Chapter 27

17 4 1
                                    

Chiqui's P.O.V.

Ginising ako ng sinag ng araw na naaninagan ko sa likod ng aking mga talukap. Masyadong masilaw kaya masakit sa mata. Bumangon ako upang tanggalin sa pagkakatali ang kurtina para masalag ang nakapasinag na sikat ng araw. 

Lumabas ako at nakapagluto na si Cherry ng sopas. Nakatalikod siya sa akin habang ako nililibot ko ang tingin ko sa sala. Hindi pa gising ang iba kaya tutulungan ko na lang muna si Cherry sa paghanda ng almusal namin.

"Good Morning, Che" Masaya kong pagbati kay Cherry na ikinagulat niya. Nakatingin siya sa akin ngayon habang naka-furrow ang mga kilay niya.

"Ginulat mo 'ko, Chiq. Good morning rin. Tulungan mo 'ko rito" Sabi niya sabay bigay sa akin ng mga seasonings ng Canton. Maganda bang ipagsabay ang Sopas at canton? Wala akong ideya.

Tulad nga ng sinabi ni Cherry, binuksan ko na 'yung mga seasonings at inilagay sa isang plato. Maya maya rin ay naluto na ang noodles at inilagay niya na ito sa pinggang mayroong seasonings. Hinalo ko 'yun ng mabuti.

"Gisingin mo na nga sila, Che. Maglilinis pa tayo." Pakiusap ko sa kanya at agad naman siyang sumunod. Inilabas ko na ang pitong pinggan, pitong baso at pitong kubyertos.

Hindi na kailangan ng kanina dahil carbohydrates na lahat ng pagkaing nakahain.

Nakaupo na ako at iniintay na lang silang gumising para sabay sabay na kaming makapag-almusal.

Unang lumabas ay si Junajoy,Divine,Geryne at Charlyn. Kasunod lang nila si Cherry na hila hila si Jay na mukhang inaantok pa ata.

"Anyare sa'yo Jay?" Tanong ko dito pero hindi ako sinagot nito at padabog na umupo sa harap ng mesa.

Umupo na rin ang ibang Weirdos at nagdasal muna kami bago mag-almusal.

Tahimik lang kami habang kumakain which is nakakapanibago. Dalawa lang ang rason kung bakit sila ganito. Una, inaantok pa sila. Pangalawa, wala silang gana sa araw na 'to dahil alam nilang mag-lilinis kami. Mga batugan nga naman oh.

Nilunok ko muna ang canton na nginuya ko bago ako nagsalita.

"Weirdos, I'm sure na alam niyo na kung ano ang nararapat nating gawin sa araw na ito 'di ba?" Tanong ko sa kanila habang nakangisi. Nakabusangot kasi silang lahat eh maliban kay Cherry at siyempre sa akin. Nakakatawa 'yung mga reaksyon nila.

Si Geryne, bumuntong hininga lang. Mas napabusangot naman si Junajoy at Charlyn sa sinabi ko habang si Divine naman ay nakapalungbaba. 'Wag niyo ng tanungin 'yung kay Jay. Nakapatong lang naman 'yung ulo niya sa mesa. Dito pa niya naisip na ipagpatuloy ang pagtulog niya ha?

Marahan kong hinampas ang mesa na ikinatigil ng Weirdos sa pagkain at pagkaigtad ni Jay. Agad niya akong tinapunan ng tingin at sinuklian ko lang iyon ng matamis na ngiti.

"Kain na" Tipid kong sabi at sumubo ng sopas. Tamad na kinuha ni Jay 'yung kutsara at sumubo ng sopas. Napangiti na lang ako.

"Alas-siyete pa lang ngayon at maglilinis tayo kapag 7:30 na. Make sure na malinis ang bahay dahil 'pag 10 na, puwede na kayong maligo at gawin ang gusto niyong gawin." Mahabang paalala ni Cherry.

Tanging tango lang ang naisagot ng Weirdos. 

"Can we just take a bath before we cleanse this house?" Tanong ni Charlyn habang nakapout. 

Umiling ako bilang sagot. "Maliligo kayo bago maglinis? Madudumihan kayo uli pagkatapos maglinis kaya maliligo na lang kayo pagkatapos maglinis." May diin kong sabi sa kanila na may ngiti pa rin sa bibig ko.

Tapos na kaming kumain kaya ito kami ngayon, hindi magkandaugaga sa paglilinis ng bahay. Natatawa na lang ako sa reaksyon ni Charlyn. 'Pag may nakikita siyang gagamba o ipis, napapatalon siya na para wala ng bukas.

"Aaaaaaaaaaahhhhhhhhh!" Tili ni Charlyn matapos lumipad sa kaniya ang isang ipis. Pinagtawanan siya ng Weirdos dahil sa inasta niya.

"Arte mo Cha!" Pang-aasar ni Jay na nagwawalis at iritang-irita na.

Marahas siyang nilingon ni Charlyn, nakalimutan na niya ang ipis na lumipad sa kaniya.

Tinutok niya kay Jay 'yung featherduster na hawak niya habang may Fierce na look.

"What did you say? How dare you to.. to.. insult me!" Sigaw niya kay Jay na tinaasan lang siya ng kilay at humawak sa beywang niya pero wala siya nu'n.

"I did not insult you. I just stated the fact." Mataray na sagot ni Jay. Ang lakas ng loob niyo para magtaray eh 'no?

Sasagot na sana si Charlyn 'nang sumingit ako sa away-bata nila.

"Magpatuloy kayo sa paglilinis. Lilibangin niyo pa 'ko ah." Sabi ko at nagsibalik naman silang dalawa at ganu'n rin sina Geryne, Divine, Junajoy at Cherry na natatawang nanonood ng away ng dalawa.



PulchraVita

VOTE.COMMENT.BE A FAN.

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now