Chapter 51

40 1 0
                                    

Geryne's P.O.V.

"Sandali na lang!" Sigaw ni Divine mula sa kwarto niya.

Narito ako ngayon sa sala at papetiks-petiks lang sa sofa hinihintay si Divine na makatapos sa mga routine niya.
6:50 pa lang naman at may 10 minutes pa kami before sa 7:00 SHARP na sinabi ni Zeus.

I'm just wearing a casual leggings at pang-itaas na pang-exercise. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maisip kung bakit nang-suggest si Zeus nang pwede kami sa gym nila, hindi naman siya usually ganu'n. Baka ganu'n talaga siya. Hindi ko naman siya talaga kilala kaya I still don't know kung ano talaga ang personality niya.

I shrugged off the thoughts when Divine suddenly emerge in the corner of my sight. Her kinky hair falling freely in her shoulder really caught my attention.

Minsan niya lang hayaang nakalugay ang buhok niya dahil sa kulot ito.

She beamed when she caught me gawking at her appearance.

"Gulat ka 'no? Hahaha 'kala mo si Liza Soberano? Hahaha Hindi! Asawa ito ni.. ano.." She trailed off and I bursted out laughing.

"Sige, nino? Asawa nino?" Utas ko na tawang-tawa pa rin.

"Basta! Marami akong asawa." Sabi niya habang hinahagod ang buhok niya.

"Sura ka na bang ilulugay mo yang buhok mo?" Tanong ko rito.

Kinuha ko ang bag ko na nakapatong sa sofa na naglalaman ng mga maaaring kailangan mamaya.

Nagkibit-balikat siya habang suot suot ang ngiti niyang abot-langit.

"Okay, Let's go." Sabi ko at nagsimula nang lumabas sa bahay.

Kami pa lamang ang gising. Tulog na tulog pa ang mga diwa ng ibang Weirdos. Magugulat na lang sila wala na kami sa bahay. Itetext na lang namin sila kung saan na kami para hindi na sila mag-alala.

Tanaw ko na si Zeus sa loob ng sasakyan niya habang pinagmamasdan kami. May kasama siya sa loob pero hindi ko na masyadong makita.

Sinarado ko na 'yung gate at agad namang sumunod sa akin si Divine.

Lumapit ang sasakyan nila sa amin at nagulat kami ng magbukas ng bintana si Zeus.

"Hop in." He said at agad naman kaming pumasok.

Nang makapasok ako ay agad kong tinapunan ng tingin si Divine na nagmamadaling itali 'yung buhok niya. She's struggling with her hair.

Mahina akong tumatawa habang pinapanood si Divine sa ginagawa niya.

Tumingin siya sa akin ng makagawa ako ng tunog ngunit agad 'yung nalipat. Lumingon ako kung saan siya tumitig at kay Nate lang naman na nakangiti sa amin.

"Planning to get fit, ladies?" Nakangiti nitong tanong. Pinasadahan ko muna ng tingin si Zeus ng tingin na nakapokus lang sa pagmamaneho bago sumagot dito. Hindi naman makakasagot si Divine kasi abala siya sa buhok niya.

"Yes, Para healthy." Maiksi kong sagot nang nakangiti pero agad itong dinugtungan ni Divine.

"Para healthy kono, Magmukhang maganda siguro sa harap ni ano." Sabi ni Divine na tapos nang magtali ng buhok at nakakaloko nang nakangiti sa akin.

Pinanatili ko ang sarili na nakangiti para hindi mahalata ni Nate na may epekto sa akin ang sinabi ni Divine.

Nilingon ko si Nate at magkasalubong na ang makapal nitong mga kilay.

"Don't mind her." I said at palihim na sinamaan ng tingin si Divine.

I slightly leaned my head on hers to say something.

Our last Summer (Weirdos' Squad)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin