Chapter 44

14 2 0
                                    

Junajoy's P.O.V.

Katatapos lang naming kumain at kasalukuyan akong narito sa pool kasama ang mga kaibigan kong hindi magkandaugaga sa paglangoy.

Kasama ko si Cherry, Chiqui at Charlyn. Habang si Jay ay naroon kay Nate nangungulit.

"Cha, Hahaha Anong meron sa itsura mo? Para kang namatayan. Parang kanina lang, kami lang ni Chiqui ang namatayan. Haha" Masayang sabi ni Cherry kay Charlyn na nakapangalumbaba. Isa lang ang masasabi ko kay Cherry. Siya 'yung tipo ng tao na laging nakangiti. Hindi siya gaya ni Charlyn na transparent ang emosyon at 'di rin siya gaya ni Divine na maboka. Hindi mo malalaman kung kailan siya galit o nasasaktan kaya kailangan mong pag-isipang mabuti ang mga sasabihin mo sa kaniya dahil hindi mo malalaman kung ano ang epekto nito sa kaniya.

"Oo nga, Charlyn. Nababawasan 'yung ganda mo kung ganiyan ka. Sa'n na ba 'yung si Blaz--" Hindi naituloy ni Chiqui ang sasabihin niya nang iharap sa kaniya ni Charlyn ang palad nito upang patigilin ito sa pagsasalita.

"Don't ever mention that arrogant's name. Ang sakit sa tenga." Usal ni Charlyn na ibinaba na ang palad at nakabusangot.

Napatawa kami nang dahil dito.

"Nag-away ba kayo kanina nang dahil sa pagiging topless niya? Hahaha" Utas ko na nakakuha ng masamang tingin kay Charlyn.

"Shut up, Junajoy. Just go to your lover boy." Nawala ang mga ngiti sa labi ko sa inusal ni Charlyn. Kasalukuyang nakatitig sa akin ngayon sina Cherry at Chiqui na may nakakalokong ngiti.

Agad na nagpeace sign si Charlyn. I hate you, Charlyn.

"Sino 'yang lover boy na 'yan Junajoy?" Nakangising tanong ni Chiqui.

"Nagtatago ka na ng sikreto ha?" Dugtong pa ni Cherry.

Lagot na.

"Naniniwala naman kayo kay Charlyn? Siya 'yung pinag-uusapan dito. Sa'n na nga kasi si Blaze mo?" Pag-iiba ko ng usapan pero hindi pa rin naalis ang titig ng dalawa sa akin kaya napangisi si Charlyn. Dang.

"Junajoy?" Pagbabanta ni Chiqui.

Ngumiti lang ako.

"Ano? Hehe" Kailangan kong umalis dito.

"Alis lang ak--" Bigla akong nagulat nang may tumawag sa akin at paglingon ko ay si Xavier pala.

Nahahalata na kaya nila? Can't be.

Nakangiti sa akin si Xavier at agad akong lumapit rito para makaalis sa mga mapanuring mata ng mga kaibigan ko.

Paktay talaga ako nito.

Mas lalong lumaki ang ngiti sa gwapong mukha ni Xavier nang makalapit ako dito. Kikiligin sana ako sa ganitong sitwasyon kung hindi lang ako nagwoworry sa iniisip ng mga kaibigan ko.

"Hi." Bati ko rito na nakangiti.

"Are you alright? Seems you saw a ghost. Hahaha" Pang-aasar nito na ikinanguso ko lang.

"I'm alright." Sabi ko at muling pinatitigan ang mga kaibigan kong nasa amin ni Xavier na ang titig. Agad kong inalis ang tingin ko.

Grabe si Chiqui. Siya talaga 'yung curious eh.

Ganito kasi 'yun. Nanliligaw na si Xavier. Dang, kinikilig ako. Hehe
Si Charlyn pa lang ang nasabihan ko kaya natatakot ako baka malaman nina Chiqui at Cherry.
I'm still not ready to tell them.

Xavier and I can spend time together just by talking to each other. Kanina pa nga kami nag-uusap. Nalaman ko lang naman na marunong din pala siyang kumanta at lahat ng kaibigan niya ay sumasayaw. 

"Are you free tomorrow?" Biglang tanong ni Xavier sa gilid ko. Nilingon ko siya at agad ko na namang nakita ang basa nitong buhok.

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. It takes a lot of effort to refrain the urge to touch his soft hair. Urgh.

"Yes, why?" Tanong ko habang nakatitig sa kawalan.

Napaigtad ako nang hinarap niya ako at hinawakan ang baba ko upang matitigan ang kulay asul nitong mga mata.

"Hey, look at my eyes." Natatawa niyang sabi kaya inalis ko ang kamay nitong nakahawak sa chin ko.

"Xavier.." Pagbabanta ko rito na mas lalo lang niyang ikinatawa.

"I like it when you can't stare at my eyes. Haha" Uminit ang pisngi ko kaya napatungo ako.

"Let's go to park." Sabi nito kaya napatingin ako sa kaniya.

"Really? Then I'm up to it." Masaya kong sabi. I love parks.

"I'll fix you tomorrow by 7:00 pm? Mas maganda 'pag gabi. You can clearly see the beauty of the park."

Tumango ako sa sinabi niya.

"Okay. Tomorrow." Nakangiti kong sabi sa kaniya na nakatitig sa akin.

May sasabihin pa sana ako nang tawagin siya ni Froy na tumatawa. Nagpaalam na siya at umalis. Babalik na sana ako sa pwesto nina Chiqui nang maalala kong baka pasabugan nila ako ng mga tanong na hindi pa ako handang sagutin. E 'di hindi ko na lang sasagutin 'di ba?

Naglakad ako patungo sa pwesto nila at nakapameywang lang si Chiqui habang si Cherry ay parang matatawa na. Si Charlyn naman ay na nakangisi lang. Siya ang may pakana nito.

"Mind telling us?" Bungad sa akin ni Chiqui na ikinabagsak ng aking mga balikat.

"Mind telling you what?" Maang-maangan kong sabi.

"Mind telling us what's inside that head of yours, Junajoy." Napatawa si Charlyn kaya nilingon namin siya na agad namang nagpatigil sa kaniya.

"What?" Tanong ni Charlyn sa amin.

"May pa what what ka pa ah. Ayusin mo muna 'yung problema niyo ni Blaz--" Napatigil si Cherry sa pagsasalita.

"Darn! I don't wanna hear his name. And I don't have a problem! It's him! He is the problem himself." Singhal nito na nagpastatwa sa aming tatlo.
Humahangos si Charlyn ng sabihin niya ito.

Natauhan siya nang makita ang itsura naming tatlo.

"I don't care about him." She said and avert her sight.

"Is that true?" Dugtong pa ni Cherry na nakangisi kaya siniko siya ni Chiqui.

Hinarap kami ni Charlyn na kasalukuyang seryoso na.

"Hindi ko na alam. It's driving me crazy." Sagot nito na nagpalaki sa mga mata namin. Agad siyang umahon at umalis.

Sandali kaming napatingin sa isa't isa at agad na tumili.

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaah!" Napatigil lang kami sa pagtili nang sumigaw si Jay kasama ang ilang boys.

"Ang iingay niyong mga bruha!" Sigaw nito na ikinatawa ng mga kasama niyang boys including Xavier.

Hindi namin iyon pinansin.

"Nag-aalala si Lola. Haha" Sabi ni Chiqui at natawa kaming tatlo.

Nagdedeny pa si Charlyn eh alam naman naming nag-aalala siya kay Blaze. Sus.

PulchraVita

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now