Chapter 64

20 2 0
                                    

Cherry's P.O.V.

"Kanina ko pa tinatawagan si Geryne, only to find out na nasa kwarto lang pala ang cellphone niya." Anunsyo ni Charlyn na nagkibit-balikat pa habang hawak hawak ang cellphone nito.

Kababalik lang nito dito sa labas ng bahay kung saan kami nagtipon tipon matapos mapagalamang nawawala si Geryne at Zeus.

Kasalukuyang nandito sina Charlyn, Chiqui, Jay, Rage at Matthew na gising na at nag-aalala din sa nawawala naming mga kaibigan.

Obviously, nasa labas kami ngayon dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang dalawa. Ayon kay Charlyn, Normal lang naman daw na lumalabas ng  maaga si Geryne pero hindi inaabot nang ganito katagal. At dahil sa pagkataranta, tinawagan ni Chiqui si Matthew na tulungan kaming mahanap ang babae pero napagtantuan din nilang wala rin si Zeus sa bahay nila.

Wala akong ideya kung magkasama ba sila o nagkataon lang na sabay silang nawawala. Ang mahalaga ngayon ay mahanap namin sila at masiguradong nasa ligtas silang kalagayan.

Nagpakawala ng buntong hininga si Chiqui matapos marinig ang anunsyo ni Charlyn. Tumungo naman si Matthew sa pwesto ni Chiqui at hinagod ang likod nito para mapakalma ang babae.

Iginala ko ang mata ko at sa hindi inaasahan ay nahagip nito ang tensyonadong si Rage.

"How about Zeus, Rage?" Tukoy ni Matthew kay Rage na kanina pang tinatawagan ang lalaki. Umiling ito pero halatang nasa ibang dimension ang isip nito.

"He's not answering my calls," he stated and shifted his weight.

Bahagyang tumagilid si Blaze mula sa amin at hinawi ang buhok niya. Hindi na rin matago ang pag-aalala nito."What now?" Tanong niya.

"Police," sagot ni Matthew at sasakay na sana sa sasakyan nang huminto ito. "Walang sinabi sa'yo si Zeus?" Makahulugang titig ang ibinigay ni Matthew kay Rage. Isang misteryosong titig din ang iginanti ni Rage dito bago umiling.

Napatungo si Matthew at agad din kaming hinarap. "Magrereport kami sa pulis."

"Sasama ako," Pagboluntaryo ko. Binalingan ako ni Chiqui at magkadikit na ang dalawang kilay nito. "Hintayin niyo sila dito." Sambit ko at pinatitigan din si Jay.

"I'm with you, Che." Bulalas ng nasa tabi kong si Charlyn. I gave her a quick nod and we settled inside Matthew's car not wasting any minute.

Tahimik ang biyahe namin patungo sa pinakamalapit na police station. No one dared to talk.

Kasalukuyang nasa tabi ko si Rage na talagang tensyonado at hindi matigil ang paggalaw ng binti. Maya't maya ang pagbuntong hininga niya at pagsuri sa paligid.

"Ayos ka lang, Rage? Kanina ka pa hindi mapakali," usal ko. Agad namang tumigil ang paggalaw ng binti niya at gulat akong nilingon.

"Ha? Oo naman. Nag-aalala lang ako sa dalawa." Sagot nito at bumuntong hininga.

Pinilit ko na lang ang sarili na hindi na magtanong. Matagal ko na ring alam na may lihim itong pagtingin kay Geryne pero wala naman akong magagawa. Medyo masakit pero kailangang tanggapin. 

Nahuli kong nakatingin sa akin si Matthew sa salamin kaya medyo nagulat ako pero agad ko ding naayos ang postura ko. Ngumiti ito sa akin at sinuklian ko din iyon.

Nang makarating kami sa istasyon ay wala kaming sinayang na oras at agad na bumaba. Hinayaan na lang namin si Matthew at Rage na makipagusap sa pulis samantalang kaming tatlo ay nagpaiwan na lamang.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na si Matthew. "Hindi pa daw sila dapat umaksyon dahil hindi pa naman umabot ng 24 hours ang pagkawala." Pahayag ni Matthew.

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now