Chapter 43

9 1 0
                                    

Geryne's P.O.V.

Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong pagdradrama sa tabi ng nakaearphone na si Zeus. Baka kung anong isipin ng isang 'to. Ang ipinapakita ko pa namang side sa kaniya ay 'yung serious side ko.

Akala ng iba na seryoso ako sa buhay pero ganu'n na nga, ngunit may childish side din ako na tanging sa Weirdos ko lang nailalabas.

Ano na lang ang iisipin ni Zeus sa ginawa ko?

Sumubo ako ng Leche flan at tumitig sa pool. Hindi ko alam kung nakatingin pa rin ba sa akin si Zeus o ano pero kakain na lang ako. Iisipin ko na lang na hindi 'yun nangyari at walang nangyaring ganu'n.

Maya maya ay dumating na sina Matthew na hindi maipinta ang itsura at Blaze na nakangisi.

"Geryne, Hindi pa rin ba sila tapos magswimming?" Tanong ni Matthew na kumuha na ng plato ar nagsandok ng pagkain. Ganu'n rin si Blaze.

Umiling ako at agad na nilunok ang leche flan para makasagot.

"Mamaya. Malapit na silang umahon." Sagot ko at sinulyapan si Zeus sa Peripheral view ko na kumakain na rin.

"Auh sige." Utas ni Matthew.

"What about, Charlyn? Is she still there?" Tanong ni Blaze.

"Oo." Tanging nasabi ko at agad naman siyang siniko ni Matthew na nakangisi.

"Seems like someone is in lov--" Hindi naituloy ni Matthew ang balak niyang sasabihin nang magsalita na si Blaze na kasalukuyang masama na ang titig dito.

"Shut the fuck up, Matthew. Want me to expose your secre--"

"Fine, just shut up." Agad namang ngumisi si Blaze na natutuwa sa reaksyon ni Matthew.

Agad silang natapos sa paglamon.

"Guys, If they attempt to find us just tell them that we just stroll around." Sabi ni Matthew.

I just nod because I have Leche flan stuffed in my mouth.

Binalingan nila ng tingin si Zeus na seryoso lang nakatingin sa kanilang dalawa. Ano ba talagang problema ng isang 'to? Ayaw talagang magsmile eh 'no? Paano kaya kung patawanin 'to? I'll be needing Jay to do this.

"Zeus, remember our plan." Usal ni Blaze na nakangisi at halatang may binabalak talaga base sa sinabi niyang "PLAN".

"Yes." Tipid niyang sagot at umalis na 'yung dalawa. Nilingon ko si Zeus upang makahanap ng sagot dito ngunit nadismaya ako nang wala itong ekspresyon.

Hindi na ako makakain ng Leche Flan dahil sa kyuryusidad ko sa plano ng tatlo. Anong plano ang sinasabi ni Blaze?

Umubo ako at eksaktong lumingon sa akin si Zeus na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Ano bang puso 'to? Lagi na lang bumibilis.

Ngumiti ako at halatang hindi siya natuwa dito dahil ni hindi man lang siya ngumiti. Kailan ba siyang ngumiti?

"A.. ano 'yung planong sinasabi ni Blaze?" Tanong ko ng nakangiti para kunwari wala lang nangyari kanina.

Matagal niya akong tinitigan sa mata kaya nailang ako pero hindi ko iyon binawi.

"It's Confidential." Sabi niya.

Confidential? Ganu'n ba talaga kaimportante 'yun? Hindi na ako nagpumilit pa dahil baka maalala lang niya 'yung pagkausap ko sa kaniya habang nakaearphone siya.

Paglipas ng ilang minutong nakabibinging katahimikan ay umahon na ang Weirdos at 'yung ibang boys at tumungo dito upang magtanghalian. At tulad nang inaasahan ko ay tinanong nga ako ni Chiqui kung saan naglagi sina Blaze at Matthew. Para pang nag-aalangan si Chiqui sa pagbanggit ng pangalan ni Matthew.

Our last Summer (Weirdos' Squad)Where stories live. Discover now