Chapter 37

15 5 0
                                    

Charlyn's P.O.V.

Parang ilang dekada ang tinagal ko sa paglalakad bago makarating sa pool dahil nagdadalawang-isip rin ako kung magswiswimming pa ba ako suot 'tong swimwear na 'to. Teka! Kailan pa ako naging conscious sa itsura ko?! Darn.

Binilisan ko na ang paglalakad at abot tanaw ko na sila. Agad akong lumusong sa tubig at niyakap ang sarili. Hindi man lang ako napansin nina Xavier at Junajoy na nasa tabi ko lang na nag-uusap. Nag-uusap ba o naglalandian? Tss

Nandito rin si Jay na hindi ko alam kung anong suot. Baka nakabikini ang baklang 'to. And to add up, tinabihan niya si Nate na seryosong nagmumuni-mumuni. Distorbo 'tong si Jay. Mag-isa naman si Froy na ineenjoy ang muntanga niyang pagswiswimming. Grabe pa ngiti ng isang ngiting 'to ha kahit na mag-isa? Parang bata.

Ako naman? Ito, nacoconscious sa suot ko. Ano kayang suot ni Junajoy? 

Tinapik ko si Junajoy kahit na nag-uusap pa sila ni Xavier. Sa tingin ko kasi kung maghihintay lang ako kung kailan sila matatapos baka abutin kami ng eternity.

Napatingin sila sa akin at sinuklian ko lamang iyon ng maganda kong ngiti.

"Can I borrow Junajoy for awhile?" Nakangiti kong tanong kay Xavier habang hawak hawak ang braso ni Junajoy.

Tumango lamang si Xavier bilang pagsang-ayon. Agad naman itong dumistansya mula sa amin at tumungo kay Froy na kanina pa mukhang tanga.

"Anong suot mo?" Tanong ko sa kaniya at kumunot lamang ang noo nito sa tanong ko. Hindi ata makapaniwala sa sinabi ko.

"I'm wearing the bikini you gave me on my Birthday." She answered and I just nod absentmindedly. 'Di man lang ba siya nacoconscious with these guys?

"'Yun lang ba?" Tanong niya at agad kong siyang tiningnan. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kawalan. Nginitian ko siya at tumango.

"Oh sige, puntahan ko lang si Xavier." Pagpapaalam niya at agad na umalis. So mas importante si Xavier kaysa sa akin? Tss.

I should be confident kasi wala naman si Blaze na mang-aasar sa akin at wala akong dapat ikahiya 'no!

Umahon ako sa tubig na yakap pa rin ang sarili ko. Umupo ako sa gilid ng pool at hinayaan ang binti kong anurin ng tubig. Pinapanood ko lang si Xavier at Junajoy na naglalandian, si Froy at Nate na nagpapasikatan kung sino ang mas magaling lumangoy. Tss Sabihin ko na rin bang Nakikisali sa kanila si Jay?

Ayain ko kaya sina Geryne at Divine? Para naman hindi ako lonely. Bahala na nga.

Divine's P.O.V.

Kasulukuyan kaming kumakain ngayon ni Geryne habang si Cherry at Chiqui naman ay nagbihis na dahil hindi na sila makapagpigil na lumangoy. Ganu'n rin si Matthew maliban kay Rage at Zeus na kumakain din.

Tahimik kaming apat. Ang tangi naming naririnig ay ang pagtama ng kubyertos sa platong ginagamit. Awkward.

Siniko ko si Geryne nang mahina kaya agad naman niya akong tiningnan ng masama. Nagpeace sign lang ako.

"Tapos ka ng kumain? Magbihis na rin tayo. Nandu'n na sila oh! Nakakainggit." Sabi ko kay Geryne na seryoso lang na nakatingin sa pool. Marahan siyang lumingon sa akin at nakita ko na naman ang seryoso niyang mukha.

"Hmmm" Tangi niyang nasabi at ibinalik uli ang atensyon sa pagkain niya. Ayan na naman siya. -_- 'yung tipong tinatanong mo siya, nakita ka niya pero mas pinili niyang iignore ka.

"Huy" Sabi ko kay Geryne.

"Ikaw na lang." Sabi niya sabay umehem kaya napatingin sa kaniya si Zeus at Rage.

"Zeus at Rage. Kung gusto niyong magswimming, gora lang kayo. Ako na ang magbabantay dito." Sabi niya sabay ngiti kahit alam kong peke 'yun.

Siniko ko ulit siya kaya napatingin siya sa akin.

"Ba't ayaw mo saka gusto mo talagang mapag-isa dito ha? Gusto mo atang solohin 'tong mga pagkain." Usal ko at napatawa naman si Geryne.

"Gagi, hindi. Nahihiya lang akong magswimming kasi ang sikip masyado ng Rushguard ko." Sabi  niya at ako naman ang napatawa ng sobra. Damn. Kaya naman para siyang problemado. 

Tinitigan niya ako ng masama kasi pinagtitinginan na kami ng dalawang lalaking kasama namin ngayon.

"Okay lang 'yan! Si Jay nga eh. Ang kapal ng mukha." Sabi ko at sabay naman kaming napatawa.

"Saka nasa ilalim naman ng tubig. Hindi naman makikita 'yang Voluptuous mong figure. Hahahaha" Dugtong ko pa na nakakuha ng isang malakas na hampas kay Geryne. Ang sakit nu'n mga bes. -_-

"Sige, pahiyain mo pa ako. Sasabihin ko talaga kay Zeus na--" Hindi ko siya pinatapos dahil baka kung ano pa ang masabi nito.

"Oo, okay na. Sige na. Magbibihis na ba tayo? Sinong magbabantay dito?" Tanong ko at ngumiti lang si Geryne.


PulchraVita

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now