Chapter 38

14 4 1
                                    

Geryne's P.O.V.

Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon kong pumayag sa gusto ni Divine. Kasulukuyan kong hinahanap ang susuotin ko sa bag ko at sa hindi inaasahan ay nakita ko ang leather jacket ni Zeus.

Kailangan ko na palang isauli ito. Nasa banyo na si Divine, nauna na siya sa akin kaya ako na lang ang nandito at 'yung dalawang lalaking abala sa pag-uusap. Paano ako nito sisingit sa seryoso nilang usapan?

Hawak hawak ko ang jacket ni Zeus. Dama ko ang silk na mayroon ito sa pamamagitan ng aking mga palad. Humakbang ako at huminto. Paano hindi magmukhang tanga?

Okay, gawin mo lang ang dapat mong gawin.

"Excuse me, hehe. Zeus, isasauli ko na pala 'tong Jacket mo. Salamat sa'yo at sa'yo na rin pala Rage." Usal ko at nakatitig silang dalawa sa akin. Hindi ako komportable sa ilalim ng mga titig ng dalawang 'to. Ayoko lang talaga nang tinititigan ng matagal. Inilahad ko ang jacket at kinuha naman iyon ni Zeus nang hindi ako tinititigan.

Ano ba talagang problema ng isang 'to? Kahit eye contact ayaw?

Aalis na sana ako nang banggitin ni Rage ang pangalan ko este ang palayaw ko. Marahan akong lumingon sa kaniya na kasulukuyang nakangiti samantalang si Zeus ay nakatutok na sa phone nito.

"Ger!" Tawag niya sa akin at tumakbo papalapit sa akin. Hawak hawak ko na 'yung swimwear ko at didiretso na sana ako ng banyo.

"Bakit?" Tangi kong natanong kay Rage.

"You're going to pool? I'm also plannin' to go there. Wait me here, I'll just get my swimwear. Sasabihan ko na rin si Zeus na bantayan 'yung mga pagkain at gamit. " Sabi niya. Pero paano naman si Zeus? Hindi naman masaya kung isa lang siyang magswiswimming mamaya samantalang kami nagpapakasaya. Masyado kasing busy ang isang 'yun.

"Paano si Zeus?" Tanong ko kay Rage.

"Don't worry about him. Ganiyan lang talaga siya." Sagot niya at agad na umalis.

I really want to know more about that Cryptic guy whose name is Zeus Zachary. -_- Madaldal nga minsan ang isang 'yun.

Agad naman dumating si Rage pagkalipas ng ilang minuto.

"Anong sinabi niya?" Tanong ko rito. Kumunot ang noo nito pero agad naman iyong nawala nang maunawaan niya ang sinabi ko.

"Zeus? Well, He said he's just okay with it. Let's go." Sabi niya at tumango lang ako.

Nasa Banyo na kami at nilingon ko si Rage na nanatili sa tabi ko at nakangiti pa.

"Akala ko magbibihis ka? Girls dito oh!" Sabi ko at tinuro 'yung signage na nagsasabing "girls".

"Don't worry about me. I'll just stay here. Some bastard might do something bad to you so.. just get inside." Sabi niya pero nakatulala pa rin ako sa kaniya. He rumpled my hair while chuckling. He sounds so angelic. "I'll be staying here to hit those bastards."

Tumango lang ako dahil naubusan na ata ako ng salita na maiuusal. Naglakad na ako papasok at isinara ang pinto.

How to calm?

Charlyn's P.O.V.

Nandito na rin si Chiqui at Cherry sa hindi ko alam na dahilan. Kadalasan kasi sila 'yung nagpapaiwan sa tuwing may ganitong pagtitipon.

Kasulukuyan akong nakatanaw sa kawalan. Hindi ko lang talaga feel makipag-usap. Abala si Jay, ganun din si Junajoy, isama niyo na rin si Chiqui at Cherry. Si Geryne at Divine? Wala na akong alam sa mga 'yun.

Maya maya ay rinig ko ang malakas na hiyawan ng mga kasama ko kaya napalingon ako sa kanila na kasalukuyang nakatitig sa akin at 'yung iba naman ay sa--

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now