Chapter 45

20 2 0
                                    

Divine's P.O.V.

Bring The Soul on August 3. Grab your tickets now!

Ito ang nakita ko sa Newsfeed ko. Agad akong natuwa sa nabalitaan ko dahil may movie na naman ang mga asawa ko.

Ipapaalam ko lang kay Geryne. Baka 'di pa niya alam.

"Ger, May movie daw 'yung BTS. Bring the Soul ang title. Nood tayo?" Tanong ko kay Geryne na seryoso lang sa cellphone niya.

Binalingan niya ako ng tingin.

"Nabasa ko nga dito sa Newsfeed ko. Medyo malapit naman. Sige, manood tayo." Sagot nito at agad na ibinalik na ang atensyon sa cellphone nito.

Napansin ng mata ko si Zeus na seryosong nagstrustrum ng gitara niya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at umupo malapit kay Zeus. Wala akong makausap eh. Busy si Geryne sa cellphone niya.

Hindi ako binalingan ni Zeus ng tingin at patuloy sa pagstrum ng hindi ko alam na kanta.

Pansin ko hindi na siya masyado mailap hindi gaya ng una naming pagkikita na halos hangin na lang ako dahil sa hindi niga pagpansin sa akin.

Lumunok ako at kumuha ng lakas para makapagsalita.

"Zeus, Alam mo 'yung kantang Terrified by Katharine Mcphee?" Tanong ko dito at agad siyang napatigil.

"Yeah" Maiksi niyang sagot.

"Patugtugin mo nga." Sabi ko at agad naman niyang sinuri ang gitara niya at nagtry. Nang maayos na ay nagsimula na siyang tumugtog.

Nilingon ko si Geryne at seryoso pa rin siya. Siya na lang papakantahin ko. May mataas na part dito eh. Baka mapahiya ako kay Zeus. Hehe

"Ger, 'Di ba alam mo 'yung kantang Terrified? Kantahin mo nga."

Kasalukuyan na siyang nakatitig sa akin na walang gana. Ngumiti lang ako. Nadistorbo ko ata ang isang 'to.

"Si Zeus lang ang maggigitara." Dagdag ko pa at tumango naman siya at itinago ang kaniyang phone sa bulsa niya.

Lumapit sa akin si Geryne at bumulong.

"Ba't ako?!" Mahina niyang pagrereklamo kaya napatawa ako.

"Sige na. Ikaw kunwari ang singer ng Music Video namin. Haha" Utas ko at seryoso lang siyang nakatitig sa akin.

Nilingon ko ulit si Zeus na kasalukuyan na palang nakatingin sa aming dalawa.

"Pakiulit, Zeus." Sabi ko at nginitian si Geryne na nakapoker face.

Agad namang nagstrum si Zachary, second name 'yun ni Zeus. In case na hindi niyo alam.

Naghum naman si Geryne na nakapikit. Seryoso ang isang 'to sa tuwing musika ang pag-uusapan. Kumakanta siya hindi lamang gamit ang bibig pati na rin ang puso niya.

Binalingan ko naman ng tingin si Zeus na nakatitig lang sa gitara niya.

You by the light is the greatest find
In a world full of wrong you're the thing that's right
Finally made it through the lonely through the other side

Binigkas ni Geryne ang mga liriko ng buong puso kasabay ang malumanay na himig ng gitara.
Kinakanta niya ito na nakatitig sa kawalan. Wala kasi si Rage eh kaya ayan tulala ang isa.
Para kay Rage 'to sabi ni Geryne eh. Haha

Nilingon ko naman si Zeus na nakatitig pa rin sa gitara. Tingin tingin naman sa akin 'pag may time?! Nahihiya ata si Zachary sa akin. Pero seryosong usapan, napakaideal man ng isang 'to.

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now