoily na nito. Tinitigan ko ng sandali ang repleksyon ko.

"Happy lang" Parang tanga kong sabi sa sarili ko sa salamin na nakangiti. Napatawa na lang ako sa ginawa ko.

"Ger! Bilisan mo diyan!" Sigaw ni Charlyn sa labas kaya agad kong pinatuyo ang mukha ko gamit ang ang tuwalyang nakasabit.
Nakabihis naman ako kaya agad na akong lumabas.

"Tapos na ako, Mag-aayos lang muna ako ng gamit." Sabi ko sabay lagay ng mga gamit na sling bag ko.

"Tara na" Sabi ko sabay labas.

Agad na bumungad sa amin ang mukha nilang lima.

"Oh! Nandyan na sila!" Sabi ni Chiqui na nakatayo na.
Lumabas na siya at sumunod naman kami.

Nasa tapat na kami ng bahay namin at nagtipon kami dito.
Nagulat ako 'nang sumulpot si Divine sa tabi ko.

"Ano kayang ginagawa nila sa loob ngayon?" Komento ni Divine na may nakakalokong tingin habang nakatingin sa tapat ng bahay ng mga lalaking 'YUN.

Sandali akong napatitig sa bahay at sa mukha ni Divine.

"Baka pinapanood tayo mula sa loob" Tumaas ang isa niyang kilay at tumawa.

"Sana nakatingin sakin si Zeus" Sabi niya kaya napatawa ako. Grabe talaga ang pagkagusto niya kay Zeus. 

"So Guys, may kotse tayong sasakyan at kay Tita iyon pero ako ang magdridrive hahaha 'wag kayong mag-alala dahil may Driver license ako." Sabi ni Chiqui at halata sa ngiti niya ang saya.

"Let's Go!" Sigaw pa ni Junajoy.

"Kailangan lang natin maglakad ng kaunti dahil nanduon 'yun oh" Sabi ni Chiqui sabay turo sa kung saan.

"So maglakad na tayo" Sabi ni Cherry at agad naman kaming naglakad.

Makalipas ang ilang minuto at nakarating naman kaagad kami. Isa itong malaking Van. Kakasya lang naman kami.

"Guys, say "Hi" to Matt. Hahahaha" Pagpapakilala ni Chiqui sa sasakyan niya na ikinatawa naming lahat.

"Matt? As in Matthew? Wews hahahaha" Pangaasar ni Cherry.

"Yieee, Si Chiqui. Nagtatago na ng sikreto." Dagdag pa ni Divine. Natatawa na lang ako sa babaeng 'to. Grabe kasi siya makaasar. Sidekick lang niya naman ako. Hehehe.

"Mga baliw, pasok na!" Sabi ni Chiqui at nagsimula na kami pumasok sa Van.

Hmmm, ang bango tapos ang lamig. Hahaha
Nasa Driver seat si Chiqui at katabi niya si Cherry habang nasa second row naman ako, si Divine at si Charlyn. Tapos si Jay at Junajoy naman ang nasa likod.

Nagsimula 'nang umandar ang VAN at napakaingay ni Chiqui at Cherry sa harap. Kung ano ano ang pinaguusapan nila, kabilang na duon ang ex ni Cherry na si John.

Napatigil ang pakikinig ko sa pinaguusapan ni Chiqui at Cherry 'nang mahina akong sikuhin ni Divine. Napatingin ako sa kanya.

"Magsorry tayo kay Jay." Sabi niya. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Alam ko, alam kong kasalanan ko.

Tumango na lang ako kay Divine at ngumiti.

Kapag may ganito kaming outing, napakaingay namin pero ngayon sina Cherry at Chiqui lang, isama niyo na si Junajoy. Hindi namin magawa ni Divine sumama dahil nababagabag pa rin kami sa nangyari. Hindi naman pwedeng magpakasaya habang may namumuong tampuhan diba?

Minsan, nagbibigay ako ng komento sa kung ano ang sinasabi nila. At napansin ko rin na ang tahimik ni Charlyn.  Ano'ng iniisip nito? 

Maya maya ay nakarating na kami dito sa Mall. Ramdam ko ang lamig ng hanging ibinubuga ng aircon. Ang lamig ng dampi nito sa balat ko.

Sinipat ko ng tingin ang Weirdos at para kaming mga Mananakop. Hahaha Ang iingay nila, nag-iingay na rin si Jay eh. Hahaha

Nasa unahan si Chiqui dahil nasa kanya 'yung pera at siya ang pinakamature sa amin.

Tumigil kami sa gitna ng mall kaya nagsitinginan ang ibang tao sa amin. Oo nga naman, bakit sa gitna talaga? Tss

"Guys, Sino gusto mag-arcade!?" Masayang sigaw ni Chiqui. Kung lalaki lang talaga ako, Inlove na ako kay Chiqui kasi napakamasayahin nito pero minsan talaga nastrestress siya sa amin. Haha

"Ako! Ako!" Sigaw ng weirdos maliban sa akin. Nakita ko si Charlyn na nakangiti sa Peripheral view ko kaya nilingon ko ito na agad namang tumitig sa akin at ngumiti.

"Bakit? Ayaw mo magarcade?" Tanong ni Charlyn. Umiling ako.
Gusto ko sana mag-arcade kasama ang Weirdos pero may kailangan pa akong hanapin na libro sa Bookstore.

"Chiq! Si Geryne, Sa bookstore daw siya muna." Sigaw ni Charlyn kaya napatingin sa akin ang weirdos. Damn -_-
Kilalang kilala ako ni Charlyn eh?

"Oh.. Sige, ibibigay ko na lang sayo yung hati mo. One-hundred pesos kada isa sa atin sa Arcade. Pero kung gusto mo sa Bookstore, depende sayo" Tanong ni Chiqui na ikinatango ko lang.

"Sure ka na?" Tanong ulit niya.

Napatawa ako. "Oo, sige mag-enjoy kayo!" Sabi ko.

"Sama ako sa'yo" Sabi ni Divine.

"Ako rin" Sambit din ni Jay na hindi ko inasahan.

"Oh.. Sige magenjoy kayo. Ito 'yung pera niyo oh" Ibinigay ni Chiqui 'yung hati namin at dumiretso na sila sa Arcades habang kami naman tatlo ay dumiretso sa Bookstore.




Vote.Comment.Be a fan.

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now