Chapter 29

14 4 1
                                    

Chiqui's P.O.V.

Ngumiti sa akin si Matthew kaya ngumiti rin ako at agad na iniwas ang aking tingin.

"'Di niyo ba kami papapasukin?" Tanong ni Froy habang hawak hawak ang isang galon ng Ice cream.

"Pasok kayo" Sabi ni Cherry at agad naman silang pumasok.

"Ang gaganda ng boses niyo" Komento ni Rage habang nakapamulsa.

"Well, dumadaloy na sa dugo namin 'yan." Sagot ni Jay kaya napayuko ako dahil sa kahihiyan. Tumawa lang Weirdos pati na rin ang mga kaibigan ni Matthew.

"May binili kaming ice cream. Ito oh!" Sabi ni Froy at ipinatong niya sa mesa 'yung Galon ng Ice cream at umupo sa damuhan na malapit lang kay Divine.

Ipinatong din ni Zeus at Blaze, 'yun 'yung pangalan niya sa pagkakaalam ko, ang ice cream sa mesa.

"Ba't pa kayo nagdala ng upuan dito sa labas? Pwede lang namang umupo dito sa damuhan ah." Komento ni Froy habang sinisipat ang damo sa gilid niya.

"Eh sa gusto namin. Pake mo ba?" Pagtataray ni Divine na ikinatawa lang ni Froy. Ba't ba ang init init ng dugo ni Divine kay Froy? Dahil ba sa pagkikita nila sa Grocery store na sinabi ni Froy 'nung nasa Jollicat kami? 

"Ang sungit mo talaga sa'kin. Pwede bang ulitin na lang natin 'yung pagkikita natin? Pwe--" Hindi naituloy ni Froy ang sasabihin niya 'nang magsalita si Divine.

"Kausapin mo sarili mo." Sabi ni Divine sabay talikod dito.

"Jay, kumuha ka nga ng Baso at kutsara na kakasya sa ating lahat. Kakain tayo ng Ice cream." Pag-utos ni Cherry kay Jay na kanina pa nakikipag-usap more like nakikipag-landian kay Nate. May tattoo ito sa braso niya.

Agad siyang umalis sa tabi ni Nate at dumiretso sa harap ni Cherry na nakapameywang.

"Ako lang?" Tanong niya.

"Sasamahan ka nila Divine at Ge-" Sumingit si Matthew.

"Ako na lang at si Chiqui ang sasama sa'yo." Pagvolunteer ni Matthew. Bakit nasama ako? Paano ako kikilos sa harap niya?! Okay kalma.

Tumango ako kay Jay. "Tara na" Aya ko at sumunod naman silang dalawa papasok sa bahay. Ito ang talent ko. Kaya kong kumilos ng normal kahit kabang kaba na ako.

Cherry's P.O.V.

"I think tama si Froy. Sa damo na lang tayo umupo kasi hindi naman sapat 'yung upuan natin para sa lahat." Suhestiyon ni Charlyn. Nanggaling sa babaeng hindi sensitive sa damo -_-

Tumango si Junajoy. "Oo nga" sabi nito.

"Edi Ipasok niyo 'tong upuan." Sabi ni Divine at mahinang tumawa si Froy sa inasta ng babaeng 'to. Sana magpakamature naman sila kahit ngayon lang. 

"Ipasok na natin." Sabi ni Geryne at dadalhin niya na sana ang upuan ng agawin ito sa kaniya ni Rage. Ang gentleman talaga ni Rage. Hehe
Ngumiti si Rage kay Geryne pero umiwas na ito ng tingin.

"Kami na lang. Boys, ipasok niyo 'yung mga upuan." Utos ni Rage kina Froy, Zeus, Xavier, 'yung lalaking may tattoo sa braso at 'yung lalaking kanina pa nakasmirk at nakikipaglaban ng titigan kay Charlyn. Ano na namang meron sa dalawang 'to? Meron bang Version 2 ni Froy at Divine? Please, 'wag na sana. Sawa na ako sa mga awayan nila. Away bata.

Inalis na nila 'yung mga upuan it ipinasok sa bahay. 'Di naman sila siguro magnanakaw 'di ba? At kung totoo nga, nasa harap lang naman 'yung bahay na nirerentahan nila eh.

Nakaupo na kami ngayon sa damuhan. Kaya ayokong umupo rito kasi nakashort ako pero 'di ko alam kung bakit pumayag si Junajoy eh parehas lang naman kami maliban kay Geryne na nakajogging pants at nakapedal na sina Divine at Charlyn.

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now